Chapter 8: Officially Broken (part 1)

26 3 0
                                    

"Tj Gomez is courting you?" Sigaw ni shannon.

Kalat na kalat na sa buong campus ang tungkol sa panliligaw sakin ni TJ. Isang linggo na kasi ang nakalilipas nung rebelasyon na sinabi niyang siya si mr. Four-leaf clover ko at pumayag akong magpaligaw sakanya. Lagi niya na kong pinupuntahan sa room ko para magbigay ng flower, tapos after my class susunduin niya na ko para ihatid sa bahay.

"Oo nga." Unfortunately, nagkasakit ang magaling kong bestfriend ng isang linggo kaya hindi niya alam ang tungkol dito.

"But... How?"

"Haynako bruh. Mahabang kwento." Masyado akong tamad para ikwento sakanya lahat. 😒

"So bruh, what's the score? " tanong niya nanaman. Nako po. Ano nanamang score yan?

"57-46 yung last score. Panalo nga yung team natin e. " nakangiti pa ko dahil ayun pala yung score na tinatanong niya.

Pero all of the sudden, bigla nalang akong binatukan ni shannon.

"Arayyy ko naman bruh. Parang tanga to." Sinimangutan ko pa si gaga.

"Hindi score sa basketball. Score ni TJ sa panliligaw sayo. Shungabels ka talaga." Hay. Bestfriend ko talaga to e.

"Ah yun ba. Wala pa naman. Kakastart pa lang naman niyang manligaw e. Pero okay naman." Sagot ko nalang sakanya. Ewan ko ba kung bakit nawawala ako sa mood pag tungkol dito ang usapan.

"Yun lang? Parang dati baliw na baliw ka kay kay TJ, halos tumambling ka sa harap niya para mapansin ka lang niya. Pero ngayon, okay lang ang isasagot mo?"

"Bruh. Marami na kaseng pinagbago e. Hindi naman porket gusto ko siya noon, pareho parin ngayon... "

Naalala ko yung araw na nakasaksi ako ng isang nakakaiyak na lovestory...

Dapat ako yun e. Dapat ako yung nakayakap, ako dapat yung babae sa lovestory na yun e. Ang kaso... Ako lang pala yung kontrabidang taga iyak. Haynako. Buhay nga naman.

"Oy bruh. Ba't ka nanaman naluluha? " nagaalalang tumingin sakin si shannon.

" ah wala to bruh. Naalala ko lang yung na saksihan nating yung lovestory nila." Nginitian ko nalang si shannon.

"Yung eksena nila b-"

"Hi Aries!" Napalingon ako sa tumawag.

"Oh hi T-"

" hello TJ." Sabat bigla ni shannon. Usong uso talaga yung mga namumutol ng sasabihin no? -___-

Kumaway naman si TJ sakanya then umupo na siya sa tabi ko.

"Nag lunch kana? Tara kain tayo. Di pa ko naglalunch e." Pag aaya ni TJ.

"E kase TJ.. Kasabay kong naglalunch si shannon e."

"Okay lang. Isama na natin siya. My treat." Dagdag pa ni TJ na mukhang ikinatuwa ni shannon.

Jutay-tomi talaga tong bestfriend ko. (_  _||!)

So, no choice ako kaya kumain nalang kami sa isang fast food sa labas ng school.

Bago kami makalabas ng school. Ang dami kong naririnig na nag chichismisan.

May tungkol sakin at kay TJ. Tapos may tungkol din kay BJ at sa nililigawan.... Wait! Whaaat? O___O

"Pareho ng may nililigawan ang J Brothers, hays paano na tayong mga fangirl? "  narinig ko sa di kalayuan.

Totoo kaya yun?

"Hoy AZ!"

"Ay pusang gala!" Nagulat ako sa sigaw ng bruhang katabi ko.

She's the Assumera QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon