Chapter 10 : Protecting my Heart

22 4 0
                                    

Okayyy... Back to the ball game. Charot. 😂✌ back to the story na ulit. Hays. Tagal ko ding nawala ah? Hihihi sana may nagbabasa pa nito para magkaroon ako ng inspiration and malabanan ang energy gap. Hahahaha

Tristan James Gomez is soooo gwapo. 😍
(See his pic above ⬆⬆⬆)

---

Pumasok ako ng university ng parang walang nangyari. Yung typical na ako lang, yung lakad aries, yung ngiting aries at yung aries na may dalang paninda. Hahaha back to business nako. 😂

Nauubos na kase ang allowance ko kaya kailangan ko na ulit kumita. Ayoko namang mangutang kay sha and raf kahit ini-insist nila na papautangin nila ko at lalong lalo ng ayokong galawin yung perang binibigay sakin ni daddy no, cause I can do it on my own without any help from him.

Pag pasok ko sa room, naging instant celebrity nanaman ako aba! 😂 nag si-lapitan nanaman sila dahil nakita nila ang mahiwagang bag na dala ko. Hahaha

"Aries, magkano to?"

"Aries, tatlong ganto bibilhin ko."

"Aries, eto kaya. May stock ka pa nito?"

Myghaaad. Feeling ko mas na ii-stress ako kaysa kay anne curtis e. 😢

"HEP HEP HEP!!!"

Napatigil naman silang lahat sa pag halungkat sa bag ko at nanahimik.

"Girls. Girls. Easy peezy. Chillax lang kayo. Isa isa lang okay? Mahina ang kalaban. Tsaka wala namang gwapo dito kaya wag kayong masyadong maingay."

Inisa isa ko na yung order nila, ng biglang may kumalabit sakin.

"E anong tawag mo sakin? Cute lang? "

Bago pa ko makatingin, bigla nalang nag tilian yung mga kaklase kong babae.

"OMO. SI TJ GOMEZ!"

"OMYGHAD. HE'S SOOOO HANDSOME"

Nung humarap nako sakanya, nakatakip ng bouquet of flowers ang kaniyang mukha pero agad niyang tinanggal yun at nag smile.

"So, walang gwapo dito? E ano ngang tawag mo sakin?" Nag taas-baba pa siya ng kilay niya. Pacute naman to. (-////-)

"Wait pag iisipan ko muna." Kunwaring nag isip pa ako. "Hindi ko alam e. Wala kong ma isip." Pag bibiro ko sakanya.

Ngumiti siya at ginulo niya ang buhok ko. Jusko naman. Lagi nalang niya ginugulo ang buhok ko.

Sinimangutan ko lang siya.

Pero parang walang epekto ang pag simangot ko sakanya e. Inabot niya lang sakin yung flowers.

"Ano tong mga to?" Tanong niya nung makita yung mahiwagang bag ko.

"Ah mga paninda ko. Dyan ko kase kinukuha yung allowance ko e." Sabi ko habang pinagbebentahan ko yung mga kakaklase ko.

Ewan ko ba kung bibili talaga tong mga to ah. Kase basta lang sila kukuha sa bag tas mag aabot ng pera sakin pero kay tj nakatingin. Mga wala sa sarili aba!

"Ay ganun ba? Aayain sana kitang lumabas kaya lang busy ka e." Akala ko aalis na si tj kase tumalikod na siya.

"On the second thought, dahil gusto kitang makasama, tutulungan nalang kita sa pagtitinda. " humarap siya sakin at ngumiti ng napakalawak.

"Ikaw bahala." At pag kasabi ko nun, biglang dumog ng mga kakaklase kong babae sa pwesto namin.

Jusko mga enday. Nalaman lang na si tj ang magbebenta. Dinumog niyo na agad. -___-"

She's the Assumera QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon