Officially Broken (part 2)

28 3 0
                                    

"Ahm.. Aries. Gising na. Nandito na tayo sa school."

Napadilat ako ng mata pero inaantok pa ko. Medyo malabo rin yung paningin ko.

"Ha? Ah. Sorry. Sige salamat sa paggising sakin sha."

Napahikab ako tapos nagkusot kusot pa ko ng mata. Hindi na sumagot si shannon. Hinahanap ko yung lock ng seatbelt. Pero hindi ko makapa kapa. Buset. Inaantok pa talaga kase ako e. -___-

"Sha. Patulong naman ako magtanggal. Tinatamad akong mangapa." Humikab nanaman ako.

Tinulungan niya naman ako. Napatingin ako sa backseat.

"Tara na. Baba na tay----"

Wala?

Bakit wala si shannon?

Ayy buset. Napasapo ako ng noo.

Ngayon ko lang naalala. Nakasakay nga pala kami sa kotse ni brigs at nakatulog ako dahil sa traffic. Aish. \\(>____<)//

Unti unti akong lumingon sa tabi ko.

Alam niyo kung anong nakita ko?

Si brigs na nakangiti. Shemss. Wag mokong ngitian. Kinikilig ako. (-////-)

"A-anong nginingiti ngiti mo dyan? "

"Wala. Natutuwa lang ako sayo." Pwes. Ako, hindi natutuwa sayo. Nasasaktan ako!

" tigilan mo nga ko br... Bj. "

Nawala bigla yung ngiti sa bibig niya at napalitan ng blank expression.

"N-nasaan na nga pala si shannon?"

"Ah oo nga pala. Sabi niya na c-cr na daw siya e. Nagmamadaling umalis."

Napasapo nanaman ako sa noo. Hayerp talaga yung si shannon. Gumagawa nanaman ng paraan para mapagisa kami ni bj.

"Tama na nga kakasapo sa noo mo. Tignan mo. Namumula na yan." Hinawakan niya yung noo ko na parang iniexamine yung pamumula.

Ang lapit lapit niya sakin. Nakakainis. Parang gusto kong umiyak. Nakakaasar ka Brigs.

"Brigs.."

Napatigil siya sa pagtingin sa noo ko at dumiretso ng tingin sa mata ko.

"Can you... Please... Stop doing things like this? " napaiwas ako ng tingin.

Oo. Ayokong ginaganito niya ko. Ayoko na. Kung dati siguro niya ginagawa ang mga bagay nato mas kikiligin ako. Oo kinikilig ako. Aminado ako doon.

Pero... Hindi na pwede ngayon dahil... May girlfriend na siya.

Napayuko si bj.

"Sorry... "

Tumingin ako sakanya. Ewan ko bakit naaawa ako kahit hindi naman siya dapat kaawaan.

"Ano kaba. Wag ka ngang mag sorry. Okay lang yun. Hahahaha. " tinawanan ko nalang siya para mawala yung awkwardness.

"Ah sige br... Bj. Una na ko sayo ah? Baka malate pa ko sa klase ko e. See you around." Masyado akong nasanay na tawagin siyang brigs kaya medyo na uutal ako kapag babanggitin ang pangalan niya .

Hindi parin siya natingin sakin kaya napagpasyahan ko ng lumabas.

Naglalakad nako palayo sa kotse ni bj.

"Aries!"

Tumigil ako sa pag lalakad pero hindi ko siya nililingon. Naramdaman kong nasa likod ko na siya.

"B-bakit? " nakakaasar. Kanina pa ko nauutal.

"Makipagkita ka sakin mamaya sa gym after class. Gusto kong makausap ka. Hihintayin kita dun. Pumunta ka please?"

She's the Assumera QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon