ANO na Julie? Di naman lagi na de-depende ka lang kay Elmo. Solbahin yung problema ko na kasama siya. You have to grow up alone. Kailangan mong matuto ng mga bagay-bagay na hindi naka depende sa ibang tao. Tama yung sinabi ni Maqui, di sa lahat ng oras andyan si Elmo para umantabay sayo, though sabi niya na andyan lang siya parati sayo at sabay kayong dalawang matuto pero yun nga, hindi sa lahat ng oras, sa kanya ka aasa, de-depende, sasandal. Live on your own, Julie. Tama yan. Pero… pano naman si Moe? Si Elmo na mahal na mahal ko, mahal ako at yung taong nagsasabi sa akin na “we’re in this together”... No buts Julie, I know, maiintindihan ka rin ni Elmo. Pero.. aishh..Isip-isip yan ni Julie. She’s been thinking about this for weeks. Naba-bother siya sa sinabi ni Maqui sa kanya. At totoo naman yun, sobrang dependent na niya kay Elmo. Na parang every decision, she have to consult it to Moe, na dapat lahat ng gagawin niya ay dapat laging nandun din si Elmo at sabay silang gumagawa nun.
“Earth to Julie Anne San Jose, hello?” agaw pansing sabi ni Maqui kay Julie habang iwinawagayway pa nito ang kamay sa harap ni Julie. Nakatulala kasi itong si Julie, kanina pa. Nasa Black Canyon Coffee silang dalawa ngayon, nagka ayaan lang. Si Maqui ay best friend ni Julie. Magkaibigan na yang dalawang yan since 3rd year high school hanggang ngayon na 25 years old na sila.
“uh..maq! naka order ka na?” Julie. Nakatingin siya ngayon kay Maqui na nakatingin din sa kanya. “oh, ba’t ganyan ka kung maka tingin?”
“kanina pa po. Girl, tulaley ka ata? Ano iniisip mo?” ayan, nag simula nang mangintriga si Maqui. Sakto, dumating na yung order nila.
“wala! Kumain na nga lang tayo, maq” iwas ni Julie kay Maqui. Kumain nalang siya ng Fried Prawn na may Tamarind Sauce.
“kilala kita, Jul. May hindi ka sinasabi sa akin. Tsh!” Sinamaan siya ng tingin ni Maqui na ngayo’y iniinom ang Blackpuccino niya.
“wala nga maq, kulit mo!” tinignan niya saglit si Maqui at tinuon ulit ang atensyon sa kinakain niya.
“isa, Jul. Kilala kita. Spill na!” nangungulit na naman si Maqui. Di talaga siya tatantanan nito hangga’t di niya nalalaman kung ano man yung inililihim o di sinasabi ni Julie sa kanya.
Kulit naman talaga oh.
Napabuga nalang siya ng isang malalim na hininga. “Haaay Frencheska, chismosa ka talaga noh. Alam mo yun?” inirapan niya ito. “Iniisip ko kasi yung sinabi mo nung nakaraang araw”
“Alin dun?” Naka kunot noo si Maqui ng tinanong niya si Julie. She’s sipping her blackpuccino again.
“yung about sa pagiging dependent ko kay Moe.” Sagot ni Julie habang pinaglalaruan na ang kinakain niya.
“oh, anong meron dun? Alam mo, nasabi ko lang yun kasi pansin ko lang, masyado kang naka depende sa tao, alam mo yun? Pero okay lang din naman yun, boyfriend mo yun eh. Haha” Sabi naman ni Maqui. Parang wala lang, naisip lang niyang sabihin yun kay Julie.
“Yun nga, naiisip ko lang. Tama ka, masyado akong nagiging dependent kay Moe. Tama ka.. na, I have to grow up alone.. I have to find myself, do things that I like. Gawin yung mga bagay na ako lang ang nagdedesisyon..” nakayuko na si Julie, looking at her food na nagkagutay-gutay na sa kakalaro niya using her fork.
“you know, okay lang naman din yung maging dependent ka sa kanya. Kasi nga naman diba, boyfriend mo yun? Haha ang bipolar ko lang, sabi ko sayo kanina na wag maging dependent masyado.. ngayon, ang sabi ko naman na okay lang. haha gulo noh?” Maqui.
Ang gulo mo lang Maqui!!
“sinabi mo pa. psh!” Julie.
“Jul, wag mo nalang seryosohin yung sinabi ko. Naisip ko lang din yun at para may masabi lang. Hehe tsaka please lang, stop playing with your food. Kadiri na yung itsura teh, gutay-gutay na” Maqui pointing at Julie’s Fried Prawn. “maiba tayo, kamusta pala kayo ni Moe?”