NAGPUNTA si Elmo sa boutique-studio ni Julie.
“Maq, san nagpunta si Julie?” seryoso ang mukha nito at halatang-halata na namumugto ang mga mata nito.
“Moe, are you crying?” tanong ni Maqui na naka kunot noo.
“Just answer my question maq. San nagpunta si Julie?”
“I-I don’t know moe. Di niya sinabi sa akin ang lugar kung san siya pupunta.”
“best friend ka niya pero you don’t know kung asan siya? O baka pinagtatakpan mo lang? Kailan mo pa alam na aalis siya?” galit na si Elmo.
“I swear, di niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta eh. Kahapon lang din moe. She told me.. she told reese. Yun lang.”
Napaupo si Elmo sa sofa ng store nila.. umiiyak. Buti nalang, wala pang mga costumers. Maaga pa kasi masyado. Nilapitan naman agad ito ni Maqui.
“Moe..” hinagod niya ang likod nito
“maq, bakit niya ako iniwan? Ganon-ganon na lang? iiwanan niya ako kung kelan niya gusto? Bakit siya ganyan?”
“moe.. may reasons siya. Tahan ka na.”
“Maq, di ko siya maintindihan. Mahal niya DAW ako pero bakit niya ako iniwan?”
“sssh, tahan na.”
LUMIPAS ang 2 na buwan. Si Elmo, naglalasing na. Para na siyang ewan. Buti nalang andyan si Jay at Kris para umalalay sa kanya. Nasa bar sila ngayon.
“bakit ba ganon si Julie ha? Natitiis na niya ako..dalawa, dalawang buwan na ang nakalipas. Di niya ako kinokontak. Sa text, call, email, DM, pm, sa twitter. Bakit niya ba ako iniiwasan? Ano bang nagawa ko?” lasing na lasing na naman siya. Kahit pinipigilan nia siya ng mga kapatid, kaibigan niya, ang tigas ng ulo niya.
“pare, baka pag balik nun dito, baka iwanan ka na talaga ng tuluyan. Tingnan mo yung sarili mo oh, para ka nang ermitanyo.” Sabi ni Jay sabay agaw ng baso ni Elmo.
“iniwan na nga diba?.. nagplano na ako eh. Nagplano na akong ayain siyang magpakasal tapos yun lang? iiwan nalang ako bigla-bigla? iiwanan lang ako ng istupidong sulat niyang yun.”.. umiiyak na naman siya ulit. Naaawa na sa kanya ang mga kaibigan niya. “ang sakit dito eh..” hampas niya sa dibdib niya. “sinaktan niya ako..nagkulang ba ako? Diba hindi naman? Mahal na mahal ko nga siya eh.”
Umiiling nalang ang dalawa. “Moe, I think you have to talk to Julie’s parents, baka alam nila kung nasaan si Julie.” Kris.
Umiling din si Elmo, “I’ve been there. Nagtanong ako sa kanila pero sila mismo, di nila alam kung asan si Julie. Iniiwasan niya talaga ako..”
“Clean up yourself, moe and mag move on ka nalang.” Jay.
“move on? Anong move on? I won’t give up, jay. Mahal ko si Julie. Kung ayaw niyang magpakita, ako hahanap sa kanya.”
“haay moe, uwi na nga tayo. Lasing ka na.”
ONTARIO, CANADA
Nakatira si Julie sa bahay ng pinsan niya na si Alden at Addie. Kambal ang mga ito. Mabuti nalang at may kakilala siya sa Canada. Kasalukuyang nasa bahay silang tatlo, umiiyak kasi itong si Julie.
“Haaay cousin, tahan ka na nga, papanget ka, cge ka.” Sabi ni Addie. Umiiyak na si Julie simula ng dumating siya sa Canada, she feel sorry sa ginawa niya. Nababasa niya ang mga sini-send ni Elmo sa kanya pero hindi niya nirereplyan ito. Tinitiis kung baga. Nung nalaman ng parents niya from Elmo na asan daw ba siya, nag sorry din siya sa mga ito. Sinabi lang niya na nasa mabuti siyang kalagayan. Sila naman ni Maqui, nagkakausap sila pero di pa rin alam nito kung asan siya. Binabalitaan naman siya nito sa mga nangyayari kay Elmo at nalungkot siya sa mga nangyayari sa nobyo.