“NGA pala, kaninong anak to si baby?” tanong ni Elmo habang tinatadtad ng halik ang pisngi ng bata. Walang sumagot at biglang lumabas si Pia from kitchen.
“okay guys, dinner’s ready. The viand is here so let’s chop-chop!” masayang sambit ni Pia sa lahat.
“hey mom.” bati niya sa ina. “ako muna hahawak sa baby guys ah.”
Natigilan si Elmo ng makita niya ang isa pang tao na nagdala at naghain ng ulam sa hapag kainan. Di siya makakibo. Di makapaniwala.
Julie!
“Moe..” Julie. Naka ngiti lang ang mga kasama nila sa area na yun. Si AM, ayun pinaglalaruan ang necktie ni Elmo.
“Julie..” napatayo si Elmo at lumabas. Napatingin nalang ang lahat sa kanya habang pa alis siya.
Sinenyasan naman nina Frank, Saab, Maxx, Pia at Marivic si Julie na sundan niya ito kaya sumunod agad siya. “I’ll talk po muna to Moe. Una nalang po kayo” Umalis na agad siya.
NAKITA niyang nakaupo si Elmo sa bench ng garden ng mga Magalona. Nilalaro si AM. Di niya muna nilapitan ito at nakikinig lang muna siya kay Elmo na kinakausap si AM.
“baby, siya ba yung mommy mo?” bumuntong hininga siya, “bakit ba siya ganyan, baby? Iniwan niya ako eh. She chose to be alone. Bakit bigla nalang na ayaw niya akong makasama? Eh ako, all I want to do is just to be with her lang. Okay na ako dun sa ganon nalang na set up eh, iyong makasama lang siya pero iniwan niya ako. Diba pwede naman niyang magawa ang gusto niya na kasama ako? Possible naman yun eh pero yun na nga, mas pinili niyang mag-isa.” Naiyak na si Elmo. Nakatitig lang sa kanya si AM. Nakiki-emote din. Kung ano ang itsura ni Elmo ngayon, yun na din ang itsura niya. Para na rin itong naiiyak.
Napansin ni Elmo na nakatitig si AM sa kanya, “AM, don’t cry ah. Smile ka lang.” he heaved a sigh. “sana ako nalang ang daddy mo. Sana tayo nalang tatlo ng mommy Julie mo.” He pinched AM’s nose. “oh bagay diba? Daddy Elmo.”
“bagay talaga” sabi ni Julie mula sa likuran niya. Napalingon naman si Elmo. Nagliwanag naman ang mukha ni AM. Lumapit si Julie sa kanila at tumabi kay Elmo na naka ngiti.
“hi…moe!”
“why did you come back?” cold na sambit nito sa kanya. Nalungkot naman si Julie ng bahagya.
You deserve that cold treatment, Julie. Kasalanan mo kasi yan. Isip ni Julie.
“bumalik ako, kasi I belong here. Bumalik ako para sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at bumalik ako.. dahil sayo. Moe, I’m sorry sa lahat ng nagawa ko. Nagsisisi talaga ako nung iniwan kita-“
“you should’ve think that first tsaka ka nag decide na iwan ako. You hurt me, Jul. Araw-araw, iniisip ko kung ano ba ang ginawa ko, ano ba ang pagkukulang ko. Sabihin mo, meron bang mali sa akin?” Naiiyak na si Julie. Si Elmo rin ata kasi nagshe-shake na yung boses niya. Pinapaupo niya na rin si AM sa kandungan niya.
“wala moe. Walang mali sayo. Ako, ako ang may mali. Naging miserable din ako katulad mo nung nasa malayo ako. Sinisisi ko ang sarili ko kasi ang tanga ko lang at nagawa kitang iwan at saktan. Moe, mahal na mahal kita. It didn’t change. Hanggang ngayon, ikaw pa rin..” she was crying now.
“ako man rin, Jul. I still love you. Everyday, nananalangin ako na babalik ka. Babalik ka sa akin pero hindi na tayo pwede eh.. hindi na..” Sabi ni Elmo sabay singhot.
Huli na ba ang lahat para sa amin?
“bakit moe, may iba ka na ba?” Julie said while wiping her tears away.