Orange Letter Epilogue

752 12 0
                                    

“behave ang baby boy ko today ah” nakangiting sambit ni Elmo kay AM na naka upo sa kandungan ni Julie. Nakasakay sila ngayon sa Lexus ES350 ni Elmo. Papunta sila sa MOA. Nag decide sila na lumabas ngayon para naman ma distract silang dalawa saglit. Bukas na kasi ang kasal nila after mag propose si Elmo 5 months ago. Parehong kabado at excited ang dalawa.

Tumingin si AM sa kanya at nagngitian silang dalawa. Pinisil naman ni Elmo ang pisngi nito at tumingin ulit ito sa daan.

Ang harot-harot talaga nitong mag-ama ko. Haha

“after nating mag-ikot sa mall, saan mo gustong kumain, babe?” sabi ni Elmo na nakatingin parin sa daan.

“kahit saan nalang moe.” Julie. Naglalaro ngayon si AM sa Samsung Galaxy Tab niya na binili ni Elmo para sa kanya. Pindot lang ito ng pindot. “alam mo, nagmana talaga ‘tong si AM sayo. Pareho kayong techie. Haha”

“naman. Like father like son nga diba? Hahaha”

“oo na. ikaw na. Ikaw na ang kamukha, kaugali.. lahat-lahat na. psh!”

“haha wag kang mag-alala, babe. Makikita mo, after ng wedding natin may bago ka namang batang aalagaan at di lang yun.. magiging kamukha mo pa.” Sabi ni Elmo sabay kindat sa kanya.

“heh! wag mo kong landiin magalona ah. Mag drive ka na nga lang diyan, baka mabangga pa tayo!”

“hahaha pikon si mommy, baby.” Natatawang sambit ni Elmo na ikinahagikgik naman ni AM na parang naintindihan niya ang sinabi ni Elmo.

Tignan mo ‘to.. nagkampihan pa. tsh!

NAKARATING na sila ng MOA at kaka-park lang ni Elmo. Bumaba agad siya upang pagbuksan ng pinto ang kanyang mag-ina.

“ako na magbubuhat kay AM, babe” kinuha ni Elmo kay Julie ang carrier at sinuot ito. Hawak naman ni Julie ang bag ni AM na naglalaman ng gatas, tubig, diapers, extrang damit, bib, lampin at pacifier.

Pumasok na sila ng mall na magkahawak kamay. Nag tinginan naman ang ibang tao sa kanila. Nagagandahan at nagwagwapuhan cguro.

“perfect couple daw baby. Haha” Elmo. Narinig niya kasi ang isang babae na nagsabi nung malagpasan nila.

“ginanahan ka naman? Haha tsk.” Nilingon niya si Elmo.

“syempre. Tama nga naman yung babae na perfect couple tayo. Tingnan mo, gwapo ako, maganda ka. Oh diba? Haha” pagmamayabang ni Elmo.

“Oo nga naman…. Ang hangin natin, babe noh? Haha” natatawang sabi ni Julie.

“of course not. And isa pa, ang gwapo at ang cute-cute daw ng baby boy ko..” pinisil-pisil ni Elmo ang pisngi ni AM. Kinausap niya ito, “cute daw ikaw baby tsaka gwapo.. mana ka talaga kay daddy.. buti nalang talaga.”

Mayabang. Tsh!

“talagang may pahaging pa noh? Ipagsigawan mo nalang kaya..!” sarkastikong sabi ni Julie kay Elmo. Pinisil naman ni Elmo ang kamay niya.

“ambilis talaga magtampo nitong mommy mo, baby” binalingan niya si Julie, “wag ka nang umemote mommy ah. Nagjojoke lang naman ako and alam mo, sa ating dalawa naman talaga nagmana itong anak natin. Hating-hati oh.. teamwork kaya to.” nakangiting hinarap ni Elmo si Julie. Hinaplos niya ang pisngi nito at hinawakan ulit ang kamay nito. Nginitian niya naman si Elmo.

“I know daddy.. I know. Hehe”

“good” nag-ikot-ikot sila sa mall, bumili ng mga damit ni AM na si Elmo mismo ang bumayad, at kung ano-ano pa. Pagkatapos nilang mag-ikot, kumain muna sila sa chowking. Dun ni Julie napiling kumain dahil matagal na siyang di nakakakain dun.

Orange LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon