Chapter 24

30.4K 470 20
                                    

CONFRONTATION WITH HIM

DEON'S POV

"Sir, papasukin ko na po siya?" pagkarinig ko sa intercom ay hindi ko mapigilan na mapangisi at mahawakan ang ballpen ko sa sobrang higpit dahil papasok na ang kinaayawan ko sa buhay o sabihin ko na lang "threat" sa buhay namin ni Lucky.

"Yeah, papasukin mo na siya. Thank you Amanda." Sagot ko sa kaniya sa intercom. Ilang segundo lang ay pumasok na nga ang taong kinaayawan ko at mukha pa lang niya ay parehas lang kami ng nararamadaman na ayaw talaga namin sa isa't isa.

Umupo siya sa harap ko na padabog at tiningnan niya ako ng sobrang lalim habang ako naman ay nakangisi lang sa kaniya, kahit ayaw ko siyang papuntahin talaga dito ay kailangan ko para na rin ito sa relasyon namin ni Lucky.

"Anong gusto mo pag-usapan natin Mr. Beningstone at hindi ko alam na katrabaho mo pala yung kaibigan ko." Sarkastikong sabi sa akin ng nasa harap ko.

"Kasalanan ko bang hindi sinabi sa iyo ni Mr. Hernandez na ako ang inatasan niyang engineer sa gagawan niyang bagong kompaniya?" tanong ko naman sa kaniya. Nakita ko na umiling na lang siya na nakangiti at humarap sa akin ng may seryoso sa kaniyang mukha.

"Bakit mo ako pinapunta dito Mr. Beningstone and all we know, we don't like each other right?" pasarkastikong tanong sa akin ng nasa harap ko. Umayos ako ng upo at kailangan kong pakalmahin ang sarili ko dahil kapag hindi ay siguradong wala na kami dito at hindi na ito ang magiging estado namin ng pag-uusap kung hindi kamay sa kamay o sabihin ko na lang suntok sa suntok na ang magagawa namin dito.

"Gusto ko lang naman sabihin sa iyo na layuan mo na si Lucky." Matigas na utos ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin na nakangisi at umiling na parang pinagloloko ko ba siya.

"Hindi ako nagloloko dito Mr. Alvarez. I'm being serious here." Matigas na pahayag ko ulit sa kaniya. Nakipagtitigan siya sa akin at ilang segundo lang ay sumeryoso ulit ang mukha niya.

"Well ako rin, Mr. Beningstone. Wala rin akong planong magloko dito a the same time ay seryoso rin ako katulad mo pero gagawin ko ang lahat para lang mapasaakin ang dapat lang sa akin noon pa man." Pagkasabi niya iyon sa akin ay tumayo na siya sa kinauupuan niya.

"Well Mr. Beningstone, alam naman natin na asawa ko pa rin siya at hamak na boyfriend ka lang niya. Sa palagay mo, sino ang mas may karapatan na magsabi ng ganiyan ang asawa o ang isa naman na hamak lang na boyfriend lang niya?" tanong niya sa akin. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at unti-unti ay napakagat ako sa labi ko dahil tama naman siya na boyfriend lang ako ng asawa niya pero...

"Pero tandaan mo Mr. Alvarez, mahal niya ako at hindi ikaw pagkatapos ng ginawa mo sa kaniya at kahit na rin sa pagkamatay ng anak niyo." Nakangisi na sabi ko sa kaniya pero hindi man lang siya natinag sa sinabi ko man lang sa kaniya imbis ay pinasok lang niya ang dalawang kamay niya sa pocket niya at binigyan lang niya ako ng isang nakakainis na ngisi niya.

"Hmmm...Hindi natin alam Mr. Beningstone kung sino talaga ang mahal niya sa ating dalawa pero kung sino man iyon sa atin ay dapat rin naman natin iyon respetuhin ang sagot niya."

"Alam kong marami na akong nagawang kagaguhan katulad ng pananakit ko sa kaniya mapaphysical, mapaemotional at mapamental pero alam ng nasa taas na kung gaano ako nagsisi nung nawala siya sa tabi ko at piece of information lang naging biktima lang ako sa pagkamatay ng anak namin ni Lucky at pinagsisihan ko iyon ng lubos." Pagkasabi niya iyon sa akin ay naglakad na siya patungo sa pinto at diretso siyang lumabas habang ako naman ay naiwan na nakatanga dito sa inuupuan ko kung paano ko siya mapapalayo kay Lucky.

Seeking For VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon