Chapter 13

35K 589 28
                                    

LONG LOST

LUCKY'S POV

From: Stephen Alvarez

To: Lucky Evangelista

Subject: Excuse letter from Stephen Alvarez to Ms. Lucky Evangelista

Dear Ms. Evangelista,

I may not be able to attend your office for four days because my mother asked me to visit them in California. I'll be finishing the work that is pending, in two to three days. If you want further information, please let me know. I will be there to answer your question.

Thank you and hope for your kind consideration.

Sincerely,

Stephen Alvarez

So, mag-aabsent pala siya bukas hanggang katapusan ng week na ito. Hmm...California? Nasa California yung mga magulang niya pero bakit naman kailangan pang tumira yung mga magulang niya doon? Dahil pa rin ba ito sa akin? O dahil rin sa kaniya? Hay...Ano naman kung magiging absent siya bukas. Kaya ko naman eh pero...kakayanin ko nga ba na wala siya sa paningin ko? Okay lang naman sa akin kung iniiwasan niya ako this past few days dahil sa nalaman kong sakit sa kaniya pero atleast kahit iniiwasan niya ako eh nakikita ko siya sa paningin ko. Ewan ko pero natutuwa akong makita siya.

Napailing na lang ako sa iniisip ko. Hiniga ko na muna yung ulo ko sa swivel chair at inikot ko ito. Ngayon ay kitang kita ko ang mga nagtatayuang gusali at mga sasakyan na dumadaan sa kalsada dito sa glass window ko.

"Liver Cancer. Stage 1. Kaya wag kang mag-aalala, hindi pa naman ako mamatay. Matagal pa bago mag stage 4 pero kung gusto mo mawala na talaga ako dito sa mundo ay sige papabigyan kita. Magpapakamatay na lang ako o kaya as much as possible ay gagawin kong stage 4 itong sakit ko."

Bumabalik pa rin yung katagang iyon halos araw-araw kahit pagtulog ko ay napapaganipan ko pa rin siya habang sinasabi niya iyon sa akin. Sakit at awa ang nakikita ko sa mga mata niya na parang isang tulak mo lang sa kaniya ay babagsak ito at mawawarak, parang isa baso na kapg hindi mo sinadya na ibagsak.

Napalunok ako at dinilat ko ang dalawang mata ko, ganun pa rin at hindi pa rin nagbabago mga nagtatayuang gusali at mga sasakyan na dumadaan sa kalsada meron rin na mga tao na naglalakad o kaya naman ay nagtatakbo dahil late na ata sila sa trabaho.

Pag pinikit ko ba ang mga mata ko at dinilat ko ito may magbabago ba? Nararamdaman kong hindi pa rin nagbabago. Nilagay ko ang kamay ko sa kaliwang dibdib at pinapakiramdam. Mabilis at tumatakbo na parang akala ko ay hinahabol ako ng isang kabayo dahil sa pagtibok nito sa kaniya.

Napailing ulit ako, hindi ito pwede Lucky. Paano naman si Deon, ganun na lang ba iyon porket bumalik ka dito sa Pilipinas at nakita mo lang si Stephen ay ganun na iyon?

"Liver Cancer. Stage 1. Kaya wag kang mag-aalala, hindi pa naman ako mamatay. Matagal pa bago mag stage 4 pero kung gusto mo mawala na talaga ako dito sa mundo ay sige papabigyan kita. Magpapakamatay na lang ako o kaya as much as possible ay gagawin kong stage 4 itong sakit ko."

Hindi ko naman gusto na mamatay siya, bakit ba niya iniisip iyon agad sa akin? Oo nga pala Lucky, kinamuhian mo siya noon dahil sa pagkamatay ng anak niyo. Siguro nga, nadala ako sa emosyon kong iyon pero ngayon na naliwagan ako na hindi pala niya anak si Kiel ay may nakikita akong pag-asa pero hindi pa rin pala dahil may Deon nga ako.

Pero parang may kulang pa rin na kailangan kong malaman iyon as much as possible at ang makakaalam lang iyon ay ang mag-asawang na bestfriend ko na si Jenny tsaka si Troy pero paano ko sila mahahanap kung hindi ko na nga pala mahanap yung address na binigay nila sa akin o kahit yung cellphone number nila. Si Gaille! Tama si Gaille.

Seeking For VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon