Chapter 42

33.7K 544 50
                                    

THE PASSPORT

LUCKY'S POV

"Kaloka ka talaga Bes. Biruin mo iyon? Ang dami niyo ng nadaan na trials and challenges pero ano nangyari in the end? Ayan, nasasaktan ka pa rin, wala ka pa ring happy ending at yung ex-husband mo ayun magkakaroon na ng sariling happy ending sa ibang babae." Pangungutya sa akin ni Nikki. Napangiti naman ako ng mapait dahil sa sinabi niya sa akin. Oo aminin kong ako pa rin ang nasaktan in the end, hindi na ako nagkaroon ng sariling happy ending kasama si Stephen. Akala ko talaga magiging kami nga pero wala pa rin. Hindi lang talaga tumatama sa akin yung kaswertehan. Bumabalik na naman ako sa pagiging UNLUCKY ko.

Nandito kami ni Nikki sa kwarto ko dahil naisipan ko lang ng magbonding kaming apat na magkakaibigan kaso wala ang dalawa naming kaibigan kaya kami na lang. Ngayon ay nakaupo si Nikki sa aking kama at habang ako naman ay nasa desk ko para icheck yung sales and records sa kompaniya ni Papa at yung sa wedding boutique ko sa New York.

"Eh sa hindi umaayon yung tadhana sa akin. Wala rin naman ako magagawa kung hindi talaga kami sa isa't isa. Tsaka ito?" turo ko sa aking puso. "Sanay na. Sanay na masaktan." Nakangiti kong saad sa kaniya. Napailing na lang siya sa akin dahil sa mga pinagsasabi ko sa kaniya.

Binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa aking laptop at chinachat ko na ngayon si Penelope. Kinakamusta ko kasi yung sa wedding boutique ko at nagpapadala na rin ako ng materials and co-workers para tulungan akong gawin yung wedding gown ni Shiela.

Habang naalala ko yung pag-amin sa akin ni Hanna na siya nga si Shiela at siya ay isa sa mga alipores ni Stephen ay hindi ko maiwasan na hindi madisgusto at maawa kay Stephen dahil sa oras na malaman nila na nagretokada lang ito si Shiela ay sa palagay ko ay maawa lang ako sa kanilang pamilya. Malay mo kaya lang nagpakasal si Shiela kay Stephen ay dahil sa kayamanan ng pamilya nito.

Napailing na lang ako sa iniisip ko dahil ayoko na gawin pa kung ano ginawa ko dati para lang maiwasan ko lang si Stephen at si Vivienne na magkatuluyan. Masyado na akong nasaktan at nagdalubhasa bilang asawa ni Stephen.

"Eh paano yan? Sure ka na talagang babalik sa New York at doon ka na magsesettle down? Pwede ka naman gumawa ng eksena sa kasal ni Stephen para lang mapatigil yung kasal nila. Mahal mo pa naman si Stephen eh." Rinig kong suggestion niya. Humarap ulit ako sa kaniya at umiling sa suggestion niya sa akin.

"Hindi ko na gagawin yon Nikki, baka sa iba eh yun ang gagawin nila para sa taong mahal nila pero ako? Hindi ko na gagawin iyon kahit alam kong mahal ko pa rin si Stephen ay nasasaktan pa rin naman ako at the same time. Tama na iyon. Pabayaan mo naman na magpahinga na yung puso ko, hindi na kaya itake risk ulit itong puso ko. Masyado nang nasaktan at nawasak."

"Tsaka kailangan ko na talagang bumalik sa business ko. Ayoko na rin naman magtagal pa dito kung ang taong pinaglalaban ko pa dati at ang rason kung bakit pa ako dito nagstay ay wala na ring saysay. Mas gusto ko na lang bumalik sa New York atleast doon eh nahahandle ko na mabuti yung business ko and malay mo doon na rin ako makahanap ng asawa diba?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman na nagpout si Nikki dahil sa plano ko sa buhay. Alam kong ayaw na niya ulit kaming magkahiwalay pa pero sana rin naman ay maintindihan rin naman niya na para sa akin rin ito. Masyado nang sirang-sira ang Lucky Evangelista. Masyado na itong warak sa pag-ibig.

"Hmp! Pero kapag nagkaboyfie ka na doon at may plano ka na magpakasal sa kaniya, sabihan mo lang kaming tatlo. Wag mo na ulit gawin yung dati mong ginawa na hindi ka man lang sa amin nagsabi na aalis ka na pala sa ibang bansa except lang kay Jenny. Nakakapangselos ka, bakit si Jenny lang ang nakakaalam na lumipat ka sa ibang bansa non?" nanghihinayang na tanong sa akin ni Nikki. Napatawa na lang ako sa nararamdaman niyang selos kay Jenny. Sa palagay ko that time kapag sinabi ko iyon sa kaniya ay baka masabi lang niya ito kay Stephen kung saan ako dahil alam ko bibig yung Nikki, masyado itong madaldal.

Seeking For VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon