Chapter 39

28K 518 98
                                    

HARD DECISION

STEPHEN'S POV

Pagmulat ng aking mata ay napatakip ako dahil sa sinag ng araw na binibigay sa akin ngayon. Bumangon ako at inikot ko ang aking paningin sa loob ng aking kwarto. Katulad pa rin ito at wala pa ring pagbabago. Hindi ko maiwasan na mapahawak ako sa aking dibdib kung nasaan nakalocate ang aking puso.

Hindi ko maiwasan na maging malungkot sa aking sarili dahil may puwang pa rin ito, na parang bawat gising ko sa umaga ay parang may kulang sa akin. Humiga ulit ako at napatingin sa kisame. Inaalala ko pa rin ang unang gising ko sa ospital.

Puti. Puting kisame, puting higaan, puro puti ang nakikita ng mata ko ngayon. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at matalim niya ako tinitingnan. Lumapit ito sa akin at umupo ito sa upuan na nasa gilid ko lang.

"D-Dad." Iyon ang lumabas sa aking bibig. Naluluha ito nang tinawag ko siya. Binigyan ko naman siya ng ngiti at nang hahawakan ko siya ay biglang kumirot ang aking ulo. Naphawak ako sa aking ulo at may nakakapa akong tela dito. Napatingin rin ako sa kamay ko at nakadextrose ako. Ngayon pala ay nasa hospital ako.

Hindi ko na maalala kung bakit ako nandito. Ang tanging ko lang naalala ay nang iniwan ako ni Vivienne sa airport. Hindi ko lubusang maisip na iniwan ako ni Vivienne dito sa Pinas. Masakit dahil lubos-lubos ang binibigay at pinagdadama kong mahal sa kaniya pero binalewala lang niya ata ito.

Bumalik ulit ang tingin ko sa aking Dad at naluluha pa rin itong nakangiti sa akin. "B-Bakit pala ako nan-d-dito Dad?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang gulat ng expression niya at lalo lang ako kinabahan dahil sa reaksyon niyang iyon sa akin.

"W-Wala kang naalala anak?" tanong ulit sa akin ni Dad. Umiling naman ako bilang sagot dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit nga ako narito. Naaksidente ba ako? Nahulog ba ako? Nabugok ba yung ulo ko?

At ayun nga ay kinunwento na sa akin ni Dad ang nangyari sa akin. Naaksidente daw ako dahil sa pagmamadali kong magpatakbo ng sasakyan at the same time ay lasing pa ako non. Sa palagay ko ay kaya ako naaksidente dahil na rin nagpakalasing ako para lang makalimutan itong sakit na nararamdaman ko kay Vivienne.

Pagkatapos ng limang minuto ay lumayo na muna sa akin si Dad at "Tatawagin ko lang yung Mom and siblings mo." Pagkapaalam niya sa akin iyon ay tumango ako. Ano na kaya itsura ni Ate Shanice? Ang pagkakaalala ko ay may anak at asawa na ito, buti at may nanligaw pa dito dahil kung hindi tatandang itong tandang dalaga.

"He's awake." Pagkarinig ko iyon sa aking Dad na nakadungaw ito sa pinto ay nagulat na lang ako dahil sa pagpasok ng tatlong babae na mahalaga sa aking buhay. Natatawa naman ako dahil bigla nila akong niyakap ng mahigpit habang napapaluha na sila sa akin.

Habang natutuwa ako sa kanilang tatlo ay biglang napadako ang aking tingin sa isang babae na nasa sulok ng kwartong ito at hinarangan ito ni Dad. Nakita ko naman na naluluha na rin ito katulad nina Mom, Ate Shanice at Suzette. Hindi ko alam pero bigla tumibok ng mabilis itong puso ko na parang ang tagal na naming hindi nagkita at nararamdaman ko ng aking puso na miss na miss na niya ito.

Binigyan niya ako ng ngiti pero kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala. Naramdaman naman ng tatlong na hindi na ako nakakibo kaya lumayo sila muna sa amin at napatingin na sila sa maing dalawa.

"Who are you?" iyon ang tanong ko sa babaeng nagbigay sa akin ng ngiti. Hindi ko maintindihan dahil sa ngiti na binigay niya sa akin ay bigla itong tumibok ng sobrang bilis. Kaano-ano ko ba siya?

Naramdaman ko naman na sa pagtanong ko iyon sa kaniya ay napatingin lahat ng mata sa kaniya. Lumunok ito pero parang nahihirapan ata itong lunukin dahil sa palagay ko ay may nakabara sa kaniyang lalamunan.

Seeking For VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon