PART 2 "Our Chixs-Mate"

42 2 2
                                    

(Mark’s POV)

Nandito ako ngayon sa playground.. Umupo ako sa kabilang seesaw..

Syempre nakaharap sa bahay nila Bestoy ko.. Maya maya nakita ko na lumabas na rin yung asungot nyang manliligaw.. Pero syempre di pa ko babalik.. Kelangan ko muna mapag-isa.

“Pssst!.. Bakla!”

Kakasabi ko lang na gusto kong mapagisa tapos may mag-iingay?. Sino ba yun at ako ba bakla sinasabi nya?

Tingin sa kanan O_o

Tingin sa Kaliwa o_O

Teka wala naman aa..

“Hoy Chixs!.. Ako to.. Avy’s here!”

Nasa swing pala sya.. Chixs? Haha oo.. Chixs ang tawagan namin. Pero hindi lang naming dalawa ha!. Kasama si Alyssa dun.. Kaibigan kasi naming dalawa yan si Avy MacVils ..

Nakakalaro din naming yan nung bata pa kame pero di lage kasi medyo busy kasing nilalang yan ee..  Pero classmate ko sya ngayon sa HRM.. Tama HRM ang course ko. Gay ba? Hindi aa!.. Astig nga kasi marunong akong magluto.. Si Alyssa rin naman HRM.. Kaya nga magkakasundo kame ee..

Kung ilalarawan ko si Avy?.. Well mabait yan syempre.. Babae sya pero may pagkaboyish.. Minsan parang babae.. Minsan sinasaniban ng pagkalalake.. Pero totoong kaibigan yan.. Yan lagi kong nakakausap kapag badtrip ako. Nakikinig kasi yan kahit parang galing sa ibang planeta yan.

“Chixs lalim ng iniisip natin aa!.. Ganda ng araw oh nag-eemo ka dyan!”

“Ha? Kasi naman si Alyssa”

“Oh bakit? Anong problema kay Chixs Alyssa? Teka bakit di kayo magkasama ngayon?”

“Andun sya sa bahay nila”

“Oh eh bakit nga nandito ka kung andun sya?”

“Kasi may asungot dun!”

“Asungot? Epal ? parang ganun?”

“Oo”

“Let me guess.. May nanliligaw na sa chixs natin?”

“Sinabi mo pa!”

“Haha edi okay.. Dalaga na sya!.”

“Anong okay dun? Ni hindi ko nga kilala yung lalake na yun!. Tapos kung magpakasweet kala mo kung sinong matagal ng kilala ang bestoy ko”

“Let me guess again, Nagseselos ka?”

“Hindi ah!.. Bakit naman ako magseselos?”

“Kasi mahal mo sya!”

Oh diba? Ganyan yang chixs Avy na yan. Straight to the point.. Sasapulin ka talaga nyan!.

“Ma..Mahal? Hindi ah!”

“Lalake ka!..  Babae sya!.. At di maikakaila na maganda si Chixs Alyssa.. Kaya tigilan moko sa kakahindi mo ha!”

“Oh ano naman kung lalake ako at babae sya? Ano naman kung maganda sya?”

“Mahal mo sya! Matagal na!.. Ako pa niloko mo ee basang basa na kita”

“Hay nako Chixs.. Oo na ikaw na mind reader”

“Talaga!.. Oh ano kwento ka pa!”

“Yun na nga!. Tapos parang katulong lang ako kung utusan ni Alyssa at kilig na kilig sya dun sa lalake nay un!”

“Haha grabe lakas tama ka chixs!”

“Oo na nga!.. Pamukha daw ba?”

“Ee bat ka nga nandito? Dapat bantayan mo sila!. Naku sige ka baka maunahan ka ng lalake nay un!”

Holding My Bestfriend's HeartWhere stories live. Discover now