“Hi :)”
Ngumiti sya sakin.. Grabe ang ganda nya at ang nagawa ko nalang ay mapahawak sa bibig ko.. .
Idol ko talaga si Azusa.. at nakakatuwa na ang galing ng babae na nasa harap ko kasi talagang kamukha. Ang ganda nya!. PROMISE!.. .
“Ah, hehe ui Alyssa, sya nga pala si.. Azusa.. Este ang ate ko..”
“Ha?. Ate mo sya?.”
“Oo, cost player sya at ihahatid ko sya ngayon sa venue.. Sama ka?”
“Sasama nyo ko?”
“Ako nga pala si Anicka.. Ate ako ni Andrew.. Lika pasok ka.. at ikaw Andrew magpalit ka na!. Bawal ka dito!”
“Ate talaga!. Oh Alyssa dyan ka muna ha?. Magpapalit lang ako. Di kasi nagpapapasok ng lalake si ate sa room nya..”
Kahit kapatid nya?. Hehe pero grabe ng-enjoy ako sa room nya. Ang astig!. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang Anime store.. . Ang dami nyang costume na nakadisplay, awards, posters at collection ng manga series.. . Grabe nakakatuwa talaga!.
Kung kasama ko si Twinny dito sigurado matutuwa yun!. Pareho kasi kami na mahilig sa cost play, nahawa na nga yun sakin ee.
Pag tinanong mo sya kung sino ang favorite nyang character.. Isasagot nun?.
“IKAW!”
Ang sweet diba?
Pero ayoko syang isipin sa mga oras na to!. Badtrip ako sa kanya!. Basta mag-eenjoy ako dito.
“Girlfriend ka ba ng Bro ko?”
“Ha?. Naku po hindi.. Classmate lang po kami at magkaibigan na rin po”
“Haha, ang cute mo naman!. Pero alam mo ikaw palang ang kauna-unahang girl na dinala nya dito..”
“ta..talaga po?”
“Oo, at ang galing ng kapatid ko ha.. kasi ang ganda mo, parang ako.. hehe..”
“Naku!. Sobrang ganda nyo nga po ee.. . “
“Haha sa make-up lang yan!. Bolera ka ha! Mahilig ka rin ba sa costplay?”
“Sobra!. Kami po ng bestfriend ko mahilig po kami manood at sumali sa costplay”
“Wow!.. . Mukhang magkakasundo tayo.. Teka ano yang hawak mo?”
Ala ka!. Hawak ko pa pala yung baseball bat..
“Hehe, si Andrew po pinahawak sakin kanina.. Para daw ipalo ko sa kanya kapag may ginawa syang di maganda”
“Haha baliw talaga yun. Don’t worry mabait naman yun at pag may sinaktan yun na babae ako unang una nyang makakalaban”
“Hehe nakakatuwa naman po kayo.”
“Pero mas natutuwa ako sayo.. . Bukod kasi sa mahilig ka sa costplay tulad ko ee gusto ko talaga ng little sister, kaso si Andrew naman ang pinagkaloob samin,. Haha pero mahal ko yun”
“Hehe mukha nga po..”
At nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan. Ang saya nyang kausap!. Sobra.. .
Lumabas na rin kami para magpunta sa venue.. .
At talagang nag-enjoy ako!.. . Sobra!. Grabe ang astig ng mga costplay.. Nakakamiss tuloy.
Lahat sila ang gaganda ng costume at talagang napo-portray nila kung anong character sila. Picture dito, picture doon. Buti nalang maganda ang camera ng cellphone ko. Ang dami nga naming picture ni ate Azusa, este Anicka.. . Ang ganda nya!. Nakakatibo. Haha biro lang.. Gwapo rin naman kasi si Andrew ee. Kaya magkapatid nga sila..
YOU ARE READING
Holding My Bestfriend's Heart
Teen FictionTotoo ba ang soulmate?? .. Posible ba talaga na bago ka pa man ipanganak sa mundong ito ay may nakatakda na para sayo?.. Makikilala mo ba sya kaagad? O baka naman nasa harap mo na pero di mo pa napapansin dahil bulag ka sa nararamdaman nya at bing...