(Mark’s POV)
LUNES NAAAAAAA!!!....
Okay maaga na ulit akong gigising para magpagwapo at susunduin ko pa si Bestoy.. Alam nyo yung araw-araw talaga kayong magkasama pati sa pagpasok. Syempre HRM din sya dahil nga pareho kami ng hilig.
Soulmate nga kasi kame .. Bakit ba?..
Mula pa nung high-school kami sabay na kame napasok. Kahit na nauna ako sa kanya sa college ay ganun padin ang ginagawa ko. Susunduin sya tapos ihahatid muna sa school.. Hindi lang basta sa school, sa mismong room pa talaga.
Iniisip nga nila mag-boyfriend kame pero mas madalas napagkakamalan kame na magkapatid.
Insulto lang mga dre!.. Eeh sa magkamukha daw kame ee.. Syempre isang dekada at mahigit na kaming ngkakasama, di ba naman kame magkapalit ng mukha?.
Pero syempre hindi simpleng hatid, sundo lang ang ginagawa ko. Nakabike lang naman po ako.
Last year lang ako binilhan ng Daddy ko ng Kotse pero mas gusto padin naming ni Bestoy ang naka-bike.. Praktikal na.. Sweet pa!.. haha..
Oh sya masyado na akong madal-dal.. Kapag nalaman ni Avy to sasabihin nanaman para akong bakla sa kadaldalan..
__After 1 million years….
Syempre Joke lang yun!..
Excited ako kaya saglit lang..
After 30 minutes ng pagpapagwapo ay lumabas na ako para puntahan si Bestoy..
Self-check muna..
Plantsadong uniform?
Check!..
Pabango?
Check!
Gwapo na ba?..
Syempre!.. Always check!..
At syempre!.. Gwapong bike?..
Aba!.. kelangan!..
Nag-bike na ako papunta sa bahay nila Bestoy, malapit lang pero nagawa ko pang sumipol-sipol..
Nang biglang!..
BEEP! BEEP!...
Anak nang!..
Anlake-lake ng daan .. Bubusina pa!.. Sino bay un?.
Paglingon ko!..
Wow!.. Porma ng kotse aa!.. Parang akin lang..
Ay mukhang mas maporma ang kanya.. Wala naman kasi akong hilig sa sasakyan.. Mas gusto kong maglakad at magbike dahil mas may moment yun kesa magkotse lalo na kapag ang kasama ko ay si Bestoy ko..
Tumigil ang kotse sa tapat ng bahay nila Alyssa.. Teka sino ba yun??...
Tumigil na rin ako sa tapat ng gate nila Bestoy at nakita ko naman na nakangiti na syang tumatakbo palabas ng gate..
“Bestoy dali!.. Angkas na.. Ikot muna tayo sa subdivision!”
“Alyssa!..”
O_O?..
“Oh!.. Andrew!.. Kamusta??..”
“Hop-in!”
“Ha?”
“Sakay na sabi ko!.. sabay na tayo!”
Teka ano to?..
“You mean sayo yan?.. Teka ang bata mo pa para magkakotse!”
YOU ARE READING
Holding My Bestfriend's Heart
Roman pour AdolescentsTotoo ba ang soulmate?? .. Posible ba talaga na bago ka pa man ipanganak sa mundong ito ay may nakatakda na para sayo?.. Makikilala mo ba sya kaagad? O baka naman nasa harap mo na pero di mo pa napapansin dahil bulag ka sa nararamdaman nya at bing...