Chapter Five 1/2 ~ Chess Master is on the Move!

19 0 0
                                    

~ Aunica's POV ~

Pababa na ako ng hagdanan that morning para mag-agahan. I was wearing my school uniform na. Kailangan kong magmadali sa pagpasok para hindi ako ma-late sa meeting namin sa conference room. Sosyal ano, yung students' Council namin parang conference room ng isang company lang? Well, mga mayayaman ang nandoon eh kaya syempre, sosyal rin ang mga facilities sa loob.

"Nica, mag-agahan ka na dali!" Pasigaw ng mama ko mula sa kusina. Haha, mama ko talaga. Agad akong nagtungo sa dinning area but the shock greeted me nang may makita akong hindi kanais-nais sa paningin ko. My jaw drop again 10ft under the ground! WHAT THE HELL IS THAT BASTARD DOING INSIDE MY HOUSE!!? I mentally shouted. Para bang ang face ko is like this oh!  (0..0) Basta ganyan!

"Good Morning, breakfast is ready. Join me in." Waa! Ang lakas rin ng apog nito na kumain sa loob ng bahay ko!!? Feel at home sya masyado ah!!

"Eat all you can Rye, don't be shy. Feel at home, okay?" Eeeh!? Bakit pinapakain ni Mama ang lalaking ito!? I sat down in front of him and making some dagger glances at him. Kung talagang daggers itong mga paningin ko, kanina pa siguro yan naglumpasay sa sahig! He smiled at me.

"Don't you want to see me early in the morning, Berries?" Aii takteng lalaking ito! Mapapatay ko na talaga ito! I snorted.

"Kain ka lang daw ng kain. Walang hiya ka, pakiramdam mo bahay mo ito. Mama! Bakit mo ba pinapakain ito sa hapag-kainan natin!? Pinapasok mo ang isang totally strangers sa bahay natin!" I shouted. Hindi ko na mapigilan ang mainis sa pagmumukha ng lalaking ito eh!

"Nica, ang sabi nya kilala mo sya at nandito sya para sunduin ka. Ang thoughtful nya ano?" Mom said in a giggle one. What? Kinikilig pa itong si mama dahil sa lalaking ito!? I glanced at him ulit na tila ba enjoy na enjoy na sa pagkain ng pandan cakes.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sa kanya habang naghihiwa ng pandan pancakes.

"Me?"

"Hindi, hindi. Yung pader tinatanong ko." Pamimilosopo ko sa kanya. Tumawa sya sa sinabi ko.

"Malamang, para may pundasyon ang bahay nyo. Kung walang pader ang bahay niyo, syempre masisilipan kayo, hindi ba?" Aish! Ako ang nahulog doon ah! Ahh!! I glared at him.

"Shut up!! Ibalik mo ang mga pagkaing kinain mo!" He looked at me with a ano yun? Smirk!? Aii, pigilan nyo ako guys!

"O, eto na. Kunin mo sa tiyan ko." Arrggh! Syempre, kinuha ko ang tinidor ko at itinuro sa kanya.

"Kapag hindi ako nakapagpigil, talagang sasaksakin ko ang tyan mo gamit nito!" Nabu-bwiseet na talaga ako sa pagmumukha ng lalaking ito eh. You see, ang sarap ng kain nya! Geez! Kinuha ko na lang yung kubyertos ko at sinimulan na ang pag-aagahan. I'm trying my best para i-ignore ang presence niya.

"Nica, ipinaghanda ko na kayo ni Rye ng bento. Sabay kayong kumain hah?" Nabilaukan naman ako sa narinig ko at sabay kuha ng gatas at agad na ininom iyon. Agad ko namang nilingon si mama dahil sa sinabi niya.

"Anong sabay kaming kakain ng halimaw na ito!?" I almost shouted at my mom habang nakaturo iyong kamay ko sa lalaki. Eh sino ba naman ang hindi mabibigla sa sinabi ni mama, hindi ba?

"Berries naman, ang lupit mo talaga sa akin." Abaaahh!!!!!! I firmly balled my fist in anger. Kulang na lang itapon ko ang lalaking ito sa labas eh!

"Kyaah! Ang cute! O Rye, simula bukas, dito ka na kumain ng agahan ha?"

"Yes po, tita." Magiging palamunin pa itong isang ito!? Errrggghhh!!!

Simula nung umagang iyon, sa bahay na sya kumakain ng almusal. Alam nyo ba mga dear readers, hah? He always played pranks on me na kung minsan ay harap-harapan na sa ibang students. Just like one time, nung papunta ako sa library, nagpagulong sya ng mga jolen sa daan at dahil doon ay nadapa ako. Ang nakakahiya pa, nakita ni Prince Elle ang pagkadapa ko! Tawa sya ng tawa dahil doon. Heto pa, napaupo ako sa bench na basa pa ang pintura. Eh kasi naman, nilagyan ng note ang bench saying tuyo na ang pintura. Ako naman na tatanga-tanga ay umupo doon and yun nga! May pintura ang uniform ko! Pinagtawanan na naman ako ng mga istudyanteng nakakita at ang mas malala pa sa lahat ng malala, nakita na naman ako ni Prince Elle! Mapapatay ko na talaga yung si McFadden eh! The whole one week ko, puro pranks niya ang natatanggap ko with free film viewing of Prince Elle pa! Nakakaasar na siya! Ayun, this time, hindi ko na napigilan ang sarili ko sa galit. Nilagyan na naman kasi niya ng asin yung coke float ko! Agad ko siyang sinugod sa club house nila! Well, speaking of the club house, nasa building 4 kasi ang club house nila. May 12 buildings kasi ang Highschool department ng  Ashford at kung tatanawin mo ang kabuuan ng school mula sa himpapawid ay cross ang form nito. Sa gitna ng cross form ay may mga cherry trees na nag line in two. I mean, ang mga cherry trees rin ay naka cross form in two lines. Just like, may isa pang cross sa loob ng cross. Aisht, ang hirap i-explain ng lugar. Mula kasi sa golden gate ng Ashford, may parking lot na side by side at sobrang laki. Bago ka makapasok sa building 1 o ang entrance ay may Japanese bridge pa tapos may lawa na kung saan may mga water lilies at koi na isda. Ang pag bilang kasi ng mga buildings ay kung nakaharap ka sa building 7 at nakatayo ka sa building 1 ay from left side to right side. Building  2, 3 ang 1st year, tapos ang building 4 naman ay dyan naka-base ang mga club house. Tapos building 5, 6, ang sa sophomores. Building 7 naman ang cafeteria at ang conference room o ang students' council office. Building 8,9 naman ang Juniors at yeah, nasa building 8 kami since juniors nga.( Erase yung building 3 sa mga last chapter hah? Hehehe, sensya na po! ) Tapos ang club houses naman ang Building 10 then sa 11 and 12 and Seniors. Bongga hindi ba? At sa paligid ng buong school ay may mga cherry trees rin na naka-line in two sa tabi ng lawa. Umm, yung lawa kasi mula sa entrance ay nakapalibot hanggang sa likod ng building 4. Mula doon ay may daan naman tapos ang lawa mula sa boundaries ng 4 at 5 ay magko-continue hanggang sa likod ng building 7, and may daan naman doon patungong grand hall. Tapos magko-continue na naman ang lawa hanggang building 10 or boundaries ng building 9 and 10. Tapos magko-continue ulit hanggang sa entrance. Kung naguguluhan kayo sa explanation ko, mas lalo naman ako. Hahaha! Basta, yun na yun.

K.R.E's 1st Book: Eight Rules To Be With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon