Chapter One ~ The First Painful Meeting

55 1 0
                                    

~ Aunica's POV ~

Aish!! Hindi ako makapaniwala  sa nangyari sa akin this day! Masyadong stressful! Yung lalaking yun! Sinilipan niya ako! Hmmfff!!! Bastos sya! Napapunta tuloy ako sa students' Council na wala sa mood at nakita pa ni Prince Charming Elle ang mukha ko na nakasayad sa sahig! Hmmff!! I ate the chocolate cake in front of me habang naka-pout.

"Nica-chan, daijoubu desu ka?" Napatingin ako sa harapan ko and saw Miquh's worried face. Oo nga pala, nandito ako ngayon sa cake shop na sinabi sa akin ni Miquh kaninang umaga. Kasama niya ang kanyang kakambal na si Yuuki na kumakain rin ng caramel cake habang katabi ang kakambal.

"Anong problema, Nica-chan?" Tinanong naman ako ni Yuuki na kakasubo lang ng cake. I blinked my eyes and smiled at them.

"Ahhh, wala naman." I said and ate a piece of cake at ibinaling na lang ang paningin ko sa labas ng shop. Hindi talaga mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa hallway.

"Nica-chan, ano kaya kung magtapat ako ng feelings kay Timothy sa opening ball?" Agad akong napatingin kay Miquh nang marinig ang pangalan na iyon. So G R R R!!! Ayokong marinig ang name na iyan! Bigla namang natawa si Yuuki.

"Seriously? Huwag ka ngang magbiro dyan, Miquh. Kahit kailan hindi ka mapapansin ng McFadden na iyon lalo na't mayaman ang isang yun." Hay naku! Ewan ko ba kung bakit dini-discourage ni Yuuki itong kakambal nyang si Miquh pagdating sa crush nito. Nag-pout ulit si Miquh dahil sa sinabi ng kakambal niya. Aiissshhh!! Ang cute2x talaga ni Miquh lalo na yung cheeks niya! Ang sarap kurutin!

"Daikirai, Yuuki." Kahit minsan hindi ko maintindihan itong si Miquh  eh natatawa pa rin ako. Ang cute2x talaga niya kapag nagpa-pout habang nagja-Japanese.

"Aish, Suki desu." Sagot naman ni Yuuki at sinubuan si Miquh ng caramel cake. Tinanggihan naman iyon ni Miquh kasi nga tampu-tampuhan ang peg ng lola nyo eh. Tumawa naman si Yuuki dahil sa inaasta ng kakambal niya, pati na nga ako. She's really cute, promise! Ay! Ewan ko na lang sa McFadden na iyon kung ire-refuse pa niya ang pagtatapat ng haponesang ito. Talagang mai-ihaw ko siya ng buhay! Grr!!

~ No One's POV ~

"Kailangan kong makaisip ng magandang pranks, kailangan kong makaisip ng magandang pranks." Pabalik-balik na wika ni Timothy habang pabalik-balik rin ito sa paglalakad. Nasa underground club house ang buong tropa except Kylle since "busy" daw ito for the mean time para makapunta sa get-together nila. May underground club house ang isa sa mga mansion ng WhigField kaya doon sila tumatambay.

"Ano ba ang magandang pranks para sa prutas na iyon!?"Pasigaw ni Timothy at sabay upo sa isang stool sa may bar hall. Napatingin naman ang buong barkada sa kanya.

"Ano bang problema mo dyan, Tim?" Tanong naman ni Clarence habang naglalaro ng Need for Speed sa desktop computer na malapit sa may couch. Pinanood naman ni Timothy sina Yhowhan at TieLht na naglalaro ng billiard.

"Kaasar naman eh! Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakabawi sa ginawa ng Kylle na iyon sa akin!" He pouted like a child. Tumawa naman si Yhuann dahil sa hitsura ng lalaki at sabay bato ng unan sa kanya. Nakahiga kasi si Yhuann sa malaking couch na nandoon habang naglalaro ng Tekken sa PSP.

"Kung sino man ang umaway sa iyo, call your mom at doon ka magsumbong, hindi sa amin! Ano kami dito, police station!?" Natatawa namang saad ng lalaki. Himas-himas naman ni Timothy ang part kung saan siya binato ng kaibigan. Nabugbug na nga siya, pinapalala pa.

"Gusto mo ba akong malagutan ng hininga!? Nabugbug na nga ako, pinapalala mo pa! Alam mo ba na mahal na ngayon ang brewed coffees!?" Pasigaw naman niya sa kaibigan. TieLht poke Timothy's cheeks using the billiard stick. Pumalag naman si Timothy at sabay tulak sa billiard stick pabalik kay TieLht.

K.R.E's 1st Book: Eight Rules To Be With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon