Chapter Seven ~ No More Escape

20 0 0
                                    

~ Aunica’s POV ~

Geez! Ano ba itong nasangkutan kong issue!? Jusmemeng namang chismis, parang apoy na madaling kumalat. Mga chismosa talaga itong mga Ashfordians! Pambihirang buhay, hindi na naging normal buhay ko simula nang madapa ako sa hallway at makilala ang dalawa sa pinaka-gwapong lalaki sa buong campus! Hay naku, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari eh di sana iniwasan ko yung prank ni McFadden para walang gulo pero ang kaso, hindi eh! Kaasar! Naglalakad ako ngayon sa corridor papuntang building 8 for my first period this morning nang biglang...

“Vice, please! Tanggapin mo na si Timothy para maging boyfriend mo.”

“Oo nga Vice, alam naming na hinding-hindi kami papansinin ni Timothy pero we wish for him to have someone beside him and you’re the girl that he laid his eyes so please, tanggapin mo na sya.”

“Oo nga Vice, we begged you!”

Yes! Bigla na lang sumulpot itong bunch of girls out of nowhere sa harap ko habang pinapakiusapan akong tanggapin ang prince charming nila para maging boyfriend ko. Aaaiiissshhhh!!! Bakit ba, simula pa lang ng araw ko, sinalubong na ako ng pangngalan ng McFadden na iyon!? Bakit ba kasi naipit pa ako sa ganitong sitwasyon? Ang malala pa, wala akong kakampi lalo na at pinagdidiinan rin sa akin nina Miquh at Kixha ang prince charming nila?  TTT...TTT Bakit ba pinapahirapan ako ng author na ito?

“Bakit ba pinagdidiinan niyo sa akin ang lalaking yun!? Bakit hindi nyo na lang pag-agawan yun since ayoko nga sa kanya!”

“Dahil ikaw ang gusto niya, hindi kami!”

Waaahhh!! Ako pa ang sinisigawan ngayon? Ang mi-mean nila sa akin. TTT.TTT. I tried to pass on them pero pinigilan nila ako.

“Ano ba ang problema nyo!? Ayoko ko nga sa kanya, hindi ba!? Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong hindi ko gusto lalo na sa kagaya niyang masama ang ugali!”

“Anong sinabi mo!? Hindi masama ang ugali niya! Ganoon lang talaga siya!”

“Please Vice, please! Magiging supporters niyo kaming lahat kapag tinanggap mo sya!”

I sighed. Ang kukulit rin naman kasi nila eh! Ang sabi ko, hindi! Hindi ba? Hindi ako magkakagusto sa taong yun lalo na at may deal kami! Hindi ako mahuhulog sa trap ng kumag na iyon! Feeling ko lang, hahaha!

“Ewan ko sa inyo, basta ako wala akong pakialam dyan. Pag-agawan niyo na sya, wala na akong pakialam.” Agad ko silang iniwan. Alam niyo naman na sa fandom ako ni Prince Elle kabilang, hindi ba kaya there’s no way na lumipat ako. Hindi ko kayang magtaksil ng fandom para lang sa isang kumag, ano! In the capital N.O no way! Hmmpph! Napatingin ako sa may cross ground ng Ashford. Ang daming booth na nagkalat doon at mga students na pagala-gala kahit saan. Naku! I forgot! Ano ba ang nangyayari sa akin? Nakalimutan kong club fair pala ngayon! Waaahhh!! Walang klase the whole day! Geez! Ang tanga ko namang Vice president nito oh! Busy ngayon ang Aikido club pero okay lang naman sa kanila na hindi ako mag-attend sa booth kasi Vice President ako. Teka, teka lang saan nga ako pupunta nito?

“Kyaahh!! Saan nga ako pupunta nito!? Geez! Vice ako ni Elle pero hindi ko sya tinutulungan, ang tanga ko namang vice! Kyaahh!!” Dali-dali akong tumakbo papunta sa ground habang palingun-lingon sa paligid kung nasaan ang president ko. Waaahh! Pero bigla na lang....

*Tooggss!!*

“Awh! Ang sakit!” Napaupo ako sa Bermuda habang himas-himas ang pwet ko. Nemen oh! Kung kalian nagmamadali ako, tsaka naman may babangga sa akin. Iminulat ko ang mga sarili kong mata. Hindi ba nag-iingat itong kabangga ko para mabunggo ako? Hindi ba alam ng taong ito na nagmamadali ako ngayon para mahanap ko si President Elle!? Handa na sana akong sigawan ang kabanggaan ako pero napahinto ako kasi lalaki pala ang nakabanggaan ko. Nakangiti ang lalaki sa akin habang kinakamot ang batok niya.

K.R.E's 1st Book: Eight Rules To Be With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon