CHAPTER 1

2K 22 12
                                    

Chloe's POV



"mag-ingat kayong dalawa sa pag-uwi"



"oo naman. Sigurado ka bang ayaw mong sumabay samin?" tanong ni Gerald.



"oo dito muna ko tambay lang."



"sige girl, salamat sa pagsama sa photoshoot ko. Una na kami, tara dhie." Pagpapaalam ni Rhea.



"sige bye."



Ako nga pala si Chloe Sevilla, 17 yrs. Old. Madaldal at matakaw, mahilig din matulog. Haha! Ayoko na magkwento tungkol sa sarili ko makikilala niyo din ako kapag sinubaybayan niyo ang kwentong to.



Yung mga kasama ko mga friends ko sina Rhea at Gerald obviously mag-dyowa sila. Sinamahan ko kasi ang bruha sa photoshoot niya may klase pa kasi si Gerald kanina kaya sinundo niy na lang nun matapos na yung PS.



Anyways, highway enough of them. Maiinggit lang ako sa kanila kung lovelife nila yung ikukukwento ko. Single eh..



Tinignan ko na lang yung mga batang naglalaro sa playground pati na rin yung mga magdyowang wagas maka-PDA.



Ring.. ring..



"o bakit?"



..............



"nandito sa park"



................



"sige bilisan mo at gutom na ko!" sabay patay ng phone.



Echuserong frog yun nabitin tuloy yung pagkwento ko sa inyo. So ayun gusto ko lang naman kasi sabihin na kaya single ako hanggang ngayon kasi panget ako as in



P-A-N-G-E-T



Joke lang ^_^V



Di naman ako panget pero dir in naman ako maganda. In short CUTE lang. wahaha!



Yung echoserong frog kanina ay si Neil yung bestfriend ko. Hehe. Ang tagal niya. Makapaglaro muna ng POU sa cellphone ko.



After 10 mins.....



"Panget!"



Hay salamat at dumating na din siya.





Neil's POV



"panget!"



Lumingon naman agad yung bestfriend ko. Patakbo na akong lumapit sa kanya.



"ano ba yung bagay na dapat natin i-celebrate?"



Alam kong nagtataka siya kasi madalang ko lang siyang ilibre, kapag may mga times lang na may dapat i-celebrate.



"kasi panget....." napangiti ako ng maalala ko kung ano kung ano yung sasabihin ko.



"ano nga?!" takte sakit sa tenga nun ah.



"galet?"



"hindi.. ano nga kasi? Sabihin mo na pabitin ka pa!"



"haha! Panget sinagot na ko ni Margaux kanina."



No reaction? Tumahimik lang.



Mahal nga ba kita? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon