CHAPTER 19: who is Noel?

855 16 4
                                    







"So the bestfriend is really back, kaya ba pang nanlalamig ka sakin?" patampong sabi ni Yvonne.



Kararating lang ng magnobyo sa condo mula sa paggo-grocery.



"Ano naman ang kinalaman ni Chloe? Pagod lang ako sa trabaho." Sagot ni Neil habang dinadala sa kitchen ang mga pinamili nila.



"Di ka naman ganyan dati." Umismid si Yvonne saka umupo sa sofa sa sala.



Nailing na lumabas si Neil sa kusina at pinuntahan sa sala ang nobya.



"Nagseselos ka nanaman sa lagay na yan?" tinabihan ni Neil ang nobya.



"Talaga bang kaibigan lang ang turing mo sa kanya? Kakaiba ang way ng titigan niyo sa isa't-isa." Tumayo si Yvonne at dumiretso sa kwarto.



Sinundan ni Neil ang nobya at nadatnan niya itong nag-aayos.



"Baby ilang beses ko bang sasabihin sayo na bestfriend ko lang siya?" tinangka ni Neil na yakapin si Yvonne pero mabilis na nakaiwas ang nobya niya.

"Iba yung nakikita ko sa mga mata mo Neil." Tinalukiran ni Yvonne ang nobyo at nagmamadaling kinuha ang mga gamit na dadalhin niya papuntang Cebu.



"Wala ka naman kasi dapat ikaselos baby namiss ko lang ang best friend ko." – Neil.



"Wag mo na ko ihatid sa airport. Sana lang kapag bumalik ako galling sa Cebu Makita ko din yun sa mga mata mo." Walang lingon na lumabas si Yvonne sa condo.



Napasabunot na lang ng buhok si Neil. Panibagong tampuhan nanaman alam niyang matagal na panunuyo nanaman ang mangyayari.



= The next day =

Di muna tinawagan ni Neil ang nobya, hinayaan niya munang lumamig ang ulo nito. Kilala niya ang nobya kung ano ang iniisi nito matagal bago mawala ito tama man o mali iyon.



Paglabas niya sa trabaho ay naisipan niyang tawagan si Chloe para yayain magdinner.



~ ~ ~



"Alyssa paki print out na lang yung mga files na isusubmit ko sayo through e-mail then give it to the marketing department okay?" – Chloe, habang nagliligpit ng gamit.



"Sige po ma'am. Teka parang nagmamadali naman ko ata kayo? May date po ba kayo ni Sir Blake?" – nanunudyong sabi ni Alyssa sekretarya niya.



"Tumigil ka nga Alyssa. Wala akong date magdidinner lang kami ng friend ko." – natatawang sagot ni Chloe.



"Ang showbiz mo ma'am. Sinong friend po bay an? Pwede malaman?" – Alyssa



"Napaka tsismosa mo talaga. Si Neil ang kasama ko, yung bestfriend ko mula noon." – Chloe



"Bestfriend? Naku ma'am nagtatanong lang naman po ko. Sige ma'am alis na po ko baka magreretouch pa kayo." – pag-aasar na sabi ni Alyssa.



"Mabuti pa nga. Lumayas ka na sa harap ko." – tumawa na lang si Chloe.



Paglabas ni Alyssa saktong tumawag ulit si Neil.

"Oh nasan ka na?"

Mahal nga ba kita? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon