CHAPTER 9

1K 16 0
                                    

Margaux POV

  

Kala mo kung sinong mga perpekto. Wala silang alam sa buong kwento. Ang hirap sa kanila hinuhusgahan nila agad kung ano ang nakikita nila.

Hinila ko na palabas si Gerome, palayo sa kanila. Di ko expect na sa ganitong paraan nila malalaman ang lahat, well di lahat.

“Margaux dahan-dahan lang baka matapilok ka.” Saka ko naalala yung taong hila-hila ko. Tumigil ako at binitawan ko yung kamay niya.

“Umuwi na tayo, ihahatid na kita.”

“Ayoko pa umuwi, punta tayo MOA sa seaside.” Nauna na kong maglakad pabalik ng kotse niya.

“Tatawagan ko muna ang parents mo para di sila mag-alala.”

“As if they care.” Pumasok na ko sa loob ng kotse.

Pumikit ako at sinandal ko yung ulo ko sa bintana. Hinawakan ko din ang tyan ko. Ayoko umiyak, kailangang tigilan ko na ang pag-iyak. Kailangan kong magpakatatag, ayokong mawala yung baby ko kahit ayoko sa tatay nito.

*****

“Mahal mo talaga siya no?” tanong ni gerome habang nakatanaw kami sa dagat.

“Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal.” Sagot ko.

“Kung di sana ko nagging pabaya noon. Siguro ako pa rin ang mahal mo hanggang ngayon.” Napalingon ako sa sinabi niya.

Mahal nga ba kita? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon