CHAPTER 16

1K 14 4
                                    

Rhea’s POV

 

 

“Chloe my girlfriend..”

Hala kalian pa nagging sila? Tinignan ko si Chloe halatang nagulat siya pero bigla din nag-iba yung aura niya.

“Dinner date pala kayo. Sige balik na ko sa table ko. Nice seeing you again Chloe.” Tapos nag-smirk pa siya.

Pagkaalis niya medyo nabawasan ang tension.

“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Neil kay Chloe.

Ano meron?

Bakit ganun?

“Ah.. o-oo. Excuse me CR lang ako.” Tumango na lang si Neil tapos umalis si Chloe.

Pare-parehong naming siyang hinatid ng tingin.

“Congrats kayo na pala ni Chloe.” Napalingon ako kay Margaux.

“Sabi ko na nga ba magiging kayo din eh.” Sabi naman ni dadhie.

Di sumagot si Neil, umupo na lang siya. I guess kailangan pa naming hintayin si matu para sabay sila magkwento.

Dumating na yung order naming pero wala pa si Matu. Tinignan ko si Neil yung itsura niya di mapakali at halatang nag-aalala.

“Tagal ni Matu. Excuse me titignan ko lang siya ha.” Tumango naman sila kaya umalis na ko.

Chloe’s POV

Di ko alam kung bakit hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa kanya. Buti na lang nandyan si Neil. Ayoko muna lumabas ng CR dahil nanginginig yung kamay ko. Mag-aalala lang si panget kapag nakita niyang nagkakaganito ako.

Mahal nga ba kita? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon