CHAPTER 13

967 14 2
                                    

Rhea’s POV

Lahat ng kaibigan at kapamilya ni Chloe nakasaksi sa paghihirap niya sa biglang pagkawala ni Cedric. Tatlong araw lang ang burol at Bukas na ang libing niya.

Araw-araw na nandito si Chloe,nagpaalam siya sa mga professors naming na di siya makakapasok. Sabi ng mommy ni Cedric madaling araw na daw umuuwi si Chloe pero bumabalik din kapag lunch time na.

Di nakaligtas sa senses ko ang tension sa kanilang dalawa ni Neil. Alam kong di pa ngayon ang tamang oras para ungkatin ang kung anong issue sa kanilang dalawa.

“Matu kumain ka muna.”.inabot ko yung sandwich at mineral water sa kanya.

“Ayoko kumain.” Pero tinanggap niya naman.

“Ano ka ba? Kumain ka. Di matutuwa si Cedric kung ganyan ka.” Nag-umpisang tumulo ang luha niya.

“Wala akong ganang kumain.”sunod-sunod na yung oagoatak ng luha niya.

Di ata to nauubusan ng luha ah. Simula noong unang araw hanggang ngayon parang maynilad yung luha niya.

“Pilitin mong kumain papayat ka lalo niyan.” Kinuha ko yung sandwich tapos tinanggal ko yung plastic.

“Rhea, kasalanan ko eh. Dahil sakin nawala siya.”

“Wala kang kasalanan. Aksidente lang yun.” Niyakap ko siya.

Umiyak lang siya ng umiyak.

“Tama na. panigurado akong di Masaya si Cedric kung ganyang umiiyak ka.”

Sakto naman na dumating si Neil.

Mahal nga ba kita? (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon