CHAPTER 8 - I Deserve an Explanation

417 16 1
                                    

MASYADONG nagulat si Earl sa inasta ni Charlotte kaya nasundan na lamang niya ito ng tingin nang lumabas ito ng canteen.

"Earl..."

It was Veronica.

"Akala ko pa naman iba siya. Katulad lang din pala siya ng ibang babae diyan. Na pagkatapos mong mahalin ay iiwanan ka sa bandang huli."

Noon nagising ang diwa niya. "Hindi ganoon si Charlotte. Naguguluhan lang siya. O may gumugulo lang sa isip niya. Tell me, ano'ng ginawa mo Veronica?" Hinaklit niya ang braso nito.

Pumiglas ito sa kanya. "Wala akong ginawa. Ang totoo niyan, binigyan ko na kayo ng laya pero ano ang ginawa niya?"

That hit him. "Kinausap mo siya?"

"Yeah. Ang sabi ko pinapalaya ko na kayo. Wala akong sinabi sa kanyang makipagkalas sa 'yo. Baka nakonsensiya 'yon. Kasi katulad siya ng ibang babae na manggagamit. Ginawa mo na siyang vocalist ng MAGIX at unti-unti na siyang nakilala kaya tapos na ang misyon niya sa 'yo."

Mariin siyang napailing. "Hindi siya gaya ng iniisip mo." Iyon lamang at tumayo na siya.

Tumakbo siya para maabutan si Charlotte. Isang lugar lang ang pupuntahan nito. Naisip niya, may punto rin si Veronica. Tama ito na tapos na ang misyon nito. Tapos na ang misyon nitong magpanggap bilang "girlfriend" niya. Ang kasunduan kasi nila ay kapag tumigil na si Veronica ay tatapusin na nila ang kung anumang "relasyong" binuo nila. At bahala na kung paano nila ipapaalam na break na sila.

Ito na nga ang gumawa ng paraan. Pero hindi. Hindi niya iyon mapapayagan. Ngayon pang... Hindi niya natapos ang iniisip nang matanaw na niya si Charlotte. Pero nakayakap ito sa isang lalaki. Si Ken!

Nanlumo siya. Napaatras.

"HEY, ano ba talaga ang nangyari?"

Iginiya siya ni Ken papunta sa bangkuang naroon. Tumatakbo siya papunta sa direksiyon ng tambayan nila nang mabunggo siya kay Ken. Naabutan siya nitong hilam sa luha. At dahil sobrang bigat nang nararamdaman niya, napayakap na lang siya rito at tinuloy ang iyak sa bisig nito.

"Everything will be back to normal." Nasabi lamang niya.

"Hindi kita maintindihan, Charlotte."

Pinahid niya ang tumakas na luha sa mata. "Tapos na... Tapos na ang pagpapanggap namin ni Earl. Tinapos ko na."

"Lalo ko lang yatang hindi naintindihan." Napakamot ito sa ulo. "Mahal mo si Earl, hindi ba? So, bakit hinayaan mong matapos na lang ang lahat sa inyo? Susuko ka na lang?"

"Para saan, Ken?" Napabuntong-hininga siya. Kung may isa pang nakakaalam ng nararamdaman niya para kay Earl, si Ken iyon. Nalaman nito iyon nang walang kaeffort-effort! Katulad ni Cassie ay pinapalakas din nito ang loob niya.

Hinarap niya ito. "Tanggap ko naman na sa ganito mauuwi ang lahat noong simula pa lang."

"Pero nasasaktan ka."

"Iyon na nga 'yong point, Ken. Kapag pinatagal ko pa kasi, mas lalo lang lalalim ang sugat. Mas lalo lang akong masasaktan kung patuloy kong paaasahin ang sarili ko. Sapat nang minsan siyang naging akin. Kontento na ko ro'n." Nabasag ang tinig niya. Muling bumukal ang luha sa kanyang mga mata.

Hinila siya ni Ken palapit dito at sa dibdib nito niya ibinulalas ang sakit na nararamdaman...

PAPUNTA si Charlotte sa designated room para sa kanyang first class pero parang bigla ay gusto niyang lumiban ng klase. Bawat madaanan kasi niya ay napapatingin sa kanya at saka magbubulungan. Parang naaalala niya ang scenario na iyon. Ganoong-ganoon din ang nangyari noong kumalat na "girlfriend" siya ni Earl. Pero ang pagkakaganoon ng mga estudyante ngayon ay dahil "ex-girlfriend" na siya ni Earl.

Miss Careless and Her Love Letters (BOOK 1) Published "Lifebooks" - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon