HINDI na iyon kaya ni Charlotte. Pumihit siya paharap dito. "Ano ang gusto mong marinig sa akin, Earl? Na mahal kita?"
Tears sparkled from her eyes. "Kung ginagawa ko man ang lahat ng iyon sa iyo, dahil mahal nga kita, Earl! Mahal kita... Noong unang kita pa lang natin, nandoon na iyong paghahangad ng puso kong pawiin ang lungkot sa mga mata mo. There's this want in me to be close to you. Pero iba ang mundong ginagalawan mo sa mundo ko. In short, hanggang pangarap lang kita.
"Not until this incident with Veronica happened. You asked me to be your pretend girlfriend. I gave in. Pero alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa akin? Masakit. Hindi ko kasi kayang magpanggap na hindi kita mahal, Earl."
Iyon lang at nilisan niya ang lugar. Napahinto pa siya saglit nang makalabas siya. Umuulan. Nakikidalamhati ang kalangitan sa kanya. Lalo pa yata siyang maiiyak dahil wala siyang dalang payong. Ayaw na niyang magpatila pa roon. Kung walang payong, i-enjoy na lang ang ulan! At least, hindi pa mahahalatang umiiyak siya.
Sumugod siya sa ulan. Sa pagtakbo niya ay tumatakbo rin sa isip niya ang hitsura ni Earl sa pag-amin niyang iyon. He was shocked. Ni hindi na nito nagawang magsalita.
Nang nasa waiting shed na ng unibersidad ay may dumaan naman agad na taxi kaya nakasakay siya noon din. Basang-basa siya pero hindi niya dama iyon. Ang nadarama niya ay ang pangingirot ng kanyang puso.
Nang makarating ng bahay ay inasiste siya ng isang kasambahay. Alalang-alala ito sa ayos niya. Mabuti na lamang at wala pa roon ang mommy niya kundi ganoon din siguro ito. Malamang nga ay mas malala pa iyon dito.
Sinamahan siya ng kasambahay hanggang sa kuwarto niya at pagkatapos ay ipinaghanda siya nito ng mainit na sabaw. Sa totoo lang, itinuturing na nilang pamilya ang mga kasambahay nila. Napamahal na kasi sila sa mga ito, ganoon din ang mga ito sa kanila. Ilang taon na ring naninilbihan ang mga ito sa kanila, maliban lamang sa kasambahay na umaasiste sa kanya ngayon. Bago lamang ito. Bata ito ng dalawang taon sa kanya. Sa pagkakaalam niya ay aksidente lamang itong nakilala ng mommy niya habang kumakain sila sa fastfood noon. Nanlilimos ito. 'Ayun, inampon ito ng mommy niya pero nagpumilit itong maging kasambahay nila at wala na silang nagawa.
"Ate, kumusta po ang pakiramdam ninyo?"
Nginitian niya ito. "Mas bata ka pa sa akin pero ikaw itong nag-aalaga sa akin. Salamat, Abbigail."
"Ay naku ate, wala ito kompara sa tulong na ibinigay ninyo sa akin. At ako itong dapat na magpasalamat sa inyo. Napakabuti ng pamilya ninyo. Iyon lang, medyo suplado si Sir Charles." Napangiwi ito. "Uy ate, nilagyan ko ng 'medyo', ah! Hindi naman masyado, eh."
Hindi niya napigilang matawa.
"Pero Ma'am, bakit naman po kayo nagpakabasa sa ulan?"
"Ha? Eh, walang payong na dala."
Inabutan siya nito ng hot chocolate. "Puwede naman pong magpatila, ah?" Napatigil ito sandali. "Alam n'yo noong bata po ako, enjoy na enjoy ko ang pagligo sa ulan, hanggang ngayon naman. Kaso malaki na ako. Nagkaroon na ng ibang dahilan ang pagligo ko sa ulan. Iyon po kasi ang pinakamainam na daan para maitago ang nararamdaman mo... ang pag-iyak mo."
"Ouch!" Napaso ang dila niya.
"Pasensiya na po, ate."
She waved her hand. "Wala ka namang kasalanan." Iyon ang isa sa gusto niya sa dalaga. Bata pa ito pero alam na nito ang lalim ng buhay. Napabuntong-hininga siya. "Bakit kaya ganoon, Abby?"
"Mahal mo pero hindi ka naman mahal?"
Mabuti na lamang hindi nito kanina iyon sinabi kundi nabuga niya rito ang mainit na tsokolate. Minsan talaga may mga sinasabi itong hindi niya mawari kung saan galing. Pakiramdam nga niya minsan alam nito ang iniisip niya. Magsasalita sana siya nang pareho silang matigilan sa busina ng sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/58035361-288-k86655.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Careless and Her Love Letters (BOOK 1) Published "Lifebooks" - COMPLETED
Fiksi RemajaAUTHOR'S NOTE / TEASER So, it's Christmas! Isang maligayang Pasko po sa lahat. Sana na-enjoy ninyo ang pagdating ni Hesus. Ako, enjoy na enjoy ko kaya naman ibabahagi ko sa inyo ang aking ilang istoryang na-publish under "LIFEBOOKS". Dahil Christma...