CHAPTER 10 - Let it Go

1K 24 29
                                    

"BAKIT ganyan lang ang suot mo? Ito ang suotin mo."

Inabot siya ni Cassie ng isang paperbag. Hindi niya maintindihan. Isinatinig niya ang naisip. "Hindi ba disente ang suot ko?" She was wearing a red velvet dress.

"Ang ganda-ganda mo, girl. Kahit ano naman ang suotin mo ay bagay sa 'yo. Pero kasi girl, hindi mo ba alam na birthday ng isa sa mga admin ng school? Surprise party ito para sa kanya. Kaya dapat na bongga ang isuot mo. Hindi ba nabanggit nila Earl?"

Umiling siya. "Ang sabi lang nila, may event ngayon. Iyon lang. Teka nga, bakit naman ako magsusuot ng bongga? Hindi ba dapat 'yong may birthday?" Naipilig niya ang ulo. May bigla siyang naalala pero minabuti na lamang niyang hindi pansinin.

"Huwag kang mag-alala, naka-set na si Madam. Basta sumunod ka na lang sa akin, Charlotte Gonzales."

Napangiwi siya. Kapag ganoon nang tinawag siya nito sa buong pangalan ay naiirita na ito kaya kahit hindi niya maunawaan ay ginawa na lamang niya nag inutos nito. Kinuha niya sa paperbag ang sinabi nitong isuot niya. Napalunok siya. It was a red long dress adorned with an organza rose at the side of the hip. Pa-V neck iyon. Hindi ba iyon masyadong sexy?

Irereklamo pa sana niya iyon kay Cassie kaso biglang lumitaw sa isip niya ang puwedeng maging hitsura nito kapag tinuloy niya ang binabalak, kaya minabuti na niyang isuot na lang.

"Tapos ka na ba?"

"Wait. Ito na po." Mabilis niyang isinuot ang dress.

Hindi siya magkandatuto nang lumabas siya ng cubicle. Naasiwa siya sa suot. Parang hindi yata niya kayang dalhin iyon.

"Huwag mong ipag-ekis ang kamay mo sa katawan mo." Tinanggal nito ang braso niyang tumatakip sa katawan niya. Pagkatapos ay dinala siya nito sa harap ng salamin. "Ang ganda mo, best! Natitibo ako!"

"Tse! Manahimik ka nga." angil niya rito.

Pinisil nito ang pisngi niya at saka tumawa. Pagdaka'y bigla nitong tinanggal ang pagkaka-pony ng kanyang buhok.

"Cas!"

"Ilugay na lang natin. I-expose mo ang kagandahan ng buhok mo, ineng!"

"Kailangan ba talaga 'to?"

"Oo. Gusto kong maglaway si Earl sa 'yo."

"Cassie Salazar!"

Tinawanan lamang siya nito uli at saka hinila papunta sa dome ng kanilang university. Dumeretso sila sa backstage at doon ay nakita niya ang MAGIX. Natigil ang mga ito sa kani-kanyang ginagawa. Napatulala ang mga ito sa kanya. Nag-blush siya nang matindi sa uri ng titig ng mga ito sa kanya.

"Ikaw ba talaga si Charlotte?" tanong ni Ken.

Inismiran niya ito. "Para kayong ewan."

"Sayang, hindi na kita puwedeng ligawan," ani Clarence.

Natawa naman si Ken sa sinabi ng ka-banda. Napatingin naman siya sa gawi ni Earl. Tahimik lamang ito at walang kibo. Ito lang yata ang hindi naka-appreciate ng hitsura niya. May pitik siyang nadama sa isang bahagi ng puso. Naaalala niya nang sabihan siya nito noong College ball na ang ganda niya. Ngayon ba ay hindi nito nagustuhan ang ayos niya? Kunsabagay, alam na nga pala nito ang nararamdaman niya para rito.

"Kagaya pa rin ng dati. Mahuhuli kang lumabas, Charlotte." Earl instructed. Noon ito tumingin sa kanya ngunit saglit lamang.

Napatango na lamang siya.

Miss Careless and Her Love Letters (BOOK 1) Published "Lifebooks" - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon