CHAPTER 1 : Yuki & Yuri

579 57 37
                                    

Chapter1: Yuki's POV

*****

"Yuri bilisan mo nga dyan late na tayo eh!" Sigaw ko sakanya. Naliligo pa yun sa banyo. kahit kailan talaga ang kupad gumalaw nitong babaeng to.

"Wait lang naman Yuki. Excited lang, excited? Hindi naman mawawala ang school eh hahaha" sagot nya saakin. tss kahit kailan talaga tung babaeng to pilosopo sarap batukan.

"Ilang beses na kaya tayo nalate. Tapos wala lang sayo. Babatukan talaga kita pag na late ulit tayo tandaan mo yan." Bwelta ko sakanya. Nakatayo ako dito sa tapat ng banyo at hinahampas ang pinto. Tapos na kasi akong maligo at nakabihis na din ako, sya lang to ang bagal maligo at kumilos.

"Hehehe ito na. ikaw talaga ate mainitin ang ulo yan tuloy hanggang ngayon wala kang boyfriend eh." Sagot nya naman saakin. Kita nyo to inuna pa ang pagsagot hindi na nag madali, ang tanga talaga. Late na kami oh.

"Wag na wag mo akung tawaging ate ikaw ang mas matanda sa ating dalawa. At hindi ko kailangan ng boyfriend na yan hassle lang sila sa bones tss bilisan mo na kasi dyan babatukan na talaga kita!!" bwesit na babae to. Tawagin ba naman akung ate eh mas matanda pa sya saakin mas na una syang lumabas dito sa mundo ng limang minuto. Kung sabagay isip bata sya kasi. Tinatawag nya lang akung ate kung natatakot, masaya, o galit sya. Sa ngayon masaya sya sa pang-iinis nya sa akin. Halata nyo naman diba?

Nga pala, ako pala si Princess Yuki Bacphil 18 years old. At sya ang kambal ko na si Princess Yuri. Ki at Ri ang tawag namin sa isat isa. Mas matanda sya saakin kaso lang talaga isip bata sya at ako ang mature mag isip. Tss Magkaibang magmakaiba kami sa mga bagay bagay, kumbaga kabaliktaran ko sya kahit pa kambal kami. Sya palagi ngisi nakabungis ngis humahalakhak, tumitili ah basta, tapos ako? palagi ako poker face lang oh ano naman? Nakasanayan ko na. Boring ang life ko. Sabi nya KJ daw kasi ako. Tss tapos sya naman tung Go lang ng Go. Parang Pokèmon Go lang. Aba bagay talaga sya don. Adventurer pa ang gagayang yan. Tsk masyado ng mahaba ang istorya ko sa inyo. Basta kabaliktaran ko talaga sya Period.

***School

"Aray naman Ki makabatuk to oh, ang sakit kaya" iritang saad ni Yuri, alam nyo naman siguro kung bakit ko sya binatukan diba?

"Late na naman kayo mga Bacphil. Five times na kayong nalalate for two weeks last nalang to this time and I will mark you absent remember that. Now get inside and take your seat" sabi ng Sir Balta teacher namin sa calculus. Terror si Sir pero pag sa mga babae medyo mabait sya. Medyo lang naman. Mabuti nalang talaga close sila nitong kambal ko. Well FC naman talaga sya e. Feeling close kasi to kahit kanino, mapa tao ka man o hayop ganun sya, while ako dedma lang paki-alam ko ba sa kanila. Hay ito nanaman ako kinukompara ang sarili ko sa kanya. Tss.

"Thank you sir. Kaya lab na lab kita sir eh ang bait bait nyo. Next time kapag may time ililibre talaga kita ng ice cream kung gusto nyo pero kung hindi wag nalang hahahaha" sabi nya kay sir. Walang malesya yun FC lang talaga sya haluan pa ng ka baliwan tss. Dumertso na ako sa likod at umupo sa pwesto. Sa pina kalikod ako nakaupo sa may bintana malapit habang si Yuri sa first row sya. Sabi ko sa inyo kabaliktaran ko sya okay. Mahangin kasi dito sa bintana.

Tatlong oras na kami naka upo dito sa bangko namin. Ang boring talaga pag may klase lalo na pag history. Tss tapos nakakainis pa tung teacher namin sa history ang boring nya super. Slowmo kasi sya gumalaw pati nananalita. Bakit kasi hindi pa sya nag retire eh ang tanda tanda nya na. Pwedi naman mag hire sila ng mas bata pa kainis. Kanina pa ako tingin ng tingin ng oras sa relo ko. Bakit ang bagal gumalaw tss naiinis na talaga ako. -.-

*Ringggggggg*

Sawakas break time na. Na una akong lumabas kasi malapit ako sa may pinto dito sa likod. Hinihintay ko lang kung kambal ko. Sigurado akung nakikipag chismisan naman yun. Alam nyo daig nya pa ang mayor sa pangangampanya nya.

Saving The Celestial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon