CHAPTER 9 : Make me Fall

212 40 19
                                    



Chapter 9: Ezra

*******

"BABY?!!" sigaw ng lalaking kakatayo lang. Yung kael? yiel? ill? Jill? Bil? Dael? Ah ewan. basta L yung dulo ng pangalan. Hindi naman ako interesado eh. Pagkatayo nya nahulog sa lupa yung naka kandong sa kanyang babae. Wait parang pamilyar sa akin tung lalaking to eh. Sa gray na buhok, chinitong mata matangos na ilong manipis na bibig na may nunal sa gilid ng labi. Sya yung lolo sa eskenita na nag nakaw ng halik.

"Baby?" Sabi nong babaeng mukhang higad.

"Baby?" Sabi nina shaun at Jays

"Baby mo sya?" Tanong ni Ai

"Anak mo sya?" Sabi naman ni Yuri *pak* binatukan naman ni Yuki ang kambal nya. Magkapatid ba talaga sila? Kung makapanakit kasi tung babae sa kapatid nya parang hindi eh. Abnormal naman kasi talaga tung si Yuri

Silent mode naman yung dalawa. Sino pa ba. Sina Taj atYuki lang naman

"YOU JERK!?" Sabay duro ko sa kanya. Akala nya hindi ko nalimutan ang ginawa nya. Kulang pa yung ginawa ko sa kanya no. Magnanakaw ng halik ang putchak na lalaki to.

"Ikaw nga! I miss you baby. kiss nga dyan" Bigla naman syang lumapit saakin. Ay ang ambisyoso naman ng lalaking to. Maka i miss you parang magkakilala kami ah. Yuck!!!

"Lumayo ka saakin makakatim ka ulit saakin." Pagbabanta ko sa lalaking manyak na to.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Aira.

"Yes" sabi nong g.gong to.

"No. Hindi ko sya kilala. Halika na Yuri maghanap tayo ng pagkain. " sabi ko at hinila yung kamay ni Yuri pero hinila naman ni Maevis yung kamay ni Yuri.

"Wait lang naman. Yung totoo magkakilala kayo o hindi? Ikaw kiel Kailan mo sya nakilala Kiel? Wag mong sabihin na punta ka na sa mundo nila at doon kayo nag kakilala" sabi Maevis. Ang OA talaga ng babaeng to eh. Hindi pinagkaila na magpinsan tong dalawang to.

"Magkakilala nga kami. At Hindi pa ako nakapunta sa mundo nila baliw. Sa bayan lang ng taras kami nagkakilala sa may eskinita." Sabi nya. Hinila ko na si Yuri dahil hindi na ako interasado makinig sa usapan nila.

"Psh. Halika na Yuri. May isang mayabang at manyak kasi dyan." Sabi ko

"Wait, Jays pasama naman o hindi namin alam ang lugar dito."

"Wow bruh first time na basted ah hahahaha." Sabi ni Shaun habang tumatawa.

"Anong basted hindi pa nga ako nag-uumpisa. Maghintay ka. Sa galawang breezy ni Ezekiel Cross" sabi naman ng mayabang na to.

"Yun na nga eh. Hindi ka pa nag uumpisa busted ka na hahahaha."

"Honey patulong naman oh kanina pa ako naka upo dito sa lupa." Sabi nung babaeng mukhang higad.

"Ay buhay ka pa pala. Akala ko kinain ka na ng lupa eh hahahaha" sabi naman ni Yuri. Ang baliw talaga ng babaeng to.

"Manahimik ka dyan Madeline hindi ka belong sa group kaya zipper your mouth please. Dagdag ka lang sa air pollution eh" mataray na sagot ni Maevis don sa Madeline na yun. Bigla naman syang tumayo at lumapit sa taong manyak na yun.

"Halika na nga" hinila ko na si Yuri at hinila naman ni Yuri si Jays.

Medyo malayo na kami sa kanila. Sunod lang kami ng sunod kay Jays.

"So Jays saan ba may pagkain dito? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Yuri.

"Ay kakain pala kayo? Akala ko i tutuor ko kayo dito sa Camp. Hehe" sabi ni Jays habang nakahawak sa batok. Hay bat ang dalawang baliw pa to ang kasama ko nako naman o

Saving The Celestial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon