CHAPTER 7 : Training Camp

237 45 15
                                    


Hiii. Oy. Madami po itong mali. Typos at grammar. Please understand. Busy akong tao lol. Kaya wala akong time para iedit. So sorry ngayon palang.

Chapter 7: Yuki



**************

"Oh ano pa ang tinutunganga mo dyan?" Tanong taong yelo na to.

"Maghintay ka nagdadasal pa ako eh"

"Tss bilisan mo na naghihintay na yung iba sa baba. Itutulak kita pag hindi ka nagmadali" sabi ng asongot nato. Kung nagtataka kayo, ganito kasi yun, natalo si Aira sa bato bato pik nila ni Shaun kaya dito kami dumaan sa bangin na ito. Gumawa ng slide na ice ang lalaking nasa likod ko. Nakakatakot lang kasi subrang haba ng slide na to. What if pag nahulog ako sa kalagitnaan? Dead end ko na kung ganun. Aba matindi hindi pa nga ako nagtagal sa lugar na to patay ako agad. Pano na si Yuri mababaliw yun pag nawala na ako. Ay baliw na pala yun, so magiging subrang baliw na baliw na talaga sya. Ayaw ko naman sya makulong sa mental no nakakahiya sa lahi namin kung ganun diba.

Ilang beses na ako nag sign of cross dito habang naka upo sa dulo ng slide na yelo na to. Eh sa natatakot nga ako diba.

"Sabi ko itutulak kita paghindi mo dinalian kaya ito sayo" at tinulak naman ako ng pvtangnang Taj na yun.

"Ahhhhhhhhhhh siraulo ka Taj, tatadtarin kita mamayaaaaaaaaa. Siguraduhin mong mamamatay ako dito ngayon Tajjjjjjjj. Kung hindi, ako talaga ang papatay sayoooooooooo ahhhhhhhhhhhh shit Tajjjjj kasalanan mo talaga kung mamamatay ako dito." Panalunok ako ng ilang beses. May parang biyak na yung gitnang banda ng slide. Shįt talaga yung Taj na yun. Shît lang talaga kasi malapit na ako doon sa may biyak at malapit na rin ang kamatayan ko sht na malagkit. Napapikit na ako. Shocks mamatay na ako.

"Ahhhhhhhhhhh"

"Got ya. Hahahahaha your face is epic haha sabi sayong bilisan mo dahil matutunaw na yung ice" lumilipad kami ngayon ni Taj. May pakpak na ice yung likod nya. Ang cool ng pakpak pero yung may dala hindi.

"May gana ka pa talaga pagtawanan ako? Papatayin talaga kita ngayon. G.go ka"

"Sige patayin mo ako. Ihuhulog talaga kita para magkalasuglasog yang katawan mo"

"Ibaba mo ako at doon kita papatayin"

"Ayaw ko nga. Hindi ko pa gustong mamatay."

"Ibaba mo na kasi ako sasabunutan talaga kita ngayon"

"Sige sabi mo eh" sabi nya tapos binitawan ako ng ugok na to. Gusto talaga ng lalaking to na mamatay ako eh.

"Ahhhhhhhhhhh hayop ka Taj saluhin mo ako Taj nahuhulog ako. mamatay na ako ahhhhhhhhh Taj!!!!!!" sigaw ko. Sinalo naman ako agad ng gagong to. Letche talaga sya. Kumukulot na yung bangs ko sa lalaking to bwesit. Aatakihin yata ako sa puso dahil sakanya.

"Hahahahaha. Gusto mo isa pa? Hahaha ang cute mo kasi tignan eh" gago to pinaglaroan lang ako. Cute pa! Siraulo!!!! Errr

"NO." Sigaw ko sakanya at kumapit ng mahigpit sa leeg nya. Nako baka bitawan nya naman ako. Nakahawak lang yung dalawang kamay nya sa waist ko. Ang awkward nga eh. Bat ba kasi ang taas taas ng bangin na to. Hindi kinaya ng apdo ko ang taas nito. Kaya nga ayaw na ayaw ko dumaan dito eh.

"Ayun na sila nakikita ko na!" Sigaw ko. Sinadya ko talaga yung pag sigaw kasi malapit ng bibig ko sa tinga nya hahaha. Makaganti man lang kahit sa ganitong paraan.

"Wag ka ngang sumigaw. At wag ka ring gumalaw ang bigat bigat mo kaya. Parang baboy ka kasing kumain." Sabi naman nito. Aba ako baboy sa payat kong to ako baboy

Saving The Celestial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon