I'm back guys! Hahahaha. Masaya kasi kami, dumadami na reads ng LMM. Sana magtuluy-tuloy na 'to!
Here's the update! Baka kasi mejj matagalan next update dahil sa school. Grade 8 kasi kami, kaya you know, hahahaha.
Lalabs you all! ❤
- - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 3
Kath's POV
Back to silence. Haayy.
Ang sarap sa feeling nung ganito.
Yung feeling na parang wala kang problema.
Sana ganito nalang lagi.
"Kath."
Nilingon ko si DJ.
"Kwento ka naman." sabi niya.
"Ikaw na lang. Wala namang excitement sa buhay ko." sagot ko.
"Ikaw na! Sige na." kulit niya.
"Ikaw muna tas ako naman."
Akala ko hindi na siya magk-kwento eh, ang tagal niya kasi bago nagsalita.
"Nung araw na yon, nasa ospital ako. Nakahiga sa kama. Isang batang walang kaalam-alam."
(-_-)
Okaaaaaaaaay.
Ano daw?
Hindi ko alam kung LG lang ba ako o ano.
"Ano? Kailan?" tanong ko.
"Nung araw na namatay yung mama ko." sagot niya.
"Sorry."
Tinignan ko si Daniel.
Nakatingin lang siya sa langit.
Nangungulila para sa isang ina.
"Okay lang. Namatay siya nung pinanganak niya ako. Minsan nga naiisip ko na ako yung dahilan kung bakit siya namatay. Kung bakit di siya nagkaroon ng chance na palakihin ako, na iparamdam sakin yung pagmamahal ng isang ina at hindi niya naabot ang mga pangarap niya." malungkot niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya.
May tumulong luha mula sa mga mata niya pero pinunasan din niya agad iyon.
"Ako pa lang pinagsasabihan mo niyan, no?" tanong ko.
Hindi siya sumagot.
So, I guess that means yes.
"It's okay Daniel. Oo, sandali pa lang tayong magkakilala. Pero that doesn't mean na you can't trust me. Dj, I can be your friend. Your best friend. Maging strong ka lang. Thank your mom for letting you live. Wala kang kasalanan, DJ. Sa sobrang pagmamahal ng mama mo sa 'yo, isinakripisyo niya lahat kahit buhay niya. Stop blaming yourself. Will ni God yon, everything happens for a reason. I'm sure na nasa magandang place ang mama mo ngayon."
I hugged him.
Oyy, walang malisya to, ah!
Comfort hug lang!
Pero mejj kinikilig ako!
Gwapo kasi niya ehh!
Hahahaha.
(^_^)
"Thank you, Kathryn." he said and hugged me back.
"Tara na nga, baka magbreak-down ka na diyan. Hahaha."
"Hahahaha, salamat. Tara na." sabi niya sabay kurot sa ilong ko.
"Aray naman!" reklamo ko.
Tumayo siya at nilahad ang kamay niya.
Kinuha ko iyon at itinayo niya ako.
Tapos, hinila ko na siya sa auitorium.
"Wag na nga nating pag-usapan yan, baka akalain ng iba pinapaiyak kita." sabi ko habang naglalakad kami.
"Duga nito, di ka man nagkwento."
"Hahaha, sa susunod na lang. Baka ma-late na tayo oh!" palusot ko. HAHAHA.
Tumakbo na kami papuntang auditorium.
Pagkapasok namin, wala pang masyadong tao.
Pumwesto ako sa bandang dulo, si DJ naman tumabi sa akin.
"Alam ko kung bakit ka dito pumwesto. Ikaw ah!" asar niya.
Eh kasi aantukin ako, para di ako mahuli. HAHAHAHA.
Binelatan ko na lang siya.
Nagsimula na ang orientation.
Mga after 40 minutes, inaantok na nga ako.
Hindi ko na napigilan kaya after a second...
Everything went black.
Daniel's POV
Nakikinig ako sa orientation namin nang biglang may bumagsak sa balikat ko.
Nagulat ako nang makita ko yung ulo ni Kathryn sa balikat ko.
Nakatulog na pala siya.
Kahit pala super hyper niya, nalo-low batt din siya.
Hahahaha.
Hinawi ko yung buhok niyang nakaharang sa mukha niya.
Inilagay ko ito sa likod ng tenga niya.
Sobrang ganda niya.
Mala-anghel na nga ang panlabas, mala-anghel pa yung panloob niya.
She's beautiful inside and out.
Hindi ko din alam kung bakit nasabi ko sa kanya yung tungkol sa mama ko.
Kahit na ilang oras pa lang kaming magkakilala.
Ewan ko ba, pero ang gaan ng pakiramdam ko kay Kathryn.
Parang may something na hindi ko maintindihan.
Basta ang alam ko, masaya akong nakakasama ko si Kath.
- - - - - - - - - - - - - - -
Ayan! Sana satisfied na kayo!
2 updates na, eh! Hahaha.
Sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagvovote, thankyou!
Please VoMment po! :"> Thankyou po!
BINABASA MO ANG
Love Me... Maybe (KathNiel)
أدب المراهقينPaano kung may nakilala kang isang babae na mala-anghel ang ganda at ang ugali? Yung tipong pang-slow mo at pang-fast forward ang dating. At paano kung ang babaeng yon ay isang MAN HATER? Kaya mo kayang palambutin ang kanyang mala-pusong bato o hang...