KHAIL

107 4 1
                                    

Khail:

Sa mundo, walang perpekto. Hindi lahat ng bagay makukuha mo. Pero subukan mong maging kuntento, sasaya ka panigurado.

Maaga akong gumising. Nagmamadali. Natataranta. Nasasabik. Kinakabahan. Mabilis akong pumunta sa lamesa para kumain ng almusal. Dali-dali kong nginuya ang pandesal at hotdog. At ininom ko agad ang mainit na kape. Pagkatpos ay naligo na ako. Nagbuhos. Nagsabon. Nagbuhos. Nagshampoo. Nagbuhos. Nag-toothbrush. Nagmumog. Nagpunas. Agad na akong nagbihis ng uniporme. Nagpaalam na ako kay Mama. Lumabas na ako ng bahay. Sumakay ng jeep para makapunta na ng school.

Ma-traffic sa kahabaan ng Biñan National Highway. Halos lahat na yata ng uri ng mga sasakyan, makikita mo. Mga pribadong kotse. Mga naglalakihang truck. Mga pampasaherong bus. Mga pampasaherong jeep, tricycle, pedicab. Pati na rin ang mga matutulin at nagmamadaling mga motorsiklo.

Bukod sa iba’t ibang uri ng sasakyan, makakakita ka rin ng iba’t ibang uri ng tao. Mga kapwa ko estudyanteng nagmamadali sa pagpasok. Mga empleyadong nag-a-abang ng bus. Mga badjao na nanghihingi ng mga barya. Mga barker na nagsisisigaw ng “Oh, San Pedro! San Pedro!” Mga nagtitinda ng sigarilyo, candy at basahan. At mga traffic enforcer na abalang-abala manghuli at makipagkwentuhan sa mga kasama nila.

Isa ako sa mga tila sardinas na nakikipagsiksikan sa loob jeep. Sobrang init kahit ang aga aga pa. May mga amoy kang kakainisan. Mga amoy na hatid ng mga lalaking kakagaling lang sa construction site. Mga amoy na pandigma. May mga pasahero pa na walang privacy. Tipong dinig na dinig na mo na ang pinag-uusapan nila tapos ang lalakas pang tumawa. At higit sa lahat, late na ako.

“Manong, para po.” huminto na agad yung jeep. At bingyan na ako ng daan ng mga pasahero para makababa. 20 minutes na lang, eh magsisimula na ang flag ceremony. Hindi ako pwedeng hindi makaabot sa flag ceremony. Kailangan andun ako. Importanteng araw ‘to sa buhay ko at sa buong school.

Binilisan ko ang lakad ko. Hanggang sa tuluyang nag-evolve ang paglalakad ko at naging pagtakbo. Nagtatakbo ako ng nagtatakbo.

15 minutes before flag ceremony, aabot pa kaya ako? Isang himala ang kailangan.

Lord, bigyan mo ako ng sasakyan!

Dahil sa dasal ko, mas binilisan ko na lang ang lakad. Kasi alam ko namang hindi ako mabibigyan ni Lord ng sasakyan.

Pagkadating ko sa gate ng school, huminto ako para ipakita yung I.D. ko. Hindi ako makakapasok ng wala yun. Kinalkal ko yung bag ko. As in! Naglukot-lukot na yung iba kong notebook!

“Yun!” nakita ko na yung I.D. ko. Naka-ipit sa libro namin na Chemistry.

10 minutes. Nakapasok na ako ng school. Nakita ko na ang mga estudyante na nakapila. Agad-agad akong dumiretso sa gilid ng stage. Matapos ang ilang minuto, umakyat na ako sa stage tapos..

“Ako si Khail Raymundo. Tumatakbong 3rd year Representative ng Amalaya Partylist. Hindi po ako sobrang talino, hindi rin naman po mahina ang aking ulo, basta’t ako’y iboto niyo, tiyak! Magkakaroon ng pagbabago.”

Nagpalakpakan yung mga barkada ko. Mga kakilala ko sa iba’t ibang year. Hinanap ko si Shalene. Pero hindi ko siya makita. Sobrang daming estudyante. Maingay. Magulo. Bumaba na ako ng stage at nagpatuloy yung ibang kumakandito sa pagpapakilala. Hinahanap ko pa din si Shalene. Pero wala talaga. Baka absent siya.

Si Shalene yung babaeng minamahal ko ng patago. Sobrang torpe ko kasi eh. Sobrang duwag ma-reject. Sobrang duwag masaktan. Hindi ko pa siya nakakausap ni minsan. Kasi palapit palang ako sa kanya, kung anu-ano ng negative thoughts ang tumatakbo sa isip ko. Baka i-reject niya ako. Baka hindi niya ako pansinin. Baka hindi niya ako kausapin. Ayoko lang kasing magmukhang tanga. Nakakadala na kasi.

Last Three SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon