Bianca:
Ang pag-ibig, hindi mo alam kung hihintayin o hahanapin. Hindi mo alam kung kusang dadating o dapat gumawa ka ng move para makuha ito. Pero ako, iba ang paraan ko. Ang pag-ibig inaagaw. Kung hindi ka marunong makipag-agawan, sorry ka na lang.
Huminto kami ni Lyndon sa isang coffee shop. Nasa loob kaming dalawa ng kotse niya. 7:30 pm na din siguro yun. Galing kami ni Lyndon sa isang bar. Uminom kaming dalawa. Hindi ko pa kasi matanggap na iniwan ako ni Lemuel para balikan yung ex-girlfriend niya. Hindi ko matanggap.
Habang nasa loob ng kotse at nagreretouch bago pumasok ng coffee shop, may dalawang tao ang pumukaw sa atensyon ko. Isang babae at isang lalaki na nakaupo sa loob. Magkaharap at masayang nagkukwentuhan. Inaninag ko ang mga mukha nila. Si Lemuel at Allia pala...
Nag-init ang ulo ko. At the same time, nadudurog ang puso ko. Nag-init ang ulo ko dahil nakita kong binalikan ni Lemuel ang ex niya. Nadudurog ang puso ko dahil nakikita kong masaya ang taong mahal ko sa piling ng iba.
Hindi ko na tinapos ang pagreretouch ko. Bumaba na agad ako ng kotse. Nagulat si Lyndon. Pinigilan niya akong mauna pero mapilit talaga ako. Nagmamadali akong pumasok ng coffee shop. Nag-iinit ang ulo ko. Nabubwisit. Nasasaktan. Kumukulo ang dugo ko. Pero mas lamang sa damdamin ko ang sakit at pagdurusa. Pagpasok ko ng coffee shop, dumiretso ako sa harap nila Allia at Lemuel. Bitbit ko ang sawi kong puso. Medyo nahihilo at wala ako sa sarili dahil nakainom ako. Nagsalita ako sa harap nila.
“Oh Lemuel, kayo na ba ulit? Baka mamaya, iwanan mo na naman yan ha?” nakangiti ako. Maaliwalas ang aking mukha. Nag-go-glow ang mga mata ko. Pero sa likod ng magandang panlabas na anyo ko, punong-puno ng sakit at pighati ang loob ko. Marahil nagpapanggap na lang ako na masaya at wala ng pakialam kay Lemuel. Pero ang totoo, mahal na mahal ko pa din siya. Kahit alam kong katawan ko lang ang habol niya, mahal na mahal ko pa din siya. Ibinigay ko sa kanya lahat. Kahit ang virginity ko. Ibinigay ko sa kanya yun kahit highschool pa lang kami. Napakatanga ko. Napakawalang-kwenta kong tao..
Nagsalita akong uli habang wala ako sa sarili.
“..nako girl, mag-iingat ka ha kasi—“ bigla na lang naputol ang sinasabi ko dahil pinigilan ako ni Lyndon sa pagsasalita. At agad akong inakay pabalik ng kotse. Agad ng nag-drive si Lyndon at umalis na kami sa coffee shop. Nagsalita si Lyndon sa mataas na boses.
“Bakit mo ba ginawa yon, Bianca?!”
“Kasalanan ko bang mahal ko pa si Lemuel ha. Tsaka wag mo kong sermunan na parang nanay kita ah. Ano ba kita? Kaibigan lang kita!” nagsimula na ding tumaas ang boses ko. Galit at may kasamang pikon ang tonon ko. Wala ako sa sarili. Balisa.
Biglang huminto si Lyndon sa gilid ng kalsada. Sabay ng paghinto ng kotse ay ang paghinto ng oras. Nagsimulang lumuha si Lyndon. Nagsalita siya.
“Oo. Kaibigan mo lang ako. Isa lang ako sa mga lalaking ni-rebound mo. Pero sa kabila nun, hindi pa din kita iniiwan. Kasi mahal pa din kita hanggang ngayon. Hindi ako gumanti o nanakit nung nalaman kong rebound mo lang pala ako. Pero mas naging mas malapit pa ako sa’yo. Tiniis ko lahat, Bianca. Ako yung karamay mo pag umiiyak ka kasi nag-away na naman kayo ni Lemuel. Ako yung sumbungan mo pag may ginawa siya sa’yo. Pero ako? Sa tuwing umiiyak ako dahil sa’yo, hindi kita matawag. Dahil ang tingin mo sa’kin ay hamak na bestfriend lang!”
Kitang-kita ko ang tuloy-tuloy na paghalik ng mga luha sa pisngi ni Lyndon. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong bumaba ng kotse pero ayoko namang iwan siya. Gusto kong magpasagasa na lang sa mga nadaang malalaking truck pero alam kong masasaktan na naman siya. Natauhan akong bigla. Nawala ang epekto ng alak sa isip ko. At unti-unti akong nilamon ng kunsensya ko.
“Hindi ko sinasadya, Lyndon. Sorry. Alam ko namang mali ako pero mahal ko talaga si Lemuel. Sorry talaga, Lyndon. I’m really sorry..”

BINABASA MO ANG
Last Three Seconds
Teen FictionEvery opportunity na dumadating sa buhay natin ay isang one big shot. Parang isang last three seconds sa basketball. Hawak mo ang bola. Nasa sa’yo kung ipapasa mo sa iba o ititira mo ng mag-isa. Ikaw, kung meron ka na lang huling tatlong segundo par...