Lemuel:
Isa sa mga natutunan ko ay ‘wag na ‘wag mong ipagpapalit ang isang taong nagmamahal sa’yo sa isang taong nakikipaglandian lang sa’yo.
May 25, 2011 | Sa School
Nag-iisa ako sa library. Wala ng ibang estudyante. Nakaupo ako dun habang nagpapalipas ng oras. Na-late kasi ako sa last subject namin kaya hindi na ako pinapasok nung subject teacher namin dun. Pinapunta na lang niya ako sa library at dito na lang daw muna ako habang hindi nag-u-uwian. Boring. Tahimik. Absent pa ang Librarian kaya wala man lang akong makadaldalan.
Kinuha ko na lang yung cellphone ko at naglaro ng Temple Run pero matapos ang ilang sandali, nabored na naman ako at tumungo na lang ako sa lamesa. Habang nakatungo ako, may narinig akong boses.
“Ikaw si Lemuel diba?” boses ng babae. Hindi ako agad-agad lumingon sa kanya. Kaya hinawakan niya ako sa balikat para lumingon ako sa kanya. Pag tingin ko..
“Oo. Kilala mo pala ako. Ikaw si Bianca diba?” nakangiti ako.
“Yup! Ako si Bianca. Nasa 4th section. Nasa 3rd section ka diba?”
“Oo. Anong ginawa mo dito?”
“Ah. Nalate ako sa last subject, di ako pinapasok nung subject teacher namin. Ikaw, ba’t andito ka?”
“Eh kasi bored ako. Kaya nga lumapit ako sa’yo diba, para ‘di ako mabored.” lumapit ang mukha ni Bianca sa’kin. Halos idikit niya ang labi niya sa labi ko. Naalala ko si Allia. Naalala ko ang relasyon namin na unti-unting lumalamig. Umiwas ako at lumingon sa ibang direksyon.
Pero mapilit si Bianca. Hinawakan niya ang mukha ko. Dalawang kamay niya ang nakadampi sa dalawang magkabilang pisngi ko. Nagsimula siyang lumapit. Amoy na amoy ko ang aroma ng pabango niya na mas lalong nagtulak sa’kin para mas malasing. Naipit na ako sa sitwasyon. Hinalikan niya ako sa labi. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga labi niya. Hanggang sa hinalikan ko siya pabalik. Habang kaming dalawa lang ang nasa loob ng Library, nagtungo kami sa C.R. sa loob ng Library. At nagsimulang maganap ang mga ‘di dapat mangyari.
....
“Grabe pare! Ganyan ka pala kabangis! Malandi ka!” inaasar na naman ako ni Arjohn. Espren kong maituturing. Sa lahat ng kaibigan ko, siya ang pinakamalapit. Yan lang ang nasambit niya nung ikinwento ko kung bakit ako nakipagbreak kay Allia at kung anong nangyari sa loob ng Library.
“Naipit lang ako ng sitwasyon. Wala akong ganong goal. Pinilit lang ako ni Bianca..” pagtatanggol ko sa sarili ko.
“Oo na, oo na. Naniniwala na ako. Pero mahal mo pa si Allia?”
“Oo pare. Baduy mang sabihin pero siya talaga mahal ko. Kaya nga ako nakipaghiwalay na kay Bianca para mabalikan ko si Allia pero..”
“Pero ano? Natatakot ka? Aba, dapat lang! Sinaktan mo kaya yung babae.”
“Babalikan ko pa ba siya o hayaan ko yung tadhana na lang yung magtulak sa’min para magkausap? Haay.”
“Ang drama mo pare. Pero tutal, nagdadrama ka na lang din. May sasabihin ako sa’yo. May nabasa kasi ako sa Wattpad. Nakalimutan ko yung title eh. Pero about yun kay Khail at Shalene. Ang sabi dun, Every opportunity na dumadating sa buhay natin ay isang one big shot. Parang isang last three seconds sa basketball. Hawak mo ang bola. Nasa sa’yo kung ipapasa mo sa iba o ititira mo ng mag-isa. Nasa’yo ang desisyon. Pero kung ako sa’yo, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para magkausap kayo.” nagulat ako kay Arjohn. Sobrang seryoso niya nung sinasabi niya yun. Kadalasan kasi pinaglalaruan niya lang ang mga babae. Para ngang every week may bagong katext. Kaya na-amazed talaga ako sa kanya.
“Ewan ko pare. Bahala na si Lord.”
....
One big shot. ‘Yan lang ang tumatakbo sa isip ko habang nagkaklase kami. Haaay. Maingay sa buong classroom kahit nagkaklase si Ms. Laosantos. 3rd section kasi kami eh. Magulo. Maingay. At karamihan madadaldal ang mga estudyante. Pero kahit ganon kagulo at kaingat sa room, parang ako lang mag-isa, pakiramdam ko. Napaisip ako. Ano kaya kung makipagbalikan na ako kay Allia. Tatanggapin niya pa ba ko? Kaya niya pa kaya akong kausapin kahit sinaktan ko siya ng sobra. Hay. Mahal ko pa siya pero bakit naduduwag akong kausapin siya?
....
Nandito ako sa ospital. Nakaupo sa tapat ng Operating Room. Iniintay ang resulta sa operasyon ni Papa. Napag-isip isip ko na siguro kailangan ko ng ipasa ang one big shot sa tadhana. Papahintulutan ko na ang tadhana na lang ang gumawa ng paraan para magkausap kami ni Allia. Siya na ang titira ng bola at ako, aasa na lang sa walang kasiguraduhan.
Papunta ako ng canteen. Medyo nagugutom na din kasi ako. Kanina pa ako nagbabantay. Pagdaan ko sa tapat ng Emergency Room, may nakita akong babae. Tulala. Pamilyar ang mukha. Nang makalapit pa ako ng onti, nakilala ko na siya. Si Allia.
Nagkakwentuhan kami. Nagkapalitan ng number. Araw araw kaming magkatext. Pero kapag nagkakasalubong kami sa school, strangers kami sa isa’t isa. Basta, ang gulo. Pag magkatext kami, feeling ko hudyat na yun para magkabalikan kami. Pero kapag naghehello ako sa kanya ng personal, hindi naman siya nakibo o kaya iiwas ng tingin. Sobrang gulo. Sobrang nakakalito. Kaya nagdesisyon akong kuhanin na ang one big shot. Inaya kong makipagkita sa’kin si Allia sa gym pagtapos ng uwian. At buti naman, pumayag siya. Gusto ko na kasing klaruhin at linawin ang lahat. Gusto ko ng masabi ang mga bagay na dapat kong sabihin. Gusto kong humingi ng tawad sa mga bagay na ginawa ko. Gusto koi siyang makausap ng seryoso.
....
Habang magkausap kami ni Allia dito sa gym, ramdam na ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan ni Allia ngayon. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong pumanasan yung mga luha niya. Pero hindi ko magawa dahil alam kong galit siya sa’kin.
Matapos ang ilang minuto, nakapaglabas na kami ng sama ng loob. Natuklasan naming mahal pa namin ang isa’t isa. Kaya lumabas kami ng gym habang magkahawak ang aming mga kamay. Masaya at nakangiti. At haharap sa maraming tao na proud sa isa’t isa.
After 1 month...
Nasa loob kami ng coffee shop ni Allia. Celebrating our first monthsarry. Ang saya naming dalawa kahit napaka-simple lang ng celebration namin. Nagkukwentuhan kami at nagtatawanan. Pero natigil ang panandaliang kasiyahan ng may tinig ng babae kaming narinig.
“Oh Lemuel, kayo na ba ulit? Baka mamaya, iwanan mo na naman yan ha?” si Bianca. Nakita ko siya sa harapan ng table namin ni Allia. Naka-red na sleeveless, naka-mini jacket na puti, nakaskinny na pantaloon at nakatakong. Elegante siyang tignan at mukhang lasing. Nagulat ako sa pagdating niya. Nanigas ang buong katawan ko. Naipon ang pangamba sa puso ko na baka guluhin niya kami ni Allia. Baka muling masira ang relasyon namin dahil sa kanya. Bigla ulit nagsalita si Bianca.
“..nako girl, mag-iingat ka ha kasi—“
Bago pa matapos sa pagsasalita si Bianca bigla na lang siyang hinila ng isang lalaki. Nagsalita yung lalaki. “Pasensya na kayo ah, iuuwi ko na siya.” pinilit nung lalaki na dalhin si Bianca sa kotse niya. At biglang umalis.
Tumingin ako kay Allia. Nangangamba. Kinakabahan. Nalilito. Biglang nagsalita si Allia.
“Wag kang mag-alala Lemuel, kaya natin ‘to. Basta, walang bitawan.” ngumiti siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Simbolo na mas titibay pa ang samahan namin.
....
“Grabe, pare. Andaming nangyari sa’yo ah. Adventorous!” yan ang reaksyon ni Arjohn nung kinwento ko sa kanya ang nangyari sa ospital, sa gym at sa coffee shop.
“Pero pare, may nangyari pa.”
“Ano yun? Kwento mo na! Hindi naman sa pagiging tsismoso pero dali na, kwento na repapips!”
BINABASA MO ANG
Last Three Seconds
Roman pour AdolescentsEvery opportunity na dumadating sa buhay natin ay isang one big shot. Parang isang last three seconds sa basketball. Hawak mo ang bola. Nasa sa’yo kung ipapasa mo sa iba o ititira mo ng mag-isa. Ikaw, kung meron ka na lang huling tatlong segundo par...