LYNDON

17 0 0
                                    

Lyndon:

Hindi masamang magmahal ng taong may mahal ng iba. Basta ‘wag ka lang maghahangad na mahalin ka din niya pabalik.

Ako nga pala si Lyndon. Isang simpleng lalaki. Marngya ang buhay. Matalino. Gwapo. Matangkad. Maputi. At may kalayaan. Sabi ng iba, nasa akin na daw lahat. Pero ika nga ng iba, walang perpektong buhay, walang perpektong tao. Siguro nga nasa’kin na halos lahat ng luho, pero isa ako sa biktima ng mapanlinlang na pag-ibig. Haaay..

PAST

Six months na kami ni Bianca. Niligawan ko siya dati kahit alam kong iba ang mahal niya. Minahal ko siya ng lubusan kahit alam kong si Lemuel ang mahal niya. Alam ko kasing nasasaktan din siya nung mga panahong yun. Kasi si Lemuel ay may girlfriend na si Allia. Nung nililigawan ko siya, nagkausap kami ni Bianca.

“Ca, alam mo bang may quota ang pag-ibig...” sabi ko kay Bianca.

“Ha? Hindi kita maintindihan, Lydon..” tugon ni Bianca.

“Kasi sabi nila, sa bawat 200 na tao, 50 lang dun ang makakakita ng mamahalin nila. Sa 50 na yun, 20 lang ang magkakaron ng kasintahan. At sa 20 na yun, 5 lang ang nagmamahal ng totoo, at sa limang yun, isang tao lang ang magpapakatanga.”

“Bakit mo sinasabi sa’kin yan, Lyndon?”

“Kasi sa 200 na tao na yun, ako yung isa na nagpapakatanga.”

Tumigil si Bianca. Parang huminto ang mundo. Tahimik ang buong paligid. Nakatungo lang ako. At bigla akong nagsalita.

“Kahit rebound lang ako Bianca. Tatanggapin ko..”

Matapos nung gabing yun, sinagot ako ni Bianca. Oo, nagmakaawa ako. Siguro, naiinis sa’kin yung iba kasi napakatanga ko. Sabi nga ni Papa Jack: Huwag na huwag kang magmamakaawa para mahalin ka ng isang tao. At sabi ni Ramon Bautista: Ang pangit tignan kung sinagot ka lang niya dahil sa awa. Haaay. Pero wala eh. Mahal ko talaga si Bianca. Kahit ano, gagawin ko. Kahit magmukha akong tanga, kahit magmukha akong kawawa, basta makasama ko siya, okay lang.

Hanggang sa dumating yung time na nanlalamig na sa’kin si Bianca. Hindi na kami gaanong nagkakausap. Hindi na din siya nagtetext o nagrereply. Hanggang isang araw, umamin siya sa’kin na may nangyari sa kanila ni Lemuel sa library. At nakipaghiwalay na siya sa’kin. bawat salitang lumalabas sa bibig ni Bianca, napakasakit. As in, lahat lahat. Gusto ko na lang tumiklop. Gusto ko na lang maglaho bigla. Pero hindi pwede. Kailangan ko pa ding tanggapin ang katotohanan.

Ngayon, kuntento na ako kahit kaibigan lang ang tingin mo sa’kin, Bianca. Tanggap ko na naman. Basta, mahal na mahal pa rin kita Bianca. Pag may problema ka, dito lang ako. Hinding hindi kita iiwan. Sana maging masaya ka sa desisyon mo.

Last Three SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon