Allia
Masarap makaranas ng pag-ibig. Imaginin mo yung gigising ka na alam mong inlove ka. Pero kung iisipin mong walang maayos na relasyon, hindi ka talaga magkakaroon niyan. Think positive, diba?
“Masyado namang happy-ending yang sinulat mong istorya, Allia.” pagrereklamo ni Pearl sa istoryang ginawa ko.
“Ano ka ba, Pearl. Alangan namang gawin kong sad-ending. Nakakabadvibes yun noh.” pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
“Ano ka ba din, Allia. Maging realistic ka nga. Hindi lahat ng tao, nakakakuha ng happy-ending. Hindi lahat ng tao nagiging masaya sa huli. Sa ginawa mong istorya, mas lalo mo lang pinapaasa ang mga hopeless romantic na tulad mo.” nakakunot na ang noo ni Pearl. Mukhang inis na. Para talaga siyang baliw kapag ganto na yung usapan.
“Alam mo, Pearl. Ang bitter mo. Sobrang negative ng outlook mo tungkol sa pag-ibig. Enebe! Kalimutan mo na kasi yang one and only man na nanakit sa’yo. ‘Di niya deserve na pag-aksayahan mo siya ng panahon.” sabi ko sa kanya na may kasamang pagtatanggol sa pag-ibig at may kahalong pagcocomfort sa kanya.
“Nako, Alliah, kung kaya ko lang.. matagal ko ng ginawa. Ipagpalit ba naman ako sa isang.. nevermind.” nakasimangot pa din si Pearl.
“Hayaan mo na yun. Masaya siya sa ganon eh. Siguro, nakatadhana siyang maging isang ganon.” sabay kaming tumawa ni Pearl.
“Tara na nga, friendship. Filipino time na naman. Baka sigawan na naman tayo ni Ms. Kikiam.” tumawa na naman si Pearl.
“Hoy, tumahimik ka. Baka mamaya marinig tayo ng ibang estudyante, ma-guidance pa tayo.”
Pumanik na agad kami ni Pearl sa 4th floor kung nasaan yung room namin. Dala-dala ko yung wallet ko pati yung folder na naglalaman ng istorya ni Khail at Shalene.
Ground floor. Second floor. Third Floor. Fourth floor.
Pagpasok ng room. Isang napakagandang tanawin ang makikita mo. Magulo ang mga upuan.
Maingay ang mga estudyante. Panay sulat ang board. Nagkokopyahan ng mga assignment. Nagbabatuhan ng mga papel. Pero meron din namang mga tahimik. ‘Yun yung mga loner at walang friends dahil masyadong mine-maintain ang grade na pang top-10.
Ako kasi ‘yung tipo ng estudyanteng nag-a-aral kapag gustong mag-aral. Pag tinamad bahala na. Hindi ako yung tipong mamamatay kapag bumagsak sa test. Ang mahalaga lang naman ay di ako ang nahuhuli sa klase at walang bagsak sa card ko. Kasi naniniwala naman ako na kahit hindi ka kasama sa top 10 students, makakahanap ka ng maayos at magandang trabaho pagdating ng panahon.
Maya maya pa, pumasok na ng room si Ms. Fernandez. Tumayo na siya sa harapan ng klase. Nagsimulang magbuklat ng libro. Hinanap ang Aralin na pinag-aralan namin kahapon. Binalasa ang mga index cards na naglalaman ng mga pangalan namin. At biglang nagsalita..
“Alliah Mikee Agutin, stand up.” Nangatog ang buong katawan ko. Nagulat ako. Hindi pa naman ako nakinig sa lesson kahapon. Nakakakaba naman ituuuu!
“..bilang isang estudyante, ano ang masasabi mo sa Divorce Bill?” pagpapatuloy ni Ms. Fernandez.
Nawindang ako sa tanong niya. Akala ko naman tungkol sa lesson kahapon. Ang dali lang pala.
“Para sa akin po, mabuti pong maipatupad ang Divorce Bill. Dahil hindi naman lahat ng mag-asawa ay nagiging perpekto ang samahan. Mangilan dito ay nambubugbog ng kinakasama at ang ilan naman ay nangangaliwa. Nararapat lang pong magkaroon ng gantong batas.” pagsagot ko sa napakadaling tanong niya.
“Sa tingin mo, madali ba itong maipatupad?” nagulat ulit ako. Di pa nakuntento sa sagot ko. Abusado.
“Sa tingin ko po ay hindi. Dahil kalaban ng gobyerno ang simbahan dito. Dahil naniniwala ang simbahan na ang bawat kasal ay may basbas ng Diyos at hindi ito maaring baliin na lang.” taas noo akong sumagot at umupo. Ang talino ko, ano po?

BINABASA MO ANG
Last Three Seconds
TienerfictieEvery opportunity na dumadating sa buhay natin ay isang one big shot. Parang isang last three seconds sa basketball. Hawak mo ang bola. Nasa sa’yo kung ipapasa mo sa iba o ititira mo ng mag-isa. Ikaw, kung meron ka na lang huling tatlong segundo par...