[A/n: kay kyle po muna ang ang point of view konti lng nmn ang kanya.tnx]
Kyle POV.
Saglit pa lang kami nagkakahiwalay namimiss ko na siya agad. Jeez para akong bakla.
Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong feeling. I've never been this way before."Captain watch out!!!"
Huli na ng namalayan ko na tumama sa ulo ko yung bola.Nasa practice game pala kami ngayon. Kaya hindi ko namalayan na maytatama sa akin na bola..
Wth!
"Captain okay ka lang?" Tanong ng kasama ko.
"Ayos lang. Let's back to game."tumayo na ako at tumakbo na sa gitna.
"Wala ka yata sa sarili Captain? Kanina pa namin napapansin eh."
"Wala may iniisip lang ako." Balik ko.
"Si Captain inlove oh haha." Biro ng mga loko.
"Tigilan niyo nga ako! Magpractice ng magpractice bukas na ang laban."
Aayain kong manuod si Chloe bukas para ganahan ako kahit papano.Papunta na ako ng gym nang may yumakap sa akin mula sa likuran.
"Hi hon,miss me?"
Di ba ako titigilan ng babaeng to. Parang linta.
"What are you doing here Rina! We're done remember?"
"No. Kyle. Ayokong mawala ka saakin, mahal parin kita hon please don't leave me." Pagmamakaawa niya.
"Hindi mo ba ako narinig o sadyang bingi ka lang?hindi kita minahal kahit konti kaya lubayan mo na ako." Iniwan ko na siya at pumasok na sa locker namin at nagshower.
-------------
Chloe's POV.
Nasa last subject na kami kaya after nito uwian na. Nang biglang nagtext si Kenny kung sasabay daw ba ako sa kanya. kaya agad akong sumagot na sasabay ako sa kanya sa pag uwi.
Nang matapos ang klase dederetso na sana ako sa parking lot para hanapin si Kenny nang makita ko si unggoy na nag aabang malapit doon.
Hindi ko nalang pinansin kaya pinagpatuloy ko nalang hanapin ang sasakyan ni Kenny.
"Babe! Kanina pa kita hinihintay bakit ngayon ka lang?"pigil niya sa braso ko pero agad ko itong tinanggal.
Nakakainis na kasi lagi nalang nanghahatak. Kainis.
Akala mo kung sinong boss.
Tinototoo niya ba yung magiging gf niya ako? Pwes ako hindi."Stop acting like you're my Father. At bakit mo naman ako kailangang hintayin pa?"tinaasan ko lang siya ng kilay.
Ito ang ayaw ko sa lahat yung may nakabuntot lagi sayo kahit san ka pumunta. Sinabi ko sa sarili ko kakamuhian ko ang mga tulad nila. Katulad nalang ni Daddy. He's the reason kaya nawala si mommy kaya kahit na kelan wala akong tiwala sa mga lalaking tulad nila! pare pareho lang silang lahat. Nagsuicide si Mommy dahil nahuli niyang nambabae si Daddy. That's why I hate him that much.
"Yes I'm not you're father but i am your boyfriend! so sa ayaw at sa gusto mo hihintayin kita at ihahatid kita! May napagkasunduan tayo kaya hindi mo pwedi basta labagin nalang yon!" Napanganga nalang ako sa mga sinabi niya.
Ngayon lang ako ulit natakot ng ganito.
Yung mga titig niya na nagsasabi na kailangan mong sundin ang utos niya or else.
Oo may napagkasunduan nga kami pero hindi ko akalain na seseryosohin niya ng ganito.
Pumirma ako kaya hindi ko dapat basta labagin ito.
Oh my God ano itong napasok ko.
BINABASA MO ANG
The Cold One
Teen FictionA girl who has a cold heart A guy who fall inlove to warm that cold heart. Alright reserved 2020