Chapter 12

4.4K 113 3
                                    

Chloe's Pov.

Nagtataka parin ako sa mga sinabi ng lalaking yon. Muka naman kasing hindi nagsisinungaling. Kaya napaisip ako paano ng yari yun. Binuksan ko ang fb ko. At nang I search ko ang name ko ang daming lumitaw na account ko.

Ano 'to?bakit ang daming kong account sa fb? Mga poser ba ito. Aba mga loko ginamit pa ang muka ko para dumami ang friends sa fb.

Binuksan ko ang isang account na may pinaka maraming friends. At napansin ko na kumpleto siya sa litrato ko sa fb. Maging mga wacky photos ko nandito rin. At ang daming comment.

Comments:

~ang ganda mo talaga chloe! Akin ka nalang.

~saang iskul ka nag aaral?

~oo nga para makita ka namin sa personal.

~may boyfriend kana ba miss beautiful. Pede tayo nalang hehe. .

Nanlaki ang mata ko sa mga nabasa ko. At binasa ko ang comment ng nagpapanggap na ako.

Chloe Evergreen: nag aaral ako sa Bouffard University. Free kayong mamasyal anytime :)

Nainis ako sa mga nabasa ko. Bakit hindi nila gamitin ang muka nila sa fb. Gumamit pa ng ibang muka para manloko. Tss. Nakakainis. Hindi ko kasi nilagay ang real name ko sa fb. Nakalagay lamang ay Eolhc Evergreen. Sinadya ko talagang baliktarin para wala gaanong makakilala sa akin at maka search.

Ginawa ko ng Private ang mga photos ko para wala ng makakuha pa. At nagcomment din ako sa ilalim.

Eolhc evergreen: kung sino man ang gumagamit ng account na ito please lang wag niyo gamitin sa kalokohan at panloloko! Or else I will find you anywhere. Deactivate it now! -aki

Di pa nakakaisang minuto ay may nagreply na.

Chloe Evergreen: who are you? Are you a poser of mine? Ikaw dapat ang magdeacrivate at hindi ako POSER. Wag ka mag panggap. You're ugly siguro kaya ginagamit mo ang Photos ko?reply ng manloloko.

Aba ako pa ang naging poser ngayon?kapag nahuli kita makakatikim ka ng kamao ko.

Naupo muna ako sa bench sa garden para maaway ko ng maayos ang loko na 'to.

May mga iilang nagcomment sa usapan namin.

~wait sino po sainyo ang tunay na Chloe?

~oo nga. Sino din ang poser sa inyo?

Pakikielam naman nila.

Chloe Evergreen: ofcourse ako ang tunay kahit magmeet pa tayo.pagmamalaki nito.

Wow ang lakas ng loob niya ah. Parang siya ang totoo ako.

Eolhc Evergreen: deal. Sige makipagmeet ka nang malanan nila kung sino ka talaga.

Natawa naman ako sa isip ko.

~mukang maganda yan at makikita ko na rin ang tunay na Chloe. Yehey!!

~sama ako jan ha! Wait san ba ang meet up?.

Kabahan na siya dahil panigurado ako mapapahiya siya.

Chloe Evergreen: Sa Bouffard university. After lunch tomorrow.

Lakas loob na sabi niya.

Eolch Evergreen: wag mo silang paasahin miss. Dahil sigurado ako mapapahiya ka lang. Ako yung nakokonsensya para sayo. Pede ka namang umamin nalang.

Chloe Evergreen: don't worry kasi alam ko ikaw ang POSER.
Lakas loob na comment niya.

~im excited.

The Cold One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon