Chapter 8

4.9K 124 6
                                    

Chloe's POV.

"Anak ano ba nangyari bakit hinimatay yung girlfriend mo?"

"Mom im sorry but I cant explain it right now. Ang iniisip ko lang ngayon ang kalagayan ni Chloe."

"Wag ka mag alala anak nahimatay lang siya sa pagod at pag iyak kaya siguro nawalan siya ng malay."

May narinig akong nag uusap kaya minulat ko na ang mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko para malaman kung nasaan ako pero bigla nalang sumakit ang ulo ko. Hinilot ko ang sintido ko para mawala ang sakit na nararamdaman ko kahit na konti lang.

At may biglang lumapit sa akin dahil lumubog ang gilid ng kama.

"Chloe? Oh thanks God you're awake." Nagulat ako nang yakapin ako nito.

Hindi pa kasi lumilinaw ang paningin ko kaya hindi ko pa makilala kung sino sila. Pero I recognize the mans voice.
Nang mahimasmasan na ako umupo ako, para mawala agad ang sakit ng ulo ko at tumingin kung sino ang kasama ko.

"Wait where am I? K-kyle?" Pinalibot ko ang mata ko at tumama ito kay kyle.

bakit ko kasama ang unggoy na to.

Nang balikan ko ang ala ala ko bago ako mahimatay, napatingin ako kay Kyle at sinampal ko siya sa kaliwang pisngi niya.

May gana pa siyang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa niya.
How dare him. Tumingin ako sa kasama niya siguro ito ang mama niya dahil napatakip na lamang ito sa bibig sa nasilayan niya. Pero wala akong pakielam ang gusto ko lang makaganti sa lalaking kasama ko ngayon.

"Mom Iwan niyo muna po kami." Utos niya.

"Okay baby. Take your time."
Lumabas na ito at sinara ang pinto.

Matapos lumabas ang mama nya lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong braso.

"Chloe listen. I'm very sorry for what I've done. I'd just couldn't control my feelings before. Please don't hate me."pagmamakaawa niya.

Masama ang loob ko sa ginawa niya. Hindi ko matatanggap na ang first kiss ko kinuha niya ng walang paalam at higit sa lahat sapilitan pa.

Tumayo ako at lumapit sa pinto pero pinigilan niya uli ako.

"Bitawan mo nga ako! Uuwi na ako! At kahit anung gawin mo hindi kita mamapatawad!" Sigaw ko at lumabas ng kwarto.
Magsasalita pa sana siya pero umalis na ako.

Anong akala niya sa akin basta basta nalang ako magpapatawad? Sorry siya hindi akong ganung tao. Kung yung ibang babae niya na nagkakandarapa sa kanya at madali niya makuha sa pasorry sorry niya pwes ako hindi!

Makalipas ang ilang minutong paglalakad hindi ko parin mahanap ang daan palabas. Ang totoo bahay ba to o Mall? Kanina pa kasi ako paikot ikot at wala man lang akong makasalubong kahit isang tao. Nahampas ko ang ulo ko nang maalala ko yung bag ko, nasa kaniya pala.

Bakit umalis kasi ako agad.

Nagsimula na akong mataranta dahil gabi na at hindi ko alam kung may tao ba sa bahay na to. Dahil medyo creepy. Maganda ang bahay nila pero matatakutin lang talaga ako kapag mag isang kapag lalakad sa gabi.

Bumalik kaya ako? Pero hindi ko alam kung saan ako nanggaling. Nadala kasi ako ng galit ko.

May nakita akong kwarto, kaya nagmadali akong lumapit sa pinto at kumatok. Nang walang sumagot napagpasyahan kong pihitin ang doorknob kung may tao. Para makapagtanong nadin kung nasan ba ang daan palabas.

"Tao po? May tao ba dito?"
Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makita sa dilim.

Isasara ko na sana nang may humatak sa akin sa loob
Kaya napasigaw ako.

The Cold One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon