MOCG 4

1.4K 88 12
                                    

Z e i r a h

Pagkapasok na pagkapasok ko sa school sinalubong agad ako ng bestfriends ko " Zeirah Meisech Dillera, totoo ba?!" Nagulat naman ako sa pagtaas ng boses ni Dawn. Parang nanay lang eh ano. Wala naman akong ginawang masama.

" Ano?! What are you talking about?!" Sagot ko. Seriously wala talaga akong alam sa mga pinagsasasabi nila.

" Seriously Mish? Pinag uusapan ka na kaya sa buong campus!" Sabi pa ni Danes.

What is happening?

" Did you watch the news?" Umiling naman ako. Eh kasi naman busy ako sa paggawa ng assignments ko kagabi at di na ako nakapanuod ng tv. Inabot saakin ni Dawn yung phone niya. Muntikan nang malaglag yung eyeballs ko sa nabasa ko.

SPOTTED DARREN ESPANTO of THE BREAKERS WITH HER GIRLFRIEND AT THE MALL YESTERDAY!

Bwiset na lalaking yun talaga.

" What now Meish?" Naghihintay ng sagot tong mga nasa harap ko.

" Di nama-------"

" The Breakers!" Nagsigawan na yung mga schoolmate namin . Nandito na yung The Breakers papansin talaga tong 5 idiots na to. Kelangan ba talaga sabay sabay maglakad?!

" Boyfriend mo Mish" natatawang sabi ni  Danes tsaka nag apir sila ni Dawn. Mga baliw!

I roll my eyes " Kilabutan nga kayo " Sagot ko nasa unahan kasi nila kami.

May bigla namang lumapit na mga schoolmates namin sa kanila kay Darren to be specific " totoo po ba yung sa news ?" Tanong ng babae.

Napatingin si Darren sa pwesto namin,  tinaasan ko lang siya ng kilay nakakainis siya dinamay pa ako sa kalokohan niya!

I saw him smirk " Guys una nako. Nabubwiset ako! " nag lakad ako palayo sa kanila.

" Zeirah wait!" Rinig kong sumigaw siya. Nakakainis. Di ko siya pinansin pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko.

" Baby wait! " nagulat ako dahil nasa tabi ko na siya ngayon at nakaakbay pa saakin.

" Get your hands off me!" Madiin kong sabi.

" Ayoko, and don't you dare I-alis ang kamay ko sa pagkakaakbay sayo kundi patay ka saakin!" Natakot ako sa kanya kasi mukhang galit siya

" Bwiset ka talaga!" Bulong ko.

" I heard that!" Sabi niya pero naka poker face.

" Edi wow congrats di ka bingi!" Sarcastic kong sabi

" From now on you'll be My On-Cam Girlfriend " sabi niya kaya mabilis ko siyang nilingon.

" Pwede ba Darren?! Wag mokong idamay sa lecheng trip mo na yan. Di na yan nakakatuwa pwede ba? Lumayo ka na sakin ginugulo mo buhay ko eh!" Di ko na napigilan yung sarili ko.

Nasa hallway kami ng school  mabuti nalang walang tao sa part na ito kaya walang makakarinig sa away namin " Look di ko naman ginusto na mangyari to eh sa tingin mo ba gusto kita? Hell no! Wala lang talaga akong choice kaya nangyari to" sabat niya tsaka napasabunot aa buhok niya.

" Bakit ako pa? Marami ka namang babae diba bakit di nalang sila hindi yung nanda----"

Paliko na kami sa hallway nauna kasi akong naglalakad kay Darren pupunta ako ng room kaso sunod siya ng sunod at eto ngayon di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi nadulas ako buti nalang nasalo ako ni Darren.

" Kita mo na malas ka talaga sa buhay ko. Umalis ka na nga!" sigaw ko tsaka tinulak siya palayo saakin.

" Wow welcome ah " sagot niya tsaka napailing nalang.

My On-Cam Girlfriend // Darren Espanto • Fanfiction //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon