MOCG 23

1K 66 9
                                    

D a r r e n

Hindi ko akalain na ganon na pala yung nararamdaman ni Zeirah sa akin. Akala ko kasi clear yung pinag usapan namin na walang maiinlove. She even agreed. Tapos ngayon bigla bigla siyang nagalit at nag amin na mahal niya ako? As much as I wanted to be close to her ayoko. Kasi naisip ko na yung mga possibilities na pwedeng mangyari sa amin pag di ako lalayo sa kanya. That's why naging cold ako at umiiwas sa kanya. Ayokong mainlove siya saakin dahil lang sa nagpapanggap kami sa harap ng ibang tao. I know I'm stupid na mangloko ng ibang tao pero wala eh I already did. Naaawa ako sa kanya habang sinasabi niya saakin yung nararamdaman niya. Ayoko kasing makakita ng babaeng umiiyak lalo na pag ako ang dahilan noon. Palagi kong naaalala yung sinabi ni daddy sa akin na ang nga babae inaalagaan at minahal hindi sinasaktan at pinapaiyak. I choose not to speak kanina kasi alam kong di naman siya makikinig. And I wanted to hear her out so I did. I really feel bad for Zeirah. Pero wala eh. I can't force myself to love her the way she did. I just can't.

Akala ko pa naman magiging masaya tong outing na to. And it turns out to be the worst.

" Uy bro! Ba't di ka sumunod saamin nagswimming?" Tanong ni Kyle ng makabalik sila dito sa may cottage.

" Oo nga bro! Andaya mo di mo man lang kami tinawag na may pagkain na pala dito. Napakatakaw mo talaga!" Sabi ni Jerome tsaka ginulo yung buhok ko.

" Tsk, ang iingay niyo. Oh eto pagkain edi kumain kayo" sabi ko tsaka kumuha ng iced tea at ininom iyon.

" Omg foods!" Masayang sabi ni Dawn ng makapasok sila sa cottage. Agad naman siyang dumiretso sa mesa at kumuha ng watermelon.

Sumunod naman sa kanya si Danes at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nila France.

Sina Kyle, Jerome at Paolo naman yung katabi ko.

" Mishi! Gusto mo? What do you want to eat? Grabe naman si tita andami neto!" Sabi ni Dawn. Ngayon ko lang napansin. Matapos palang umalis ni Zeirah kanina dumiretso siya kila Danes. Tiningnan ko siya basang basa na siya tsaka yung mata niya medyo namumula pa pero di nanaman masyadong halata.

Bahagya siyang ngumiti " Watermelon nalang Dawn please " Sabi niya

Agad naman siyang binigyan ni Dawn at naupo siya sa tabi neto. So bale magkaharap kami. I don't know pero ayokong alisin yung mga mata ko sa kanya. Tinitingnan ko lang siya habang kinakain niya yung watermelon niya.

" Bro, baka matunaw yan!" Asar saakin ni Paolo. Sinamaan ko lang siya ng tingin at binalik ulit kay Zeirah yung atensyon ko.

Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya. Napatingin din siya saakin pero agad din siyang umiwas ng tingin.

" Guys cr lang ako!" Sabi niya at agad na lumabas sa cottage. Nagkatinginan naman sina Danes at Dawn at agad nilang sinundan si Zeirah.

Alam na kaya nila ang nangyari?

" Uy anyare kay Zeirah?" Tanong ni Kyle.

" Bakit ang tahimik niya?" dagdag ni Francis.

" Ano bang nangyari kanina bro? Ba't namumula kanina yung mata ni Zeirah nung pumunta siya saamin ?" Tanong ni Paolo.

I took a deep breath " Wala na kami. We broke up!" Sabi ko at yumuko. I don't know pero biglang kumirot yung puso ko nang sabihin ko yun. Break na kami. Somehow naramdaman ko na nasasaktan din ako. Pero di dapat. After all she's just my FAKE GIRLFRIEND. It wasn't real.

" What?" Sabay sabay nilang sabi.

" Bakit bro?" Naguguluhang tanong ni Kyle.

" Why did you let her go? Mahal ka ni Zeirah bro!" Sabi saakin ni Francis

" Is it because of Jana?" Tanong ni Jerome.

Di ako sumagot " So siya nga! Akala ko ba move on na bro?" tanong saakin ni Francis. Oo alam nila ang tungkol kay Jana.

Di ako sumagot kasi sa totoo lang di ko talaga alam. I'm so damn confused.

" I need to unwind guys gusto ko munang mapag isa. Alis muna ako!" Paalam ko sa kanila. They didn't answer kaya umalis nalang ako.

Habang naglalakad ako papunta sa tabing dagat nakita ko si Zeirah na naka upo sa buhangin. Teka umiiyak ba siya? As much as I wanted to comfort her I can't. Diba nga galit siya saakin. I should give her space. Nakita ko naman ang pagdating nila Dawn at Danes at cinomfort siya.
Nanatili ako dito sa kinatatayu an ko. Medyo malayo naman ako sa kanila.

Maya maya pa habang abala sila Danes sa pag comfort kay Zeirah may lalaking lumapit sa kanya.

" Hubby?" Rinig kong sabi ni Zeirah ng makita niya yung lalaki. Boyfriend niya ba yun?

Masakit isipin na may nasaktan akong babae pero kasi kinakailangan eh. At mas masakit isipin na ibang lalaki na ang nag cocomfort sa kanya na dapat sana ay ako.

Nakita ko yung pag yakap at paghalik ng lalaki sa noo no Zei. Nakita kong ngumiti si Zeirah at niyakap niya yung lalaki. Yumuko ako at tumalikod na. Pero nandito pala sa likuran ko sina Francis. Nakita rin nila siguro yung nakita ko.

" Siguro naman bro, ramdam mo na yung sakit na nararamdaman ni Zeirah ngayon!" Sabi ni Kyle sabay tapik sa balikat ko.

I sighed tsaka umalis na sa harapan nila. Damn bakit ganito? Bakit nasasaktan ako.

I think I'm jealous.



" Why are you crying my love?" Napatingin kaming tatlo nang biglang may nagsalita sa harapan namin.

" Javiey?" Gulat na sabi ko. Why is he here? Nakakainis to di man lang nagpasabi.

He just smiled. Lumapit siya saakin at agad akong niyakap tsaka hinalikan sa noo. That's why mahal na mahal ko to dahil alam niya kung ano ang nararamdaman ko kahit na di ko sabihin. Plus. I just missed him so damn much.

" Okay ka lang ba love?" Sabi niya while caressing my back.

I nodded " Okay na ako kasi nandito ka na " sabi ko sa kanya at nginiti an siya.

" Hoy kayong dalawa! Anong ginawa niyo kay Mishipot ko? Bakit siya umiiyak?" Hinarap niya sina Dawn at Danes tsaka ako inakbayan. Loko talaga at tinakot niya pa yung dalawa.

" Hoy kuya wag ka nga! Tinatakot mo naman sila eh!" Hinampas ko siya. Yep guys. He's my kuya.

Klint Jarvie Dillera. Diba sinabi ko na sa inyo before na may kuya ako at nasa ibang bansa siya? Well ang loko di nagpasabi na dadating pala. Nakakainis super hilig niya kasing mangsurprise.

Pero kahit ganon iyon I love him so much. Super sweet niya tapos tinuturing niya akong little princess niya kaya spoiled ako pagdating kay kuya. May nalalaman pa siyang my love saakin noh? Pero yun na talaga yung tawag niya sakin since maliliit pa kami. And I get used to that. Well wala na akong balak ikwento sa inyo si kuya baka ma inlove kayo :D. Basta nasa states siya ngayon it's because dun siya nag aral at ngayon may work na siya. And tatanungin niyo ba kung single siya? Oo noon ewan ko na ngayon.


Buti nalang talaga at nandito si kuya. Somehow nabawasan yung lungkot ko. He's my savior talaga. 

My On-Cam Girlfriend // Darren Espanto • Fanfiction //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon