Mono
"I think, therefore I am."
-Rene Descartes
"No!! Hindi yan totoo. Nagsisinungaling lang ang mga doctor for telling us my brother is dead. Hindi yan totoo!" I shouted while my eyes keeps on producing tears.
"Mono please.. Please behave." Si mommy ay nakikiusap sa akin pero paano akong hindi magkakaganito when you just got to heard that your only brother died because of a gang fight.
"Mom, bakit nila nagawa yun? Mabait naman si Kuya Bino." Habang nakayakap ako kay mommy at patuloy pa rin sa pag-iyak. At di matanggap ang nangyari.
Bagong dating lang ako sa bahay galing sa school na pinapasukan ko nang may biglang may tumawag sa bahay saying that kuya Bino is in the hospital and got a serious injury in his body. Nung nakapunta na kami sa Hudsoon Medical Hospital ay nalaman na lang namin na ipinasok na si Kuya sa Emergency Room dahil nagkaroon ng komplikasyon.
Ngunit hindi nagtagal ay bigla na lang idinaklara ng doctor na tumingin sa kanya na patay na si Kuya at hindi na kaya ng facilities nila na iligtas ang buhay nya. Nagkaroon ng malaking blood cut sa mga nerves sa may kaliwang utak kaya hindi na masusuplayan ng oxygen ang parting iyon causing more complications and his body is too weak for those injuries he got.
Hindi rin makapaniwala sina mommy at daddy sa nalaman. Kuya secretly joined a certain gang at kaninang tanghali ay nagkaroon sila ng gang fight at kinalaban ang isa pang gang sa kabilang school na hindi nila alam na mas malakas at malalaki pa sa kanila. Hindi rin nila alam that their enemy used weapons na ginamit nila para patumbahin ng madalian ang grupo ng kuya ko. Too bad dahil si kuya ang napuruhan ng husto.
Nasa may morgue kami ng hospital ng may mga kasing edad ni kuya ang dumating. Mga lima sila. Mom just look at them with angry and frustrated look.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi sila harapin. "At may lakas pa kayong magpakita dito sa amin, ngayong PATAY na si Kuya Bino? Oh ano, masaya na kayo? How I wish kayo na lang sana ang namatay at hindi ang kuya ko!" Sigaw ko sa kanila.
Mommy just took me and hug. "Mono please."
Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko at tiningnan sila isa-isa. "Kayo ang dahilan kaya nawalan ako ng kuya! Kung hindi nyo sya pinasali sa gang nyo eh di sana buhay pa sya! Get out! Hindi namin kailangan ang pagmumukha nyo! It's all your fault!" Sigaw ko sa kanila.
"Please, not now. Go guys, huwag namuna kayong magpapakita." Sabi in mommy sa limang lalaki na madalang ko lang makita dahil hindi gusto ni daddy na magkaroon ng barkada si Kuya Bino.
"Mommy, simula ngayon ayaw ko na ng mga kaibigan. They just bring problems at baka matulad ako ni kuya." I made a vow.
Tumingin naman si mommy sa akin. "Mono, hindi lahat ng mga kaibigan katulad ng mga kaibigan ng kuya mo. Yun nga lang nakapili ang kuya Bino mo ng mga kaaway na hindi naman talaga nya kaaway. Napasali lang sya sa gulo."
Umiling naman ako. "Dahil sa mga kaibigan nya kaya pumasok sya sa gang mommy. And their enemies killed him. Kung sana nalaman ko lang na sumali sya, sana napigilan ko si Kuya. At sana may kuya pa ako hanggang ngayon."
BINABASA MO ANG
The MACHINES (Identity Provers Book 1)
Teen Fiction....They are supposed to be simple individuals but a day came and everything has change.... The First Book (Mono's Story - The 'M' Of The Group) Identity Provers Author's note: All the names, characters, and places written in this story were not tru...