Chapter 7 (The Story)

3 1 0
                                    

Poly

'The mathematical sciences particularly exhibit order, symmetry, and limitations; and these are the greatest forms of the beautiful.'
-Aristotle

..."So, you're saying na naging bad influence kami sa Kuya mo? Na dahil sa amin kaya sya pumasok noon sa isang gang at dahil rin sa amin o sa akin kaya nawalan ka ng isang kapatid?" Hindi ko naman mapigilang bigyan ng sarcasm ang tinig ko.
Bigla namang napalaki ang kanyang mga mata sa narinig mula sa akin. She didn't expect it.
Nung una ko pa lang syang makita sa canteen ay napansin ko na, na may pagkahawig sila in Bino-ang kapatid nya.
At nung sabihin na nya ang tunay nyang pangalan pati na rin ang sinabi nyang nakaraan ay doon ko na napagtantong magkapatid pala sila ni Bino. Ang batang babaeng nagpaalis sa amin nung nasa morgue kami ng hospital.
Unti-unti namang may pumatak na luha sa kanyang mga mata. At inilayo ang sarili sa akin papunta sa kabilang bahagi ng living room giving a distance between me and herself.

"Hindi lang ikaw ang nawalan ng kapamilya Mono. Pati rin sa akin, sa amin. Ako dapat ang mawala, ako dapat ang pinagluksa at hindi sya. At tulad mo pinahalagahan rin namin ang Kuya mo. Anim kaming magkakaibigan noon na parang magkakapatid na ang turingan, kung may problema ang isa ay tinutulungan ng lahat. Walang iwanan... pero hindi pala sa lahat ng pagkakataon, dahil... dahil una syang bumitaw." Bumuntong-hininga na lang ako sabay sandal ng ulo sa sandalan ng upuan saka ipinikit ang mga mata. At inalala ang nakaraan.
"Sya ang gang leader noon, ako naman ang tumayong kahalili nya. Pero hindi namin inaasahan na may masasagupa pala kaming ibang gang. Ni wala kaming kalaban-laban noon. Wala kaming kasamang iba kundi kami lang anim noon na parehong walang dalang pananggalang, hindi namin akalain na mangyayari yun, samantalang marami sila at may iba't-ibang uri ng fighting gear. At ang pumatay sa kapatid mo ay... ay ang chained ball na ginamit ng isa sa aming kalaban. Tinamaan ang Kuya mo sa kaliwang bahagi ng ulo nya na nagsanhi ng matinding injury--."
"Stop! Please Poly, ayaw ko nang marinig!" Sigaw nya.
Nagmulat naman ako ng mga mata na hindi ininda ang sugat sa tagiliran at braso ko dahil ngayong nakikita ko si Mono na naghihirap. She's now in her miserable position, sitting on the floor, hands in hear ears and crying hard.
Napatayo naman ako at nilapitan sya kahit iika-ika pa ang galaw ko. I can't even stop myself na yakapin sya at aluin.
Ni isa sa amin ang walang nagsalita at tanging ang iyak nya ang maririnig sa buong silid.
Hindi ko rin alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon pero I'm glad this lady belong to my arms this time.

Unang tingin ko pa lang sa kanya ay gusto ko na syang yakapin at sabihin na huwag syang mag-alala dahil nandito lang ako sa tabi nya. She's so fragile na kung di iingatan, ano mang sandali ay mababasag.
Naramdaman ko namang huminahon na sya. "I'm sorry." Dalawang salitang tanging nasambit.
Napaayos ako sa pagkakaupo at inayos rin ang pagkakahilig nya sa dibdib ko.
Medyo nabigla pa sya nung una pero agad naman syang nakabawi at di na umimik.
"Kung may nagawa lang tayo. Words that keeps on coming from our mouth. Hush Mono! Pero kahit ano pang gawin natin, di na natin yun mababalik at tanging magagawa lang natin ay tanggapin iyon. Alam kong masaya na si Bino sa kinalalagyan nya at sana tayo rin na iniwan nya."
Humiwalay naman sya sa akin saka tumitig. May mga luha pa ring naiwan sa kanyang pisngi at may mga buhok na nabasa na rin dahil sa pag-iyak at tumatabon sa kanyang magandang mukha.
Inihilamos naman ang kanyang dalawang kamay upang ayusin ang itsura. "Salamat." Sabay ngiti sa akin.
Ngiting hindi naman umabot sa mga mata at naroroon pa rin ang lungkot.

"Salamat? Para saan?"
"Simula nong mawala ang Kuya Bino, pagkatapos noon ay di ko na magawang umiyak ng ganoon. Pinipilit kong ilabas pero di ko magawa. And that caused so much pain to me. Thank you dahil sayo nailabas ko na." Napabuntong-hininga naman sya. "I'm glad we met Poly."
Ngumiti lang ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya gamit ang isang kamay. "Me too. Please huwag ka nang malungkot. Kung kailangan mo nang tulong nandito lang ako."
"Ang sweet nun pare!" Naglitawan naman ang apat kong mga kaibigan. "Hi sweetie! Ano na naman bang pinagsasabi ng lalaking toh sa iyo para madala ka dito sa frat house?" Si Zero.
Mono just roll her eyes sabay sabing: "I'm not puppy kaya huwag mo akong tawaging sweetie."
"Ay sorry." Sabay peace sign.
Tumayo naman si Mono. Kaya napasunod na rin ako pero dahil sa bigla kong paggalaw kaya biglang kumirot ang tagiliran ko na di ko na naalala na may sugat pala. Napakurap naman ako dahil sa sakit.
"Poly okay ka lang ba?" Pag-alalang tanong ni Mono habang inalalayan akong tumayo. Mukhang nakita nya ang biglang pag-iba ng mukha ko.
"Okay lang---."
"Uy bakit may sugat ka Poly at yang blouse mo miss bakit may dugo?" Tanong naman ni Two.
"May nakaaway kasi sya kanina sa may likuran ng old building at may dalang hunting knife kaya yan may sugat sya. And pwede bang gamutin nyo muna sya bago lumala pa." Sabi naman ni Mono sa kanila.
"Don't worry Mono, kunting galos lang toh at saka malayo sa bituka."
"Poly, that's not the point. Kung ngayon hindi ka napuruhan baka sa susunod ay buhay mo na ang kapalit." Si Zeke naman na seryoso ang mukha.
Tiningnan ko naman si Zeke and give him a please-not-now look.
Mukha namang nakaintindi sya kaya hindi na muna nya ako kinulit knowing na may babae sa paligid.

"Poly, okay na ako. I can handle myself, at may dala akong sasakyan kaya kaya ko ng umuwi mag-isa."
"Zeke, here's the key. Ikaw na munang magmaneho ng sasakyan ko then after we drop to Mono's house ihatid mo na rin ako sa amin. Doon ka na rin matulog sa amin." Hindi ko na pinansin ang pagprotesta ni Mono. I can't leave her alone, lalo na at kani-kanina lang ay nasagupa namin si Obtuse.
"Paano naman kami?" Sabay-sabay pang sabi ng triplet.
Napalingon naman ako sa kanila. "You can follow if you want."
"Ayos! Game kami dyan."

I let Mono drove her car. "Poly, as I said a while ago kaya ko na ang sarili ko. Baka mabinat ka pa dyan, kagagamut pa lang ng sugat mo." She said while we're on our way.
"Just drive Mono. Let's not talk about that." I just simply drop the topic.
Naiinis na ibinalik nya ang kanyang konsentrasyon sa daan.
Habang nasa daan kami, di ko mapigilan ang sarili kong tingnan sya at titigan.
"Pag di mo ako tantanan sa kakatitig baka di tayo makakarating sa bahay namin."
Napataas naman ang isang kilay ko. "Why?"
She just roll her eyes. "Nothing."
I just pinch her nose while grining. "Well sorry I can't help it. Your beauty seems so catchy in my eyes."
"Mister Poly, don't be so corny. Hindi bagay sayo."
"Yeah, dahil sayo lang ako bagay." Mahina kong sagot.
"Ano? Anong sabi mo? Ulitin mo yun!" Giit nya.
Ngumiti lang ako at ibinalik ang tingin sa daan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The MACHINES (Identity Provers Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon