Mono
'Imagination is more important than knowledge. Knowledge is limited; imagination encircles the world.'
-Albert Einstein"...I said don't follow me! Ano ba!" Sigaw ko sa kanya nang nalingunan ko syang sumusunod pa rin sa akin.
"Excuse me Mono, hindi ako sumusunod sa iyo. Eh, saan mo pala ako padadaanin?" Sagot naman nya habang nakasunod sa akin.
I roll my eyes in frustration. "Ewan ko sayo!" At pumasok na ako sa classroom para sa first period.
Pero napatigil ako nang mapansin na pumasok rin sya sa silid na pinasukan ko. "Ellipsoid Jhon Ericson! What do you think you're doing?" Galit kong tanong sa kanya.
"Absent ako kahapon sa klase ko kaya papasok na ako ngayon. Hindi ko alam na bawal na pala ngayon ang pumasok."
Napalaki naman ang mga mata ko ng marealize ang lahat.
"Magkaklase tayo? Magkacourse tayo?" Tanong ko sa kanya na obvious naman masyado ang sagot.
"Siguro. Ito yung room na nakalagay sa schedule ko, so possibly na magkaklase at magkacourse tayo kung dito rin ang klase mo." Patay-malisya nyang sabi.
Tumalikod naman ako sa kanya at pumunta sa seat ko. Expect for trouble Mono Maxine Bulk!Nung lunch break na ay agad akong pumunta sa canteen para kumain. "Mono! Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Ellipsoid sa akin nung palabas na sana ako.
"Kakain sa canteen." Tipid kong sagot.
"Ang aga pa kaya. Maya ka na kumain sabay na lang tayo, may mga friends na ako dito baka gusto mong magjoin sa amin."
"Thank you na lang pero ayaw ko. And you know naman kung bakit. Sige alis na ako. See you!" Sabay alis doon.
Pagdating sa canteen ay may kaunting mga estudyanting makikita. Hindi na kataka-taka yun dahil maaga pa para kumain ng lunch.
Pumunta naman ako sa counter para mamili ng foods. I'm about to choose my orders pero may biglang sumingit sa linya kaya imbes na ako na yung susunod ay yung sumingit na ang pumipili. Hindi na lang ako umimik."Miss, pagpasensyahan mo na si Two wala kasing patient yan pagdating sa pila." Sabi nung isang lalaki na nasa likod ko, sabay turo nung lalaking sumingit. Baka kaibigan nung sumingit.
"Okay lang." Sagot ko sa kanya na hindi lumilingon.Pagkatapos mamili ng pagkain ay tinungo ko yung isang table na malapit sa bintana at hindi masyadong nadadaanan ng mga tao. Not knowing pwesto pala iyon ng isang grupo ng mga lalaki. Napangiwi na lang ako nang sa table ko talaga sila papunta.
"Miss sorry to tell you pero pwesto namin yang ini-occupy mo."
Sabi ko na nga eh. "Ay ganun ba, sorry." Sabay tayo at kuha ng mga gamit at pagkain ko.
"No, stay there. Kami na lang ang lilipat." Sabi nung isang lalaki na pamilyar ang boses.
"What?!" Chorus nung tatlo na mukhang magkakapatid.
"Be gentlemen guys. Atsaka ang dami pang vacant seat dyan uh. Huwag maging madamot." Sabi naman nung isa na medyo naiinis sa tatlong kasama.
"Sige lilipat na ako. Huwag na kayong mag-away." At lumipat na nga ako ng table.Hindi naman T ang middle initial ko ah. Bakit ang daming TROUBLE na nangyayari sa akin ngayon?
Susubo na sana ako ng pagkain ng may biglang lumitaw sa harap ko. Yung lalaki kanina na nagpaumanhin sa akin sa ginawa ng kaibigan nya.
Hindi naman sya umimik at katulad ko ay nagsimula na syang kumain.
"Oh bat ka tumigil sa pagkain dyan?" Tanong nya nung napansing nakatitig lang ako sa kanya.
Dahil hindi ako sanay na may kasalo! Gusto ko sanang isigaw sa kanya pero pinigil ko lang ang sarili ko.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya at pinilit ang sariling huwag makadama ng takot.
Kung sa mukha lang naman pagbabasehan ay walang sinuman ang matatakot. In fact siguro magka-crush sa kanya pwede pa. Yung mukha nya parang ginawan muna ng draft bago ginawa. Perfect shape of his nose, his blue eyes that could capture every girls in the street and his blond hair that falls perfectly.
Bumaba naman ako ng tingin at nilaru-laro ang pagkain. Wala na ata akong ganang kumain.
"Gusto ko lang humingi sa iyo ng tawad para sa kaibigan kong yun. Ganoon lang talaga yun kapag wala sa mood."
Tumango lang ako at saka tiningnan sya. "Yun lang ba? Kung yun lang, pwede umalis ka na. Hindi kasi ako sanay na may ibang tao sa harap ko or even anyone near at me. Please." Paliwanag at pagkukumbinsi ko sa kanya.
Ngumiti naman sya sa akin. "May phobia ka ba sa mga tao?"
Napakurap naman ako sa tanong nya. Napansin kaya nya ang uneasyness kong mga galaw? Hindi ako makasagot sa kanya.
"Don't worry hindi kita sasaktan. Trust me." At ngumiti ulit sya sa akin.
Nabigla naman ako sa sinabi nya at napatingin sa kanya. He remained his smile.
Napailing na lang ako. "I mustn't talk to strangers. Please just leave me here."Mukha namang nakaintindi sya sa pakiusap ko at bumalik sa kanyang mga kaibigan.
Ibinalik ko na lang rin ang pansin ko sa pagkain trying to control myself from the event took a few minutes ago.Then after I eat my foods all ay naglakad-lakad ako sa campus. Trying to descover some place na pwede kong gawing tambayan.
Not knowing na makikita ko na naman si old man.
"Oh, it's you again Mono. Naligaw ka ata dito." Sabay lagay ng book na kanina ay binabasa nya.
"Did I disturb you old man?" Bago ko pa napigilan ang sarili kong tawagin sya ng palayaw na ako ang gumawa.
Ngumiti naman sya sa akin. "No, katulad mo rin ako na naghahanap ng pwedeng pagkakaabalahan."
Tumingin ako sa buong silid saka kusang pumasok dito. "Is this your work place? Ano ka ba dito sa University?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.
The room filled many equipments, measuring tools, laboratory chemicals and those things you could find inside a science lab.
"Yes Mono this is the place, I spent my whole day and I am the Researcher in this School." Paliwanag nya. "Halika, may ipapakita ako sa iyo."
Then he took one of those piled books on his shelves then bring it to one of his clean tables near to the window. I just follow him and carefully walking para hindi ko masayad ang mga gamit nya. May mga nagkalat kasing mga gamit and some of these were for sure chemicals that are harmful to humans.
"Ano po yang ipapakita nyo sa akin?"
"So eager huh? Look at this."
Napataas naman ang isang kilay ko. "It's a simple triangle. Ano pong kakaiba dyan?"
Tumawa naman sya ng mahina. "It isn't a simple triangle Mono--."
"It's a right triangle. These are the two sides and this is the hypotenuse side of it." I interrupted him and name its parts while pointing the triangle that is made of metal and it has a base that purposely made to stand the triangle. It has a length of about a ruler probably.
"Yeah, you're right."
"You know Mono, because of the discovery of the field of trigonometry it helps people to measure the angles and distances of a certain object." He pauses and faced me. "Trigonometry is an essential tool in the fields of Engineering and Physical Sciences. It study navigation and surveying. Navigation of ships and airplanes, in the direction of artillery fire on land and on sea, in the theory of bombing from airplanes, and in other parts of the theoretical instruction which is essential in the training of officers and enlisted specialists in certain branches of the Army and Navy are just few application of trigonometry." After he said these I continued staring the triangle.
"A right triangle has six parts, three angles and three sides, of which one angle is 90 degrees. By means of trigonometry, if two sides, or an acute angle and a side, of a right triangle are given we can compute its unknown parts; this computation is called the solution of the triangle." Mr. Pytha said nang ibinalik nya ang tingin sa triangle na nakadisplay. "I supposed your teacher taught this already."
Tumango naman ako.After that he continue working samantalang ako ay panay sa pagtanaw ng mga bagay-bagay. Even scanning some of the books he lend me.
Dahil sa pagkaaliw ko ay di ko namalayan ang oras.
"Mukhang kailangan mo nang bumalik sa klase mo. It's almost time Mono for your next subject."
"Oo nga pala, bigla ko na lang nakalimutan na may pasok pa pala ako. Pasensya na Mr. Phytha." Hindi ko alam pero I find this place pleasing to myself.Napatawa naman sya. "Pansin ko nga."
Nagmadaling tinungo ko ang pintuan at bago ako lumabas ay binalikan ko ng tingin si Mr. Pytha. "Hey Old Man." Tawag ko sa kanya at ngumiti nang tumingin sya sa akin. "Pwede po ba akong bumalik dito?"
"Any time Mono and it's my pleasure."
"Thank you po." At tuluyang umalis sa Research Area.
BINABASA MO ANG
The MACHINES (Identity Provers Book 1)
Teen Fiction....They are supposed to be simple individuals but a day came and everything has change.... The First Book (Mono's Story - The 'M' Of The Group) Identity Provers Author's note: All the names, characters, and places written in this story were not tru...