Strawberry Milk Tea

10 0 0
                                    

"Baby, order mo 'ko ng Strawberry Fruit Tea, tall."

Dumating 'yung order namin at nakita ko na iba ang kulay ng Fruit Tea ko. Napasimangot ako.

"Bakit?" Tanong niya nang makita na hindi ko pa rin ginagalaw ang drink ko.

"Iba kasi 'yung kulay e. Hindi naman kasi ganito 'yung fruit tea na inoorder ko." Paliwanag ko.

"Tikman mo muna, baka magustuhan mo rin."

Habang umiinom ako ay hinahanap ko 'yung lasa na nakasanayan ko. Minsan nakukuha, madalas hindi. Habang umiinom ako ay nag-uusap kami, nagkasundo sa isang bagay na dapat. Hinawakan ko ang kamay niya, pinaglapat ang mga daliri namin. Binulong ko kung gaano ko siya kamahal. Tinugon naman niya ako ng "mahal din kita". Masaya ako ng mga sandaling iyon.

Naubos ko ang Strawberry Milk Tea sa tulong din niya. Okay naman ang lasa pero ayoko kasi ng okay lang.

Nagpasya na kami na umalis na kasi pagabi na rin. Nagpaalam na siya at nagpaalam na ako. Naghiwalay kami nang may napagkasunduang isang bagay na dapat.

Pagkasakay ko ng jeep ay saka ko inamin sa sarili ko na okay kami pero mas gusto ko at hindi mababago na Strawberry Fruit Tea ang gusto ko at ayoko ng okay lang.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon