Climate Change

2 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyari sa atin. Noong una ay halos hindi natin makayang maghiwalay pero bakit ngayon?


Nagsawa ka na ba?

Nawala na ba 'yung sparks?

Nawala na ba 'yung attraction?

Ano na nga ba ako sa'yo? Wala na nga ata.

Lagi naman ganito, sanay na ako. Understatement na nga ang pagiging sanay ko.

Sanay na akong iwan, sanay na akong pagsawaan. Kaya siguro ikaw na lang uli ang minahal ko.
Mahal na kita e. Hindi na ito gusto.

Bakit kasi pareho tayo? Sana pareho na lang din tayo na wala lang 'yung nararamdaman, na kayang ibalewala 'yung isa't isa.

Mahal kita pero mas mahal ko pa rin ang sarili ko. At dahil sa pagmamahal ko sarili ko, mas pipiliin ko ang taong mahal din ako.

Kung tayo ang para sa isa't isa, dumaan man ang maraming panahon ay ganun pa rin ang nararamdaman natin. Kaso malabo kasi sa'kin 'yun e. Dahil ang nararamdaman ko ay para ding panahon, pabago bago.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon