Chapter 5: The Meeting

144 2 0
                                    

Authors POV:

Hello guys masaya po ako kasi nagkaroon ng ganap ang isa sa ship ko ang marnigo kasi nagkasama po sila recently sa isang event for cebu pop concert at once in a blue moon lang po yun hahaha. Kaya ilalayag ko in this chapter ang marnigo hehe.

Anyway kahit nabigo ako sa Marsquared dahil hindi pumunta si Marco para sa mall show ng Ningning sa star mall alabangwok lang dahil bawing bawi ako kina inigo at maris. Magkasunod po kasi ang event nila.

Kaya po pasensya na at ngayun lang ulit ginanahan magsulat. kaya sana suggest kayo kung sino ang magiging partner ni maris in my story, wala pa kasi ako napupusuan hehe kaya sana help nyo ako.

************************

Maris POV:

Ang aga ko nagising kinabukasan. Maaga din kasi ako nakatulog kagabi. sobrang napagud talaga ako sa kakalakad kahapon.

Bumangon ako at nag ayos ng sarili. Pagkatapos bumaba na ako. Nakita kong nakahanda na ang almusal. Tiningnan ko ang orasan mag aalas syete pa lang ng umaga. Masyado pa ngang maaga kadalasan ng gising ko ay alas diyes ng umaga.

Sinabayan na ako ng mga kasama ko kumain. Pagkatapos kong kumain nagpaalam akong mag bibisikleta lamang at mag ikot ikot sa clubhouse. isasama ko sana si Loisa pero madami syang ginagawa. Kaya mag isa akong lumabas ng bahay papuntang clubhouse. Naka jogging pants at sleeveless shirt ang suot ko with matching baseball cap, paborito ko kasi ito with sneakers.

Inigo POV:

Nakapag bihis na ako. Pag ganitong sabado naglalaan kami ng oras para maglaro ng basketball sa clubhouse.

Jigs bilisan mo na.mag aalas otso na kanina pa sila naghihintay sa clubhouse.

Oo ayan na... tara na. Yaya nya agad.

Pareho na nilang sinakyan ang kani kanilang bisiklita at nagmamadaling pinaandar ito.

Kumpleto na nga ang mga kaibigan namin. Pagkatapos maipwesto ang bisikleta agad nakaming lumapit sa kanila. Agad naming inumpisahan ang paglalaro.

Magkaibang team kami ni diego. Kaya magkalaban kami. Nakakatuwa lang dahil may mga kanya kanya kaming mga cheerers mga regular supporters na namin sila bukod sa kilala nga kaming miyembro ng blakinwhite band. Ang maganda lang dito sa village namin walang nakakapasok na mga intruders kaya kampante kaming naglalaro ng basketball dito.

Ganado ako sa paglalaro. Halos kasi ng bato ko sa bola pumapasok. Nakikita ko namang naasar si diego. Lalo tuloy syang minamalas hehe.

Hanggang matapos ang laro kami ang panalo. Masaya ako dahil kami ulit ang panalo.

Nagpaalam akong pupunta muna ng toilet. Pagliko ko papuntang banyo may nakabanggaan ako. Natumba sya at narinig kong napasigaw sya sa sakit. Nabigla naman ako at agad ko syang tinulungan para tumayo.

Miss pasensya na. Hindi kasi kita nakita agad.

Aba mister aminado akong maliit ako pero hindi pwedeng hindi mo ako makita. Grabe ka. Ooouch ang sakit ng balakang ko. Napangiwi ako, ang sakit kasi ng bandang pwetan ko, napalakas kasi ang pagbagsak ko.

Sorry na miss hindi ko sinasadya. Halika tulungan na kita at maupo muna tayo dun. Tinuro ko yung bench na upuan malapit lamang sa amin.

Tinanggap naman nya ang tulong ko. Inalalayan ko syang makalakad papunta sa bench.

Salamat narinig kong sabi nya.

Ok ka lang talaga? Tanong ko sa kanya

Oo ok lang ako. O sige na makaalis ka na pwede mo na akong iwan.

Ah miss pasensya na talaga. Baka gusto mong ihatid nalang kita sa inyo, para man lang makabawi ako. Nahihiya kong sabi sa kanya.

Tinanggal nya ang kanyang baseball cap at tumingin sya sa akin. Napatulala ako, ang ganda nya. Hindi na ok lang talaga ako. salamat nalang. Narinig kong sabi nya. Inayos nya sandali ang buhok nya saka nilagay ulit ang cap. O sige mauna na ako. Pagkatapos umalis na sya. Hahabulin ko pa sana sya para alamin pangalan nya kaso biglang dumating ang asungot kong kakambal.

Andito ka lang pala. Akala ko nalunod ka na sa ihi mo eh,hindi ka na kasi bumalik. Pangaasar ni diego.

Sira. Makapag banyo na nga muna.

Hala hindi ka pa ba nkapagbanyo nyan? kanina kapa dito ah anong ginawa mo?

Hindi ko na sya pinansin at dire diretso na ako sa banyo. Nanghihinayang talaga ako at hindi ko nakilala ang babaeng yun.

Maris POV:

Pagkauwi ko ng bahay agad akong nagpahinga ulit. Medyo nawala na yung sakit ng puwit ko. Haayst hindi ko magawang magtaray dun sa lalaking nakabangga sa akin kasi kasalanan ko rin naman hindi talaga ako tumitingin sa dinadaanan ko. Nagbabasa kasi habang naglalakad hayst.

Naalala ko darating pala si ate agnes ang private secretary ni dad bago mag lunch. Kasi kailangan ko alamin ang ibang detalye tungkol sa business partners ni dad. May dinner date kasi kami mamayang gabi. Para hindi naman ako maging tanga pag kausap ko sila.

Kaya dumiretso na lang ako ng banyo para maligo.

Wala pang alas dose dumating na si ate agnes. Minsan ko pa lang nakita si ate agnes nung sinama sya minsan ni dad sa states para sa isang malaking project ng SMC. Unang kita ko pa lang dito nagustuhan ko na sya, mukhang mabait kasi at laging nakangiti.

Marami din akong magagandang nalaman tungkol sa pamilya ng Monteclaro at Collantes ang mga business partner ni daddy. Napag alaman kong mga business tycon din pala ang mga ito. Isa sa mga milyonaryo ng pilipinas. At niririspito ang pamilya nila.

Marami pa kaming napag usapan ni ate agnes. Pati buhay nya napag usapan na rin namin. Bata pa si ate agnes, 35 palang sya. At may sampung taon na rin syang nagtatrabaho kay daddy. May asawa at isang 8yrs old na anak na babae.

Hindi namin namalayan ang oras mag aalas syete na pala. 7:30 ang oras ng dinner date kaya nagpaalam ako sandali kay ate agnes para magbihis. After 20 minutes papunta na kmi sa kabilang bahay.

Tita Tessa POV:

Nakahanda na ang lahat. Pati ang mga Collantes maaga dumating. Kaya nakapag kwentuhan pa kami. Matagal na naming family friend ang mga Collantes.

10 minutes bago mag 7:30 may nag door bell. Excited na akong makilala sya ng aming pamilya. Ewan ko ba parang may feeling akong may magandang mangyayari sa gabing ito.

Ako na mismo ang nagbukas ng pintuan. Pagkakita ko sa kanya agad ko siyang bineso. Pati na rin si agnes. Syempre kilala namin sya matagal na syang secretarya ni Ricardo Sandoval. Napahanga ulit ako sa batang ito. Napakasimple lamang ng suot nya pero ang ganda nya, para syang dyosa sa paningin ko. Dinala ko sya sa living room kung saan naghihintay ang lahat. Isa isa ko sya pinakilala.

Inigo POV:

Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa gaganaping dinner date ng pamilya namin para makilala ang anak at akting CEO ng SMC Group of Companies.

Mas lalo ako kinabahan nung nakita kong kasama na sya ni mommy. At parang namumukhaan ko sya pero hindi ko lang sigurado kung sya nga yun. Hanggang sa ako na ang pinakilala.

Hi. Im maris. Hmm diba ikaw yung nakabanggaan ko kanina?


The Story Of My Life: Maristella's Diary (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon