Chapter 9: TSMOL: The Wedding

118 5 0
                                    


Dear diary,

Last night is awesome. Daming nangyari na hindi ko aakalain. Habang tumatagal i discovered something...

---------------------------------------

Nasa rehearsal ang blakinwhite. Nagpapraktis sila ng kakantahin for the wedding tomorrow.

While The 3 girls Sophia, loisa and Maris are just watching the boys rehearsing. 3 songs lang naman ang kakantahin ng banda para sa garden wedding ng pinsan ni inigo na si Mccoy!

Napagdisisyunan kasi na simple lang ang gagawing kasal ayun raw sa kagustuhan ng babaeng mapapangasawa ni Mccoy.

Nahihiwagaan si Maris kung sino yung girl kasi hanggang ngayun hindi pa pinapakilala sa kanila at bukas ay kasal na. Kahit ang bff nyang si inigo hindi binabanggit ang babae. Isa pang pinagtataka nila hindi nila nakikita si Mccoy after ng piyesta 2days ago. Inisip na lang nila baka abala din to sa ibang preperasyun ng kasal

Loisa, sofia tara magikot muna tayo dun sa may garden. Baka may maitulong tayo sa mga nag aayus dun. Napakaboring na dito lang tayo nakaupo at walang ginagawa! Yaya ni maris sa dalawa. Kahit alam naman nyang hindi sasama yung dalawa dahil tamad ang mga ito maglakad lakad sinubukan nya lang yayain baka sumama. Pero as expected tinanggihan nga sya ng dalawa.

Kaya nagpaalam na lang sya sa dalawa at agad nyang tinungo ang garden. Nung nakarating sya dun, namangha sya sa nakita. Ang ganda ng pagkakaayus. May arko nakalagay na may nakasulat na happy wedding Marc Carlos and Ghia napapalibutan pa ito ng mga puting rosas at hinaluan din ng ibat ibang klase ng bulaklak.

So ghia pala yung name ng girl. Hmmm maganda siguro yun kasi gwapo si mccoy. Nasa ganun syang pag iisip ng may kumalabit sa kanya. At napasigaw sya dahil sa gulat. Ay dyos na mahabagin... naisigaw nalang nya dahil sa gulat. Narinig nalang nya na may tumatawa sa tabi nya, ito yung nanggulat sa kanya.

Hoy bakit ka ba nanggugulat at saka ako ba pinagtatawanan mo? Kainis ka ha. Sabi nya sa lalaking tumatawa padin.

Pinagmasdan nya nalang ito habang tumatawa. Nakita nyang halos nawala na ang mata nito sa kakatawa. Nung naramdaman nitong nakakatitig na lang sya dito, huminto ito at biglang parang nahiya sa inasta nito.

Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilang tumawa. Ang cute mo kasing magulat. Napatalon lang naman ako ng bigla nya ako ginulat. Akala ko naman kasi kung ano dumapo sa balat ko. May phobia lang naman ako sa mga insektong gumagapang. Tinaasan ko na lang sya ng isang kilay ko. At sabay sabing, hindi ka nakakatuwa alam mo ba yun?

Sorry na nga miss. promise hindi na mauulit. Isa ka ba sa mga organizer ng wedding? Hmm sya nga pala im manolo. Sabay abot ng kamay nito kay maris. Inabot naman ito ng dalaga. Im maris. Hindi ako kasama sa organizer. Habang tinitingnan nya ang lalaki parang may hawig ito na kilala nya. Hindi nya lang mapagsino.

Ganun ba? So are you a friend ng ikakasal? Si ghia or kuya mccoy?

Nope.wala isa sa kanila. Bakasyunista lang ako dito.

Ah so isa ka dun sa mga kasama ng kambal?  Tumango na lang si maris bilang sagut.

Nameet ko na sila kanina bago ako pumunta dito. Kaya pala sabi nila tatlong girl daw eh wala ka kasi dun. Andito ka pala.

Naboring kasi ako dun. Walang ginagawa. Eh ikaw wedding organizer ka ba kaya ka andito?

Nope, brother ko yung ikakasal. Bali tiningnan ko lang yung place kung ok. And i think its perfect.

Then thats it, kaya pala may kamukha sya. Yun pala si mccoy. Pareho silang tsinito. Ang ganda ng eyes nila. Parang laging nakangiti. Yun nga lang matangkad ito sa kanya.

Baby bro ka ni mccoy?

Yap.

Pagkatapos nun naging magaan na paguusap namin. Ok din naman pala syang kausap. Madaldal at napaka jolly. Parang hindi maubusan ng jokes. Na parang kabaligtaran ni mccoy kasi napakatahimik. Parang napaka seryosong tao.

Hmmm manolo, hindi ba papasyal dito yung mapapangasawa ng kuya mo? Bukas na ang kasal pero hindi pa namin sya nakikitang napasyal dito eh.

Ah si ghia hindi talaga yun pupunta dito. Sa kasal na sya mismo pupunta.

Huh? May ganun? Ano yun?hindi nya titingnan kung ok yung place or nasunod yung gusto nyang setup ng wedding?

Kung ako din sa kalagayan nya hindi din ako mag eeffort for this wedding. Hay naku wag mo ng intindihin yun. Hayaan mo na sila. Ako nga kapatid ko yung ikakasal wala akong pakialam eh. Malalaman  mo din yun bukas. Tara almost dinner na. Baka hinahanap na nila tayo.

Oo nga pala almost 7pm na. Family dinner pala ng angkan nina inigo kaya kailangan makapunta na dun. Nakakahiya pag nahuli. Magkasabay na kami ni manolo. Ng makarating kami dun sinalubong kami ni inigo. Nagusap lang sila sandali ni manolo at pagkatapos pumunta na ito kung saan nakapwesto ang pamilya nya. Nandun si mccoy.

Kinaumagahan

Nasa garden na ang lahat kumpleto na. 7:30am ang wedding. Parang naexcite ako sa gaganaping kasalan. Maya maya lamang nagumpisa na. Nakita ko magkasabay na naglakad ang ikakasal papunta sa paring naghihintay. Ang gwapo ni mccoy sa suot nya. At ang babae. Ang ganda din nya. Pero bakit ganun bakas sa mga mukha nila ang lungkot. Parang hindi sila masaya.

Nung nasa harap na sila ng pari,inumpisan na agad ang seremonya. Habang lahat kami naman tahimik lang na nanonood. Hanggang sa hindi ko na namalayan na tapos na ang kasal.

Sumunod ang reception dun din mismo sa garden. Kunti lang naman ang andun mga pamilya ng kinasal at ilang malalapit na kaibigan ng pamilya.

Tahimik lang ang bagong kasal. Nakita kong kumukuha ng video si manolo dala ang pinaka latest na uri ng digicam.

Habang yung bagong kasal isa isang nilapitan ang mga nandoroon. Nung nasa harapan ko na sila. Nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko alam kung bakit. Nakatitig sa akin si mccoy. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata nya. At si ghia ganun din. Bakit ganun is there something wrong?

Hanggang sa nagpaalam na ang mga bisita. Naiwan kaming magkakaibigan sa isang table. Masaya ang lahat na nagkukwentuhan. Nagbabagsakan ang lahat ng pick up lines at mga hugot. Tawang tawa naman ang lahat kahit corny yung iba.

Nung nakaramdam na kami ng pagud napagpasyahan na naming magpahinga. Pumasok na kami sa aming mga kuwarto. Agad akong nakatulog dahil sa sobrang pagud.

Kinabukasan

Tinanghali na ako ng gising. Wala na sa higaan sina loisa at sofia. Nagayus ako sandali saka
Lumabas. Hinanap ko sina loisa, sa kasamaang palad ako lang pala naiwan dahil nagsipag puntahan sila sa bayan para daw mamili ng ipapasalubong. Yes babalik na kami mamayang gabi pabalik ng manila.

Umupo na lang ako sa may swing ng garden. Bigla ko naalaala ang pagkilala namin ni mccoy dito. Gusto ko sana sya makausap bago kami bumalik ng manila. Ang dami kong gustong itanung sa kanya. Curious ako. Nasa ganun akong pagiisip ng nilapitan ako ng isang katiwala at may inabot na isang sulat. Nakasulat sa labas ang pangalan ko at may nakalagay na, ps. Read it when your back in manila. Mccoy

Napaisip ako. Bakit nya ako binigyan ng sulat? Naexcite ako gusto ko na basahin ng biglang nagsipagsulputan mga kaibigan ko, bad timing. Agad kong tinago ang sobre sa aking bulsa.

Kinagabihan were going back to manila. Kung saan may naghihintay na bagong kabanata sa buhay ko.

************************

Guys hows the update? Comment nyo lang
Po if ever na may gusto kayong isuggest sa story. Welcome po ang lahat para sa ikakaganda ng story ko! Dont forget to vote din po.

Pasensya na if ever na matagal ako mag update sobrang busy lang talaga. But i will update as soon as possible depende sa feedback ng readers. Kung meron nga ba talaga nagbabasa?hehehe

Note. Dont forget to watch we will survive at 5pm and 9am for regional network. Support po natin ang loveteam nina maris at mccoy #McRis nakakakilig sila as jenny and ralph

The Story Of My Life: Maristella's Diary (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon