Chapter 8: TSMOL: Ang Piyesta

111 4 0
                                    

Maris POV

Simula nung dumating kami sa san rafael madami na ang nangyari. Masaya ang katatapos lang na piyesta nila. Ang daming dumayo na mga turista kakaiba din kc pala ang selebrasyun ng taga San Rafael may sing and dance competition para sa lahat. Kahit dayu lamang pwede sumali. Hindi naman kc ganun kalaki ang bayan ng San Rafael kaya inopen nila sa karatig bayan ang kompetisyun. Ang pinaka highligth pa talaga ng piyesta nila ay yung instant search for Mr and Ms San Rafael.

Kaya pala nung gabing yun ang dami kong nakitang mga dayu na nagayus talaga at magaganda at mga nag gwagwapuhang mga boys. Panay pa nga tingin ng grupo ni inigo sa mga girls na nagpapansin sa kanila. Kilala din kasi ang banda nila sa lugar nila syempre. Unang nagtagisan muna ang mga kalahok para sa singing competition Ang blakinwhite din ang naging hurado para sa patimpalak nilang singing competition. Sumunod ang dance group competition. Ang hurado naman daw ay ang miyembro ng isang sikat na dance group sa howbiz ang hashtagers. Wala akong alam sa showbiz kaya wala akong pakialam sa paligid ko na kinikilig sa sinasabi nilang grupo. Napansin kong kinikilig si loisa. May tinitingnan sya dun sa grupo pero hinayaan ko na lang sya. samantalang si sophia ay tahimik lang na nanonood. Artista kasi sya kaya normal na sa kanya ang tanawin. Kaya tahimik nalang din akong nanonood sa mga sumasayaw hanggang matapos ito. pero bago matapos ang paligsahan katabi na namin ang blakinwhite tumabi si diego sa gf na si sophia tapos si joshua tumabi kay loisa. Magkatabi naman sina miguel at marlo kasunod si inigo na tumabi sa akin. Tahimik lang din sila kaya walang umimik sa amin hanggang matapos ang competititon.

Huling inanounce ang nanalo para sa napiling Mr. and Ms. San Rafael. Unang tinawag ang napiling Mr. San Rafael.

Masigabung palakpakan ang sumunod pagkatapus tawagin ang napili. Si hashtager Ronnie, yun ang narinig ko. Nakita ko kung gaano kilig na kilig si loisa. Marahil ito yung gusto nya sa grupo. Umakyat na sa stage si Ronnie, nakita kung binulungan nya ang host at ngumiti. Pagkatapos Nagsalita ulit ang host.
Ladies and gentlemen nais po ng ating Mr San Rafael na sya ang pumili kaya Mr. San Rafael sino ang maswerting babae na napili mo?

Lumibot ang paningin ni ronnie. Nagtitilian yung mga nadadaanan ng tingin nya. Ako naman gusto ko ng yayain mga kasama ko umuwi, Nakita ko na lang bumaba sa entablado si ronnie. Palakad sa direksyun namin. Hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari. Hindi ko namalayan na nasa stage na pala ako.

Yes ako lang naman po ang napili ni ronnie hindi talaga ako makapaniwala. Nagrequest ang host na sumayaw daw kami. Grabe tatanggi sana ako pero paano? Narinig ko na lang malakas na palakpakan ng mga nanonood. Pagkatapos may pinatugtog na silang sayaw. Kinakabahan ako hindi ako makakilos. "Ako nga pala si ronnie. Pasensya sa abala ha. Sana mapagbigyan mo akong makasayaw ka." Dyosko nung narinig ko boses nya para akong naistatwa. Hindi maikailang gwapo din pala ito. "Im Maris.."Pero bago ko pa maituloy sasabihin ko para makapag oo. Naunahan na ako ni inigo.

Pasensya na hindi kasi marunong sumayaw girlfriend ko eh.

Nilakihan ko ng mata si inigo imbes na dun ako mag reak sa sinabi nyang gf nya ako, dun ako naasar sa sinabi nyang hindi daw ako marunong sumayaw aba ang galing galing ko kaya.

Ay tara, sayaw tayo. Hinila ko na agad si ronnie papuntang stage. Pero nilingon ko muna si inigo bago kami nakalayo at nag mouth face ako sa kanya, lagot ka sa akin mamaya sabi ko.

Nung nasa stage na kami nagsipalakpakan ang mga tao. Sinabi q patugtugin ung love yourself pop version. Nung nagumpisa ng tumugtog hinayaan ko si ronnie magdala sa akin sa pagsayaw. Gusto ko kasi malaman kung talagang magaling sya. Infairness magaling nga sya. Ginanahan ako sa pagsayaw. Tapos binigyan namin isat isa ng solo moves bago matapos ang sayaw. Nung natapos kami grabe palakpakan ng mga tao.

"Wow ang galing naman pumili ng Mr San Rafael natin para sa kanyang partner. Hindi lang maganda ang galing din sumayaw." Pagkatapos binigay na sa amin ang trophy at sach, bongga kasi meron pala talaga.

Wow besty ang swerte mo naman ikaw napili ng crush ko. Bulong sa akin ni loisa nung pauwi na kami. Sabi ko na nga ba may gusto sya sa isa sa hashtagers kaso kay ronnie pa pala. Kung alam ko lang na ito pala sana sinuggest ko na lang dito na sya ang isayaw ni ronnie.

Ewan ko ba dun baka nabulag lang best hahaha tumawa din si loisa at napalakas pa kaya nagsitinginan ang mga kasama namin isa na dun si inigo.at dahil dun bigla ko tuloy naalala yung utang nya sa akin. Usap tayo mamaya lagot ka sa akin. Bigla ko nasabi sa kanya.

Kaw ha bakit mo nasabing girlfriend moko?

Eh diba girl friend naman talaga kita? Babaeng kaibigan diba?

Hay naku inigo kahit ang close nating dalawa wag mo akong biruin ng ganyan. Sungit sungitan ko sa kanya.

Besty naman wag kang ganyan. Alam mo namang love na love kita eh Kasi naman yung ronnie na yun kilalang chickboy sa showbiz eh. Ayaw kong maisama ka ny na maging ice cream.

Ice cream? At bakit naman maging ice cream nya ako?

Diba ang ice cream may flavor of the month? Ayaw ko masali ka dun.

Ha ha ha pangasar kong tawa sa kanya. Pero in fairness talaga kay inigo kahit 6 months ko pa lang syang nakilala parang sobrang gaan pakiramdam ko sa kanya parang ang tagal tagal ko na syang kilala. Pero thank you besty sa pag alala. okey lang naman ako. Kayang kaya ko mga ganyan. Ako pa. Sabay hug ko sa kanya. Ewan ko talaga hindi ako ganito sa mga friends kong boys na nagha hug pero kay pagdating kay inigo walang malisya. Siguro kasi kung ituring namin ang isat isa ay parang kapatid. Nag iisa lang akong anak tapos sya naman walang kapatid na babae kaya siguro ganito kami kalapit.

Pero magkapatid lang ba talaga? Basta masaya ako pag kasama ko sya. Para syang gamot pag malungkot ako!


The Story Of My Life: Maristella's Diary (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon