TSOML Chapter 12: The Vacation

159 6 4
                                    

Inigo's pov:

Naputol ang pagmumuni muni ko ng marinig ko bigla may nagsalita...

Bro pwede din ba ako sumama? I wanna meet her again...I missed her...

I Wanna meet her again... I missed her... paulit ulit sa utak ko. Parang nasa tabi ko pa rin si mccoy. Nakauwi na kami ng bahay. Pero hindi ko talaga maiwasang magselos. Wait tama bang nagseselos ako? Parehong importanteng tao sila sa akin. Pinsan ko si mccoy at bestfriend ko si maris. Hindi ko naman kinakailang gusto ko si maris. At ang nakaka bother lang naman sa akin ay gusto rin sya ng pinsan ko.

Yes mccoy confessed me more than 2 years ago nung nagbakasyun ang grupo for the town fiesta at sa wedding nya.

****flashback****

Bro bestfriend mo lang ba talaga sya? Tanong ni maccoy. Nasa swing kami ng garden nun. Kinausap nya ako tungkol kay maris. Nagulat ako dun. Bakit sya magtatanong ng ganun?a

Bestfriend ko sya bro ayaw ko magtake advantage ng dahil dun. Nageenjoy kami pareho in each others company. Sagut ko na lang sa kanya.

So gusto mo nga rin sya i can see it in your eyes. Bro kung sasabihin ko sayo na unang kita ko pa lang sa kanya nagustuhan ko agad sya maniwala ka ba? Seryoso nyangĺ00000lplp tanung sa akin.

Tiningnan ko sya sa mata. At nakita ko ang sinserity nun. Hindi ako makapaniwala. Gusto nga nya si maris. Kasi naman akala nyo tahimik lang si mccoy pero ang dami nya ng pinaiyak na girl. Makarisma kasi yan lapitin ng girls.

Bro ikakasal ka na. Wag mo na sanang isama sa list mo si maris kundi kahit magpinsan tayo mapapatay kita. Sabi ko sa kanya. Natawa sya sa sinabi ko. At nagsalita.

Bro magpinsan tayo kilala mo ako. Alam mo kung seryoso ako o hindi. Alam mo naman dahilan kung bakit ako ikakasal kay ghia diba?

****END OF FLASHBACK****

---------------------------------------

At oo nga pala almost 3years na simula nung kinasal sila. At almost a year na din simula nung naging single sya ulit. At bakit? Wala na kasi si ghia.

Ghia died because of breast cancer. Hindi mahal ni mccoy si ghia. Ipinakasal lamang sila dahil sa negosyo. Walang maiiwanang taga pagmana ang mga magulang ni ghia shes only child. Dahil magkasosyo ang pamilya nila sa negosyo ipinasya ng magkabilang partido na ikasal sila. Gusto ni ghia si mccoy kaya pumayag eto na magpakasal sa kanya. But mccoy never love ghia even though na magkakabata sila.

Nung namatay si ghia naging abala si mccoy. Sa kanya kasi ipinagkatiwala ng pamilya ni ghia ang lahat. Naging mabuting son in law sya. Napalagu nya lalo ang business nila.

Eto nga yung pub na pagmamay ari nya ngayun sariling pagsisikap nya kahit sabihing tinulungan din sya ng mga biyenan nito.

Napahaba na ang iniisip ko hayst bahala na nga magpahinga na ako bibiyahe pa kami bukas ng maaga papunta sa isla kung saan nandun sina maris.

---------------------------------------

Dito na kami sa isla costa estrella. Maganda ang place. Kararating lang namin. Kasalukuyan na kaming naglunch. Pinaghandaan kasi kami ni Maris. Masaya kami habang kumakain. Eto namang mag partner ang su sweet nila. Si loisa at jushua, si diego at sophia, si miguel at bianca pati nadin si marlo at janella. Yes guys magkakasama padin ang banda eh sa gusto ni maris na kasama din sila eh kaya ayun sumama agad sila nung tinanung ko. Mabuti na lang kasama ko din ang dalawa pa naming kaibigan si jon at ryle at syempre pinsan naming si mccoy n wlng mga partner kaya hindi lang naman ako ang out of place hehe.

Pagkatapos naming kumain pinagpahinga na muna kami kasi mamayang gabi daw mag bobone fire kami sa may tabing dagat. Excited ako kasi magkakantahan daw kami.

Mccoy pov:

Masaya ako nakita ko ulit sya after 4mths. Yap nagkita kami 4mths ago sa amerika. Dinalaw ko kasi sya. Lalo nat alam ko kalagayan ng papa nya. Hindi maikakailang may communication parin ako sa kanya because of my cousin inigo. Masaya ako nun. Nung nakita ko sya ulit after nung wedding ko mas napatunayan ko kung ano tunay na nararamdaman ko sa kanya. And its really love.

Hindi pa ako nagtatapat sa kanya ng nararamdaman ko. Ayaw kong pag isipan ng hindi mganda ang intensyun ko sa kanya. Hindi pa kasi ako natapos sa pagbabang luksa kay ghia nun, wala pa kasing taon na namatay si ghia. Alam nya ang tungkol kay ghia.

9pm

Andito na kami sa tabing dagat. Nakapalibot kami sa bonefire na ginawa namin. Nakaupo kaming lahat na pabilog. May dalang gitara si joshua, pinsan kong si inigo at si maris. Yes magaling kasi syang mag gitara. Passion nya ang music.

Napagitnaan namin ni inigo si maris pero mas magkalapit sila ni inigo sa pagkaupo.

Nagumpisang tumugtog si joshua. Kumanta sya para daw sa love of his life na si loisa. Grabe kinilig naman kaming lahat. Ang sweet kasi nilang dalawa. Halatang inlove sa isat isa. Nung natapos yung kinanta nya mas lalo pa kinilig si loisa dahil hinalikan lang naman sya sa harap namin sa labi hehe oy tagal na yan sila kaya wag kayo magisip ng kung ano. May balak na kaya silang magpakasal.

Ayun pagkatapos ni joshua kumanta din yung iba para sa mga partner nila. Masaya ang lahat. Tapos hindi lang kantahan kasi may sayawan pa. May truth or dare pa kami. Basta ang saya saya ng lahat. Lalo na ako kasi naisayaw ko sya. Nung sa akin kasi naitama yung bote para sa dare or truth, at pinili ko ang dare, pinasayaw lang naman kami ni inigo. nung una akala ko ayaw ni maris pero game pala sya. Ayun sinayaw namin yung bomba yun kasi gusto nilang lahat. Nung una na o-awkward ako pero dhil sa nakikita ko nageenjoy sya humataw nadin ako plus pa yung mga tawa nya na nakaka inspired hehe.

Wow galing naman pala sumayaw ng pinsan nyo kambal, ang galing gumiling tinalo ako hahaha sabi ni maris. At nagtawanan kaming lahat. Marami pa ang nangyari basta super enjoy kaming lahat. Hanggang sa natapos yung kasayahan namin ng halos mag aalas tres na ng umaga. Napagud na rin ang lahat kay napagpasyahan naming magpahinga na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story Of My Life: Maristella's Diary (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon