"ganun na lang yun?" tanong nya kay Robby, nakatalikod sya dito at ayaw nya rin ito harapin. After 2years of marriage sa annulment lang pala aabot ang lahat. Di na sya masyado makaiyak ngayon siguro naubos na dahil sa gabi gabi nyang pagluha.
Tiningnan nya ang brown envelope na nasa side table ng kama nila. Gustong gusto nya itong punitin pero kinalma nya ang sarili nya at humarap kay Robby.
"I can't sign that paper." matapang nyang sabi dito. Nakita nya ang panlulumo sa mukha nito. Shit! Gusto ba talaga nyang gawin yun? Paano na ko? Tinitigan nyang maigi si Robby na hanggang ngayon ay tahimik pa rin.
"you can go, but I won't leave. I will never sign that fuckin paper to set you free. Keep this in your head. you asked me to marry you. you proposed to me and you even announced it to the whole world. And I promised to God that I will stay in this relationship no matter what. If you can't deal with me, you can go now." sabi nya dito at saka tumalikod papunta ng toilet. Kanina pa sya nahihirapan huminga kaya kailangan nyang ilabas ang lahat ng sama ng loob nya. Hinding hindi sya iiyak sa harap ng lalaking ito.
Hindi nya gustong maannulled kay Myrtle pero kelangan. Mahal na mahal nya si Myrtle pero halos araw araw na lang sila nagtatalo, ang dami pala nilang differences at sa dami ng mga iyon isa lang ang pinagkapareho nila. Career. Kaya ngayon, sa hiwalayan mauuwi ang lahat.
Hinintay nyang lumabas si Myrtle pero halos isang oras na hindi pa din ito lumalabas kaya napagpasyahan nyang lumabas na ng bahay. Kelangan nya ng sariwang hangin. Papalabas na sya ng pinto ng may marinig syang lagabog sa loob ng kwarto nila. Patakbo nyang pinuntahan ang kwarto nila ni Myrtle, pinihit nya ang knob ng toilet nila pero nakalock ito, tinawag nya si Myrtle pero walang tugon mula dito. Nagmamadali nyang hinanap ang masterkey nila at dali-daling binuksan ang pinto ng toilet.
Naabutan nyang nakahandusay si Myrtle at walang malay. Inilang hakbang lang nya si Myrtle at binuhat, naramdaman nyang parang basa ang puwetan nito at ng silipin nya ang kamay nya nakita nyang may dugo ito.
Shit. Shit. Shit. He keep on cursing himself while driving to the hospital.
"Baby, hold on. Malapit na tayo. Sorry. I'm so sorry Baby. We're almost there. I love you Babe. " he keeps on talking hoping she can hear him.
Pagdating sa hospital agad na inasikaso si Myrtle sa ER, at doon nya natuklasan na 9 weeks pregnant na pala ang asawa nya kaya pala lagi itong matamlay, napagalaman nya mula kay Alda, kaibigan nila na nakareside sa ospital na yun as OB-gynecologist, na balak syang sorpresahin ni Myrtle ngunit ito pa pala ang nasorpresa sa alok nyang annulment dito.
Galit na galit sya sa sarili nya, kasalanan nya ang lahat, nangyari ang lahat dahil sa career. Letcheng career yan. Dahil sa career na yan, unti unti ng gumuguho ang buhay nya.
Kasalukuyang nasa E.R. si Myrtle ng dumating si Myar at Arym. Lumapit agad sa kanya ang pinsan ng asawa.
PAK..
Isang malakas na sampal ang binigay nito sa kanya, pati ang pinsan nyang si Arym ay nagulat din sa ginawa ng girlfriend nito.
"I hate you!" sigaw nito sa kanya.
Pigil pigil naman ito ni Arym dahil nakakakuha na sila ng atensyon mula sa mga taong nagdadaan sa hallway."I'm sorry." yun lang ang nasabi nya, yun lang ang kaya nyang sabihin sa ngayon.
"pu*¥#:? §$! Sorry?! Walang malay ang pinsan ko ngayon dahil sa'yo. Tapos sasabihin mo sorry. At isa pa, yun matagal nya ng pinagdadasal na binigay sa kanya, ngayon nawala na. Should I congratulate you on that? Damn you! You just killed your child. You murderer!" sigaw pa nito sa kanya, di ito nagpaawat kay Arym. Hilam na ito ng luha at kita nya ang galit sa mukha nito. Maya maya lang ay dumating na ang mga magulang nya.
Di sya nagsasalita. Tahimik lang din ang mga magulang nya, tanging si Myar lang ang kinakausap ni Alda tungkol sa kondisyon ni Myrtle at ayon dito ay wala pa ring malay pero ok naman na daw ito, yun nga lang di na talaga nailigtas ang nasa sinapupunan nito.
Masakit ang buong katawan nya paggising nya. Nilibot nya ang paningin at tila hindi sya pamilyar sa kwartong iyon, syang lapit naman sa kanya ni Myar.
Pagkakita pa lang nya sa mukha nito, bigla nyang kinapa ang puson nya. Ewan ba nya, automatic na lang nyang naisip gawin yun. At parang kumpirmasyon na rin sa kanya dahil parang malambot na ang bahaging iyon ng puson nya. Naglandas na lang bigla ang luha nya, iyak sya ng iyak. Gusto nyang magwala pero parang wala syang lakas.
"wala na ang baby ko?!." nasambit nya, tanong na kumpirmasyon iyon. Tumango naman si Myar at niyakap sya. Nasa ganon silang scenario sila ng bumukas ang pinto at iluwa nito ang taong ayaw nya ng makita.
Kasalukuyan syang nageempake ng gamit ng matanaw nya ang brown envelope na nasa sahig. Pinulot nya ito at binuksan, binasa nya maigi ang papel na nasa loob ng envelope.
Annulment paper.
Pinirmahan nya ito bago lumabas ng pintuan. Malaya na sya. SILA. Magsisimula sya sa simula. Mamumuhay syang malayo sa lahat ng sakit at pighati. Iiwan nya lahat ng negatibong bagay sa lugar na ito, ang pait ng kahapon dahil bukas ibang buhay na ang haharapin nya kasama ang kanyang anghel.
BINABASA MO ANG
I Loved You Once and Again
General FictionThe story of Myrtle and Robby. They loved each other so much. They were in a long term relationship and decided to get married even in a young age. But like from any other couples, trials come once you're married and just like that one of them deci...