we meet again

6 0 0
                                    

Arym & Myar Nuptial

"Ready?" sigaw ng isa sa mga wedding Coordinator

Magsisimula ng maglakad ang mga entourage. Tuwang tuwa naman si Morrie habang dala dala ang white heart pillow na may singsing. Maingat nitong hawak hawak ang pillow na may singsing at masunurin na ring bearer, lagi pati ito napayakap kay Myrtle. Ewan ba nya kung bakit napakasweet ng anak nya ngayon sa kanya pero masaya talaga sya. Habang abala sya sa kay Morrie ay natanaw ng mata nya ang mga magulang ni Robby na papasok sa simbahan. Biglang kaba ang naramdaman nya pero di nya ito pinahalata sa anak na kasalukuyang hinahalik halikan ang pisngi nya
Di na rin sya mapakali dahil anytime darating na din ang asawa nya.

"Myrtle, nadala mo ba yun mga hair pins?" tanong ng make up artist ni Myar.

"wait, nasa kotse ko eh. Tawagin ko lang si mommy." iniwan nya muna si Morrie sa mommy ni Myar saka nagpunta sa parking lot ng simbahan, kakamadali nya di na nya napansin ang kasalubong nya.

"is that....?"

"oh pre, namalikmata ka na ba?" tanong ni Prince sa kanya na kalalabas lang sa kotse nito.

"Ha? Wala, kala ko lang kakilala ko. Tara na, baka galit na yun mokong na yun."

.....
Good thing nakahabol sya bago pa man maglakad ang entourage. Nakaantabay sya kay Morrie sa kabilang dulo ng mga upuan ng simbahan, kita nya na seryoso ang anak sa role nito, at pag may camera ay bigla na lang mag smile. Natatawa na lang sya sa anak na parang matanda na, pinaalis pa nga sya nito kasi ayaw daw nito na samahan nya maglakad. Tinutulak sya nito kanina palayo habang tumatawa sa kanya kaya hinayaan na din nya maglakad ito magisa pero nakasunod pa din sya sa gilid.

Nang makaupo na sila, nagulat na lang sya ng mapansin nyang magulang pala ni Robby ang katabi nya. Buong seremonya ay di sya mapakali, idagdag pa ang maya mayang tingin sa kanya ni Robby kaya naman ng "peace be with you" na ay kinausap nya ang mommy ni Robby at sinabing magusap sila mamya pagdating sa reception ng bagong kasal.

......
Di nya maiwasan di tingnan ang dating asawa, maganda pa rin ito pero parang naging sopistikada na ito di tulad dati na mukhang di makabasag pinggan. Sabagay kasalanan naman nya ang lahat, pero isa lang ang sigurado sya, mahal pa din nya ito pero di nya alam kung paano ito kakausapin o lalapitan man lang.

"pre, may inilihim ba sa atin pinsan mo?" agaw pansin sa kanya ni Mark.

"Ha? Bakit naman?" tanong nya dito ng nagpabalik ng presensya nya sa seremonya na nagaganap.

"anak ba nila yun ring bearer?" tanong nito sa kanya, napatingin din sya kanina sa batang yun na parang celebrity kanina na pag walang camera ay pamysterious lang ang mukha pero pag may camera na ay todo ngiti na. Parang may pagkakapareho nga sa pinsan nya.

"di ba magkamukha sila? Kamukha din ni Myar," dagdag pa ni Mark.

"imposibleng di sabihin ni Arym sa akin yun." sagot naman nya. Pero parang may duda din sya, bka nga anak nito ang batang yun at di na lang pinaalam dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang taon.

Picture taking na at lagi nakalapit ang bata sa bagong kasal, minsan pa ay buhat ito ni Arym. Tinginan naman sila ng tinginan ni Mark, kaya naman napansin na din sila ni Cloud at JC, si Prince na ang nagsabi ng hinala nila dahil kanina pa pala ito nakikinig, kaya naman buong kasalan ay nakatutok silang magkakabarkada sa batang kasalukuyang buhat ni Arym.

....
Reception

"iha, ano yun sasabihin mo? Pasensya ka na sa nangyari noon ha, di ko talaga alam kung pano ka icomfort that time." sabi ng ina ni Robby ng ayain nya ito sa may gilid ng garden na kung saan ay walang masyadong nagdadaan.

"ok lang po, masaya naman po ako. Tsaka natuto po ako ngayon mabuhay ng magisa, actually po may pagtatapat po talaga ako.."

....

"Congrats pre, di namin alam may nabuo na pala kayo." sabi ni Mark kay Arym ng lumapit ito sa kanila para sa isang toast.

"huh? Buntis ba misis ko?" tanong nito kay Cloud, na bf ni Alda.

"ang sinasabi nya yun batang buhat mo kanina" sagot naman ni Cloud

"ah, hahaha!" sagot lang nito at saka tinapik sa balikat si Robby na ipinagtaka nya saka nagpaalam na sa kanila at makikipagtoast pa sa ibang table.

....

Kasalukuyan syang umiinom magisa ng mapatingin sya sa babaeng papalapit sa kanya. Trouble. Yun ang nasa isip nya.

"hi!" sabi nito ng makalapit sa kanya.

"Steph, sa office na lang tayo magusap." sabi nya dito, naiinis na sya dito dahil para itong possessive girlfriend eh hindi naman sila.

"look, di ka ba naiinggit sa pinsan mo? Happy married man." sabi pa nito habang nilalaro ang manggas ng barong nya kaya naman bigla nyang nahiklat ang kamay nya palayo dito.

"I was once that happy married man." sagot nya dito at saka umiwas ng tingin, tiningnan nya ang mga binata at dalagang naglalaro para sa garter at bouquet ng mapansin nyang papalapit sa kanya ang taong pinakahuli nyang inaasahan na lalapit sa kanya.

"Ahm, sorry. Can I talk to you, in private?" sabi nito na may pag-aatubili.

Kinurap kurap pa nya ang mga mata dahil baka nagkakamali sya pero totoo nga, si Myrtle nga ito.

I Loved You Once and AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon